1. BANGHAY ARALIN SA ICT V
DATE:_____________________
(5 days)
I. NILALAMAN:
Ang teknolohiya tulad ng Internet ay nilikha at lalo pang pinauunlad upang magamit sa
pagpapabilis ng komunikasyon. Isang mahalagang bahagi ang komunikasyon sa pagpapaunlad
ng bansa. Isa rin itong daan upang itaas ang antas ng kaalaman. Ang palitan ng kaalaman,
opinion at iba pa ay lalong nagpapatingkad ng mga palitan ng media file.
II. LAYUNIN:
1. Natatalakay ang mga halimbawa ng media file.
2. Nakapag-aupload ng media files mula sa cellphone papunta sa laptop o computer.
3. Nakapamamahagi ng media files gamit ang isang file sharing website o sa discussion
forum.
4. Napahahalagahan ang responsableng paggamit at pamamahagi ng media files.
III. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Pamamahagi ng Media File Gamit ang Isang File Sharing Website o
Discussion sa Forum
Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-0i-20
Kagamitan: laptop, computer desktop, connector, cellphone/tablet/ipad, iba’t ibang
icon na karaniwang makikita sa gadgets, manila paper, scotch
tape,gunting
IV. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ibigay ang mga lawaran o icon. Mag-uunahang
idikit at isulat ang pangalan ng mga ito sa pisara o manila paper.
B.
C. PAGLALAHAD
- Sino sa inyo ang mahilig magselfie? Magrecord ng audio? Magvideo ng mga
nangyayari sa kapaligiran?
- Anu-ano ang inyong ginagawa matapos ninyong kumuha ng larawan, audio at
video?
- Talakayin at ipakitang-turo ang sumusunod na mga kasanayan sa Alamin Mo sa LM
pahina ________.
A. Pamamaraan ng paggamit ng media files.
Video Camera Voice Recorder
z
Dropbox Gallery Camera
2. B. Pamamaraan ng pag-aupload ng media files mula sa cellphone/tablet/ipad
papunta sa laptop o desktop computer gamit ang connector.
C. Pamamaraan ng pamamahagi ng media files gamit ang dropbox.
D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
- Isagawa ang Linangin Natin sa LM pahina _____.
E. PAGSASANIB
Ang Cybercrime Prevention Act of 2012 o Act No. 10175 ay batas na
naglalayong protektahan ang mga mamayan laban sa malabis o iresponsableng
paggamit ng internet na nakapagdudulot ng kapahamakan sa buhay ng tao.
F. PAGLALAHAT
Basahin at unawain ang Tandaan Natin sa LM pahina ____.
V. PAGTATAYA:
Sagutan ang Gawin Natin A at B sa LM pahina ______.
VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Isagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin sa LM pahina _____.
VII. KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
Ibat ibang sanggunian o kahit sa internet tungkol sa mga paraan ng pamamahagi ng
media files.