3. ISANG GABI, dinalaw ng malakas
na ulan ang Barangay Denggoy.
Walang gustong lumabas ng
bahay. Nakatatakot kasi ang
mga kulog at kidlat. Sinabayan
pa ng brown-out. Kaya habang
nakaikot sa gasera,
nagkuwentuhan na lang ang
magkakapatid na Moncito,
Elise at Vincent hanggang sa
silay antukin at makatulog.
4. KINAUMAGAHAN, Ay bumaha
pala!bungad ni Elise.
Yehey! Wala tayong pasok
ngayon! sagot ni Moncito.
Makakapaglaro tayo sa
baha!hiyaw ni Vincent.
Nagmamadaling kumuha si
Moncito ng mga papel. Iginawa
niya sina Elise at Vincent ng
bangkang papel at sinimulan na
nila ang karera ng mga bangka.
5. Maya-maya , naisip ni Vincent na
meron pa pala siyang jovos o
pulbos na pang-tina na natira mula
sa isang project nila sa eskwela.
Kinuha niya ito at silay
nagpaligsahan sa paggawa ng
pinakamagandang kombinasyon
ng mga kulay ng jovos sa tubig-
ulan at inipon sa mga walang
laman na bote ng softdrink, patis,
at toyo.
Ang ganda naman ng
inilagay mong kulay sa bote mo,
Vincent. Akin na lang!
6. Hindi puwede , Ate Elise, akin
ito. At itinago ni Vincent ang bote
sa bodega, doon sa hindi makikita
nina Moncito at Elise.
Unti-unting humupa ang baha.
Nalimutan na nina Moncito, Elise at
Vincent ang kanilang mga bangkang
papel at ang mga boteng may
lamang tubig-ulan.
At lumipas ang maraming araw.
7. ISANG UMAGA, may lamok na
dumating sa Barangay
Denggoy. Naghahanap ito ng
tirahan. Hirap siyang lumipad
dahil buntis siya at kailangan
nang mangitlog. Handa nang
sumalubong ang mga kanal at
estero sa kanyang pagdating.
Pero - Yak, ang dumi-dumi.
Nakakadiri! Hindi ako bagay
rito! kinilabutan si Lolit
Lamok nang makita niya ang
kanal. Baka magkasakit ako
rito!
8. Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong.
Ano bang problema mo? masungit na tanong ng ipis.
A, e, naghahanap kasi ako ng
matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay yung
tubig na malinis. May alam ka ba? tanong ni Lolit Lamok.
Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa
bodega. Ilang beses na niya itong tinikman. Kaya tiniyak niya kay
Lolit na wala itong lason.
Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema
mo! At sinamahan ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok sa bodega. Iba ka
sa mga lamok na kilala ko. Malinis ka! hangang-hangang sabi ni
Tsipis.
9. Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob-
loob niya, madali palang lokohin
ang ipis na ito. Kung alam lang niya
kung ano ang pakay ko sa lugar na
ito! At siyay bumunghalit ng isang
nakatatakot na tawa. Bwi hi hi hi hi
hi!Bwa ha ha ha ha ha!
Samantala, doon sa kisame ng
bodega, pinapanood ni Gugu
Gagamba ang mga nagaganap.
Hmmmmukhang may gagawing
di maganda ang lamok na ito!
10. HINDI NAGTAGAL AT
NANGITLOG SI LOLIT.
Tuwang-tuwang
nakipanood ang mga baby
na ipis ni Tsipis sa mga
kikibot-kibot na kiti-kiti na
nanggaling sa napisang
itlog ni Lolit. Ang mga anak
naman Gugu Gagamba ay
naglalambitin sa sapot para
masilip ang mga bagong-
pisang lamok.
11. Sige, silipin nyo ang
mga kiti-kiti ko.
Kailangan ko kayo para
magawa ko ang balak
ko sa lugar na
ito!bulong sa sarili ni
Lolit Lamok. Walang
kaalam-alam sina Tsipis
at Gugu na si Lolit
Lamok ay impektado
pala ng Dengue virus.
12. DUMATING ANG ARAW na gutom na
gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang
sumipsip ng dugo ng mga bata. Ngayon
na ang panahon ng pagkakalat ko ng
lagim!
Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis.
Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko.
Mamayang gabi, ako naman ang titingin sa
mga anak mo.
E bakit?
Mas gusto ko kasing sa araw gumala.
Kabaligtaran nyong mga ipis na sa gabi
lumalabas.
13. Pumayag naman si
Tsipis Ipis na mag-alaga sa
mga kiti-kiti ni Lolit.
Lumabas na ng bodega si
Lolit Lamok. Handa na
siyang maghanap ng batang
makakagat. Mula sa
kanyang sapot, kitang-kita
ni Gugu Gagamba kung saan
nagpunta ang lamok.
14. Hindi nabigo si Lolit sa
kanyang paghahanap.
Nakita niya agad ang mga
batang naglalaro ng
luksong-tinik. Namataan
niya si Elise at ang makinis
nitong mga binti. Sa wakas,
mabubusog na ulit siya! Sa
sobrang tuwa ay napakanta
siya:
15. Heto nang araw na
hinihintay.
Mga balak koy
magkakabuhay.
Lamok na inaakalang
malinis,
Iyon palay nagmamalinis.
Magkukunwaring mabait
Para sa biktimay makalapit.
Isang kagat na masarap,
At lagim koy malalasap
Bwi hi hi hi hi hi!
Bwa ha ha ha ha ha!
Lagim koy kakalat
16. Isang mariing tsuk! At
pinakawalan na ni Lolit ang
mumunting Dengue Virus sa
katawan ni Elise.
Ay!Aray! sigaw ni Elise.
Akala ni Elise ay kinagat
lamang siya ng isang
ordinaryong lamok, gaya ng
mga lamok na paminsan-
minsang nakakalusot sa maliliit
na butas ng kanyang kulambo.
17. TUWANG-TUWA ang mga
mikrobyong Dengue nang
makapasok sa sirkulasyon ng
dugo ni Elise. Salamat kay Lolit,
nakapasok tayo sa katawan ni
Elise, sabi ng pinunong virus na
si Bossing.
Yehey! hiyaw ng mga
kasamahang Dengue virus.
Nakikita nyo ba ang mga
ugat na yun? Sirain nyo para
rumupok!utos ni Bossing sa
isang grupo ng mga Dengue
18. Kayo naman , ubusin nyo ang lahat
ng platelets na dumadaloy sa katawan!
Kainin nyo! Utos naman sa kabilang
grupo.
Handa na ba kayo? sigaw pa ni
Bossing.
Yes, sir!
Ano pang hinihintay nyo? Atake na!
19. PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW
matapos makagat ni Lolit Lamok,
biglang nilagnat si Elise. Naging pabalik-
balik ang kanyang lagnat sa loob ng apat
na araw. Nanakit ang kanyang ulo at
mga kalamnan, pati mga kasu-kasuan.
Nawalan siya ng ganang kumain.
Natrangkaso si Elise, sabi ni
Tatay Tony.
Pero duda si Nanay Riza.
Nabalitaan niya na marami ring bata sa
lugar nila ang may sakit na katulad ng
kay Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H-
fever raw ito.
20. Trangkaso na may
kasamang pagdurugo. Ganun
ang sabi ng nars kay Nanay Riza
nang magtanong siya kung
paano malalaman na may
Dengue ang kanyang anak.
Si Elise ay may trangkaso
at nagdurugo ang ilong.
Sa ospital, sinuri agad ng
doctor ang dugo ni Elise.
Malapot na nga ang kanyang
dugo. At bagsak na ang bilang
ng kanyang platelets.
21. Pagkatapos ay
kinabitan si Elise ng
suwero. Sa laboratoryo
ay inihanda na rin ang
dugo na posibleng isalin
kay Elise kung patuloy
na babagsak ang bilang
ng kanyang platelets.
22. Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang
nagaganap sa kanilang barangay.
Ano ba talaga ang sakit ni Elise?
tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero
sila man ay walang masabi.
Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa
radio.
Ipinapayong mag-ingat ang lahat
laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang Dengue
23. PAGKARAAN ng dalawang araw.
Ang daming sapot! gulat na
sabi ng Nanay Riza habang
gumagayak
papuntang ospital.
Hayun, galing sa bodega!
Halika Vincent, alisin natin ang
agiw,sabi ni Tatay Tony.
Punta ka na Riza sa ospital, ako
na ang bahala rito.
Sa bodega, nandiri sila sa sa
kanilang nakita!Kay daming mga ipis
at mga bubuwit. Lalo na ang mga
lamok! Nakakadiri!
24. At doon nila nakita ang bote ng
tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti-
kiti.
Aha!Dito pala nakatira ang
mga
lamok ng dengue! sabi ni Tatay
Tony.
Nabigla si Vincent sa nakita.
Sorry po. Ako poang nagtago ng
boteng yan. Umamin si Vincentna
nagsisisi.
Anak, sa susunod ay magiging
maingat na tayo. sagot ni Tatay
Tony.
25. Noon din ay sinimulan ang
paglilinis at fumigation sa Barangay
Denggoy. Nagpausok ng pamatay-
lamok sa buong lugar. Tatakas pa sana
si Lolit Lamok at ang pamilya nito. Pero
hindi nila natagalan ang lason na
nakahalo sa hanging ibinomba sa
kanila.
Sunod-sunod na bumagsak si
Lolit pati ang napakaraming mga
lamok. Kasama ring namatay ang mga
lahi ni Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang
mga langaw na nagdala ng ibat ibang
uri ng sakit. Ligtas na ang mga bata sa
Dengue. Hindi na makapaghahasik pa
ng lagim si Lolit Lamok.
26. Mula noon, natuto na ang mga
taga-Barangay Denggoy na mag-ingat
laban sa Dengue H-Fever. Tinitingnan
na nilang maigi kung may mga lata,
timba, dram, gulong, o bote ng tubig
na maaaring pamahayan ng mga lamok
at tinatapon nila ang mga ito. Tulong-
tulong na rin sila sa paglilinis ng
kanilang paligid.
At sino ang nangunguna sa
kanila?
Sino pa? E di sina Moncito, Elise,
at Vincent!