2. Title: Sa mga Kababayang Dalaga sa
Malolos
Original date of document: February 1889
Original place of publication: London,
England
Period: 19th
Language: Filipino
3. Nang aking sulatin ang Noli Me
Tangere, itinanong ko sa aking sarili kung
ang kapusukan sa mga kadalagahan sa
aming bayan ay karaniwan. Kahit ko
saliksikin ang mga alaala; kahit ko mang
pag-isa-isahin ang lahat ng kadalagahan
nakilala sapul sa pagkabata, ay mangisa-
ngisa lamang ang sumaging huwarang
larawan.
4. Ngunit nang dumating ang balitang
nangyari sa intong bayang
Malolos, napagkilala kong akoy nmali, at
ang tuwa koy labis
5. Ang babaing Pilipina ay di napayuko at
napaluhod; buhay na ang pag-asa sa
panahong sasapit, wala na ang inang
tumutulong sa pagbulag sa anak na
palakihin sa alipusta at pag-ayop.
6. Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak
na namummugay dapat ang babaiy
magtipon ng yamang maipapamana sa
lalaking anakAng inang wala maituro
kundi ang lumuhod at humalik ng
kamay, huwag mag-antay ng anak na iba
sa dungo o alipustang alipin.
7. Gisingin at ihanda ang loob ng anak sa
balang mabuti at mahusay na akala;
pagmamahal sa puri, matapat at
timtimang loob, maliwanag na pag-
iisip, malinis na asal, maginoong kilos, pag-
ibig sa kapuwa, at pagpipitagan sa
Maykapal, ito ang ituro sa anak
8. Napagkilala din ninyo na ang utos ng
Diyos ay iba sa utos ng pari,na ang
kabanalan ay hindi ang matagal na
luhod, mahabang asal, malaking
kwintas, libaging kalmen, kundi ang
mabuting asal, malinis na loob at matuwid
na isip.
9. Maghunus-dili nga tayo, at imulat natin
ang mga mata, lalung-lalo na kayong
mga babae, sapagkat kayo ang
nabubukas ng loob ng tao.
10. Konklusyon isinulat ni Rizal ang liham na ito
upang ipakita ang kanyang paghanga sa
katangi-tanging ginawa ng mga
kababaihan ng Malolos. Isinulat ninya din
ito dahil sa mungkahi ni Marcelo H. del
Pilar upang pasiglahin ang mga
nanlalamig na mga kapanig ni Rizal sa
ikakagaling at ikakatamo ng kaginhawaan
at kalayaan ng mga Pilipino.