25. 1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
2. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan,
mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at
kultura ng isang lipunan.
3. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong
may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
4. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao
sa isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan
26.
5. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy
ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan.
6. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil
sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang
mga inaasahan mula rito.
7. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng
secondary group.
8. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na
may malapit at impormal na ugnayan sa isat isa.
27.
9. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang
social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang
gampanin o roles.
10. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng
isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot ng
isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa
nasabing grupo.
Editor's Notes
Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011).
Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.