6. LIPUNAN
Ayon Kay:
Emile Durkheim
Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay
patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang
lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na
pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.
7. LIPUNAN
Ayon Kay:
Karl Marx
Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito
ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantayna antas
ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman atkapangyarihan.
8. LIPUNAN
Ayon Kay:
Charles Cooley
Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing
na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan
ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.
9. LIPUNAN
Ang mga sosyologo ay nagkakaisa:
na ang lipunan ay binubuo ng ibat ibang
institusyon, ugnayan, at kultura
ISTRUKTURA NG LIPUNAN
1. Istrukturang Panlipunan
2. Kultura
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
10. LIPUNAN
Pangkatang Gawain
Tree Diagram
Panuto: Tukuyin ang mga
impormasyong kailangan upang
mabuo ang konseptong
nailahad
1. Institusyon
2. Social Groups
3. Status (Social Status)
4. Gampanin(Roles)
11. LIPUNAN
Elemento ng Istrukturang Lipunan
1. Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Ang
institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan.
Mga Institusyong Panlipunan:
Pamilya Pamahalaan Paaralan Relihiyon
12. LIPUNAN
Pamilya
Ang pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito
unang nahuhubog ang pagkatao
ng isang nilalang.
Paaralan
Ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan,
nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog
sa isang tao upang maging kapakipakinabang na
mamamayan.
13. LIPUNAN
Ekonomiya
Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan
dito kung paano matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
Pamahalaan
Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga programa
upang mapabuti ng buhay ng bawat mamamayan.
14. LIPUNAN
Relihiyon
Kabilang dito ang paghangad ng kaligtasan,
pagdarasal na maging matagumpay ang iyong mga
gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay
o anumang klase ng pananampalataya.
15. LIPUNAN
2. Social Group
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon
ng ugnayan sa bawat isa at
bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Dalawang Uri:
1. Primary group - ay tumutukoy sa malapit at impormal
na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay
mayroon lamang maliit na bilang. Hal. Pamilya at Kaibigan
16. LIPUNAN
2. Secondary group - ay binubuo ng mga
indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isat isa. Isang
halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng
kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga
manggagawa sa isat isa.
3. Status (Social Status)
Ang mga social groups ay binubuo ng ibat ibang status.
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng
isang indibiduwal sa lipunan.
18. LIPUNAN
4. Gampanin(Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social
group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan
ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Halimbawa,
bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga
tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na
gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng
pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.