5. a. layon (end) tumutukoy sa
layunin, dahilan o intensiyon
ng kilos at ng gumagawa ng
kilos
b. pamamaraan (means) - ay
ang mismong kilos o gawa
6. c. mga pangyayari (circumstances)
konsiderasiyon sa oras, lugar,
paraan o ang tumutugon sa
tanong na kailan, saan, paano
o gaano.
7. Bagamat ang layon at
pamamaraan ang kumikilala sa
gawang mabuti at masama, ang
pangyayari naman ang
nagdadagdag o bumabawas ng
pagiging mabuti o masama ng
isang kilos.
8. Halimbawa, ang pagkuha ni Jake
ng sampong piso ni Mark na isang
mayaman at palaging maraming
baon ay masama kahit pa marami
itong pera.
9. Subalit kung kukunin ni Jake ang
sampong piso ni Jason na kinita
nito sa pagtitinda ng pandesal
para mayroon siyang
pananghalian pagkatapos ng
klase ay mas masama.
10. Ang sampung piso ni Mark,
marahil hindi niya pansin na
nawala ito dahil marami pa ang
pera niya samantalang
pinagpaguran ni Jason kitain ang
sampung piso at hindi siya
manananghalian dahil nawala ito.
11. Kung ang layon at pamamaraan ay
pawang mabuti, matatawag na ma-
buti ang isang kilos. Ngunit kung ang
isa man sa mga ito ay masama, ang
kabuuan ng kilos ng tao ay maitutu-
ring na masama kahit pa ang dalawa
dito ay mabuti.
12. Halimbawa, nais mong tulungan ang
iyong kaklase na maaaring bumagsak
sa Matematika kung kaya pinakopya
mo siya sa oras ng pagsusulit.
13. Nawawalan ng halaga ang iyong
layon na tumulong dahil hindi
maganda ang iyong pamamaraan ng
pagtulong. Hindi pa rin matatawag
na tunay na mabuti ang iyong kilos.
14. Ang isang kilos na masama ay hindi
maaaring ipagwalang-bahala. Ang
kilos na katulad ng pananakit ng
kapwa, pisikal man o emosyonal, na
nagiging paraan ng mga kabataang
katulad mo upang magsaya o
malibang;
15. ang pangongopya sa pagsusulit, kahit
pa tinatanggap nang normal na
gawain ng isang nagdadalaga o
nagbibinata na katulad mo; ang
pagkuha ng gamit na hindi sa iyo;
16. ang pagsisinungaling, kahit pa
tinatawag mong white lie ay
masama at hindi nararapat na
ipagsawalang-bahala na lamang.
17. Maraming kabataan ngayon ang
nawawala ang pagiging sensitibo sa
gawang masama. Nakababahala ang
paggawa ng masama, subalit mas
nakababahala ang hindi na
maramdaman ng isang tao na ang
ginagawa niya ay masama.
19. Bilang kabataan, kailangang maging
mulat ka kung masama ang iyong
kilos. Hindi katanggap-tanggap na
dahil ang isang kilos ay madalas na
ginagawa ng marami ay maituturing
nang normal o hindi na dapat
ikabahala.
20. Pagsasabuhay ng mga Birtud
(Practice of virtues). Masasabi la-
mang na naging matagumpay ang
pagtuturo ng pagpapahalaga ng i-
yong guro o ng iyong mga magulang
kung tunay mong isinasabuhay nang
paulit-ulit ang ibat ibang mga birtud.
21. Ito ang pinakamatibay na patunay na
naisaloob ng isang kabataang katulad
mo ang mga moral na
pagpapahalaga.
22. At kapag isinasabuhay na ang mga
pagpapahalaga, nangangahulugan ito
na unti-unti nang mahuhubog ang
iyong kilos o gawi (attitude) na siya
namang mahalaga upang mahubog
ang iyong magandang ugali o asal
(behavior).
23. Ang moral na pagpapahalaga ay
dapat na mailapat sa anumang
mahalagang pagpapasya, aksyon o
kilos. Mahalagang kasanayan din ito
na makatutulong upang mapaunlad
ang iyong isip, hangarin at
kilos.(Haring, B.,1912)
24. Anomang kilos na isinasagawa nang
paulit-ulit ay maaari ng maging ba-
hagi ng pang-araw-araw na buhay.
Katulad ng paggawa ng takdang ara-
lin, magiging bahagi na ito ng mga
gawain sa araw-araw kung patuloy na
ginagawa.
25. Maaari pa ngang makaramdam
ng kakulangan kung ito ay hin-
di maisasagawa. Gayundin ang
pagkakaroon ng takdang oras
sa panalangin na napakahalaga
sa ating kabuuang kabutihan.
26. Magkakaroon ka ng subay-
bay, direksiyon at kapaya-
paan sa buong maghapon
kung sisimulan mo ito ng
panalangin sa umaga.
27. 5. Disiplinang Pansarili. Upang
mahubog ang disiplinang
pansarili, kailangan ng taong
matutuhan ang sumusunod:
28. a. magsikap na mag-isip at
magpasiya nang makatuwiran
(rational)
b. maging mapanagutan sa
lahat ng kanyang kilos
29. c. tanggapin ang kalalabasan
(consequence) ng pasya at
kilos
d. gamitin nang wasto ang
kanyang kalayaan
30. Ang paghikayat sa mga anak o
mag-aaral na magkaroon ng di-
siplinang pansarili ay maaaring
isa sa pinakamahirap na gawa-
in (task) na maaaring isagawa
ng isang magulang o ng isang
guro.
31. Ito ay dahil hindi galing sa
panlabas na mga impluwensya
na maaaring maidikta sa isang
bata, kundi kailangang
manggaling sa kanyang sariling
pagnanais na ito ay isagawa.
32. Hindi madali ang magkaroon
ng pagpipigil sa sarili na gawin
ang mga bagay na
nakasanayang gawin o sanayin
ang sarili na isagawa nang
paulit-ulit ang mga birtud.
33. Ang pagsasanay para sa disip-
linang pansarili ay dapat na
magsimula sa mga unang taon
ng isang bata, sa paggabay ng
kanyang mga magulang o mga
guro. Maaaring gawin ang mga
sumusunod:
34. Ang pagsasanay para sa disip-
linang pansarili ay dapat na
magsimula sa mga unang taon
ng isang bata, sa paggabay ng
kanyang mga magulang o mga
guro. Maaaring gawin ang mga
sumusunod:
35. a. Turuan ang isang batang
mamuhay sa katotohanan at
sanayin ang kanyang
kakayahang gamitin ang
tamang katwiran.
36. b. Tulungan ang isang batang
ipagpaliban ang anumang
paghahangad sa mga bagay na
para lamang sa pansariling
kasiyahan (delayed
gratification).
37. c. Hikayatin ang isang bata na
tumanggap o umako ng
pananagutan.
38. d. Turuan ang isang bata na
magsakripisyo at makaranas ng
paghihirap na pinananatili ang
dignidad at puno ng
pagtitiyaga.
39. 6. Moral na Integridad. Ang
moral na integridad ay
mapananatili kung magiging
matatag sa pakikibaka para sa
katotohanan at kabutihan
40. Ito ay ang pagsasaloob ng mga
katotohanang unibersal at pag-
papahalagang moral. Nalili-
nang ito sa pamamagitan ng
maingat na paghusga ng kon-
sensiya at pagsasabuhay ng
mga birtud.
41. Ang pagkakaroon ng moral na
integridad, ayon kay Carter, S.
(Olson, L.) ay bunga ng
pagsasama ng sumusunod:
42. a. Masusing Pag-iisip batay sa
Moral na Pamantayan (Moral
Discernment). Ito ang
kakayahan ng tao na masuri at
maihiwalay ang tama sa mali.
43. a. Masusing Pag-iisip batay sa
Moral na Pamantayan (Moral
Discernment). Ito ang
kakayahan ng tao na masuri at
maihiwalay ang tama sa mali.
44. Ito ay nangangailangan
ng pagmumuni sa kahulugan
ng mabuti at masama at sa
kung paano ito mailalapat sa
sarili at sa kapwa.
45. Kasama rin ang pagkakaroon
ng kakayahan na bumuo ng
konklusiyon o prinsipyo mula
sa pag-aaral o pagsusuri
(discernment) upang makabuo
ng sariling paniniwala
(convictions).
46. b. Matibay na Pagkapit sa
Sariling Paniniwala (Consistent
Behavior). Kung ang isang tao
ay may matibay na
paninindigan sa sariling
paniniwala (convictions),
47. ang lahat ng kanyang kilos ay
naaayon sa mga ito. Kahit
maharap siya sa ibat ibang
sitwasyon sa paglipas ng
mahabang panahon,