3. Bata nagsilbing inspirasyon
Guro namatay ang asawa
Silid-aklatan
Nagbibigay ng mabubuting aral
Suliranin
Nagbukas ng saloobin
Nagdiwang ng kaarawan
5. a. Matulain
b. Paghupa
c. Pag-
aalinlangan
d. Narinig
e. Mungkahi
1. Agam-
agam
2. Napatda
5.
Pagtinghaw
4. Panukala
3. Naulinig
6. Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit
sinasabi nila na naroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa luma at walang pintang
paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa
isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag,
sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat
hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga
kaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang
uri ng karunungang sa kanya ko lamang
natutuhan.
7. Lagi ko siyang iniuugnay sa kariktan ng
buhay. Saan man may kagandahan: sa isang
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya,
nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit
walang ano mang maganda sa kanyang anyo... at
sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon.
Walang sino man ang nag-uukol sa kanya ng
pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa
paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa
paaralan. Walang masasabing ano mang di-
pangkaraniwan sa kanya.
8. Siya'y tinatawag naming lahat na Mabuti
kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang
bukam-bibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga
salitang hindi niya maalala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-
aalanganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon
ay naging salamin ng uri ng paniniwala niya sa
buhay.
"Mabuti," ang sasabihin niya, ". . . ngayo'y
magsisimula na tayo sa araling ito. Mabuti
nama't umabot tayo sa bahaging ito. . . Mabuti.
. . mabuti!"
10. Hindi ako kailanman nagtapat sa kanya ng
ano man, kundi lamang nahuli niya akong minsang
lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata
kong puso ang isang pambata ring suliranin.
Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa
pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisi-panuod
sa mga nagsasanay na mga manlalaro ng
paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa
isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong
lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya
ako natagpuan.
11. "Mabuti'y may tao pala rito," ang wika
niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig.
"Tila may suliranin ka. . . . mabuti sana kung
makakatulong ako."
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang
bumalik pa kailan man. Sa bata kong isipan ay
binilang kong kahihiyan at isang kaabahan ang
pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya
pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa
katapat na luklukan.
12. "Hindi ko alam na may tao rito. . .
naparito ako upang umiyak din."
Hindi ako nakapangusap sa
katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
Nakababa ang kaniyang paningin sa aking
kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko
ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
13. Tinanganan niya ang aking mga kamay at
narinig ko na lamang ang tinig ko sa
pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y
siya na ang pinakamabigat. Nakinig siya sa
akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung
paanong napigil niya ang paghalakhak sa
gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y
nakinig nang buong pag-unawa, at alam kong
ang pagmamalasakit niya'y tunay na
matapat.
14. Lumabas kaming magkasabay sa
paaralan. Ang panulukang
maghihiwalay sa ami'y natatanaw na
nang bigla akong makaalala.
"Siya nga pala, Ma'am, kayo?
Kayo nga pala? Ano ho ang iyong
ipinunta nyo sa sulok na iyon na. .
. iniiyakan ko?"
16. Tumawa siya ng marahan at inulit ang
mga salitang iyon: "ang sulok na iyon na. . .
iniiyakan natin. . . . nating dalawa." Nawala
ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
"Sana'y masasabi ko sa iyo, ngunit. . . .
ang suliranin ko'y hindi para sa mga batang
gaya mo. Mabuti sana'y hindi maging iyo
ang ganoong uri ng suliranin. . . . kailan
man. Ang ibig kong sabihi'y . . . . maging
higit na mabuti sana sa iyo ang . . . .
buhay."
17. Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha
sa akin mula ng araw na iyon. Sa
pagsasalita niya muli sa hapag, nagtatanong,
sumasagot, sa pagngiti niya nang mababagal
at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya, sa kanyang
mga pagkayamot, naririnig kong muli ang
mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng
silid aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo
pa siya roon, sa sulok na iyon...naming
dalawa.
18. At sapagkat natuklasan ko ang katoto-
hanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong
magmasid, maghintay ng mga bukas ng kapaitan
sa kanyang mga labi. Ngunit sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya
sa aming silid-aralan.
Pinuno niya ng maririkit na guniguni ang
aming isipan at mga kaaya-ayang tunog ang
aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang
kagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa
panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan
namin sa kagandahan. At ako'y humanga.
19. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa sarili
pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging
akin ang pagtuklas na ito sa kariktan, kundi
pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-
aklatan.
Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa
kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa
kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang
anak na babae, ang tangi niyang anak. . . . nang
paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailan
man tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa
kamag-aaral namin ang nakababatid na siya'y hindi
balo.
21. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng
maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa
batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang
mga katabilan niyon, ang palaki nang
palaking pangarap niyon, ang nabubuong
layunin niyon sa buhay.
Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpahayag ang aming guro ng isang
pangamba: ang pagkatakot niyang baka
siyay hindi umabot sa matatayog na
pangarap ng kanyang anak.
22. Maliban sa iilan-ilan sa aming
pangkat, ang paulit-ulit niyang
pagbanggit sa kanyang anak ay isa
lamang sa mga bagay na "pinagtitiisan"
naming pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang
bawat pagbanggit na iyo'y nagkaroon ng
bagong kahulugan sapagkat noon pa ma'y
nabuo na sa aking isipan ang isang
hinala.
23. Sa kanyang pagsasalaysay ay nalaman
namin ang tungkol sa kaarawan ng kanyang
anak, ang bagong kasuotan niyong may
malaking lasong pula sa baywang, ang mga
kaibigan niyong mga bata rin. Ang kanilang
mga handog. Ang anak niya'y anim na
taong-gulang na. Sa susunod na tao'y
magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng
guro namin na maging manggagamot ang
kanyang anak --- at isang mabuting
manggagamot.
24. Nasa bahaging iyon ng pagsasalita ang
aming guro nang ang isa sa mga batang
lalaki sa aking likuran ay bumulong: "Gaya
ng kanyang ama!" "Oo, gaya nga ng kanyang
ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang
dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang
isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa
aming klase tungkol sa ama ng batang may
kaarawan.
25. Natiyak ko noon na may isang bagay ngang nalisya sa
buhay niya. Nalisya nang ganoon na lamang. Habang
nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang
ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya
ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan,
at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil,
makagagaan sa kanyang damdamin kung may pagtatapatan
siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa
pagnanasa kong yaon: Ang mga kamag-aaral kong nakinig
nang walang ano mang malasakit sa kanyang sinabing,
"Oo, gaya nga ng kanyang ama," habang tumatakas ang
dugo sa kanyang mukha.
27. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko
malilimutan kailan man. Tiningnan niya ako
nang buong tapang habang pinipigil ang
panginginig ng mga labi at sinabi ang
ganito: "Mabuti . . . . mabuti! Gaya ng
sasabihin nitong si Fe --- Iyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan
ang maaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsisimula na tayo sa ating aralin. . . .
"
28. Natiyak ko noon, gaya ng pagkatiyak ko
ngayon, na hindi akin ang pangungusap na
iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa
aking pagsusulat. Ngunit samantalang
nakatitig siya sa akin nang umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na
iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At
kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay
nakakakilala ng mga lihim na kaligayahan.
29. At minsan pa, nang umagang iyon,
habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay sa kanyang mukha, muli niyang
ipinamalas sa amin ang mga natatagong
kagandahan sa aralin namin sa panitikan:
ang kariktan ng katapangan, ang
kariktan ng pagpapatuloy ano man ang
kulay ng buhay.
30. At ngayon, ilang araw lamang ang nakaka-
raan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng
batang iyon na marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay may
ilang araw lamang ngayon ang nakalilipas.
Namatay at naburol ng dalawang araw at
dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang
tinitirhan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na
katotohanang iyon at sa buong kalupitan niyo'y
naunawaan ko ang lahat. . . .
31. Sa iyong palagay tipikal ba sa
isang babaeng Pilipina ang kanyang
naging pagtugon sa nasabing
suliranin?
Pangatwiranan.
Gawing gabay ang roleta sa pagbuo
ng mga sagot
34. Ibuod ang maikling kwento gamit ang story grammar
Paksa
Sino ang
Pangunahing
Tauhan?
Kailan ng
nangyari?
Paano inilahad
ang pangyayari?
Bakit ganoon ang
reaksyon ng pangu-
Nahing tauhan?
Anu-ano ang maha-
lagang pangyayari?
Saan naganap ang
Mga pangyayari?
36. Matatalinghagang pahayag/parirala Konotasyong
kahulugan
Denotasyong
kahulugan
1. Hagdang umiingit sa bawat hakbang
2. Pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan ng buhay
3. Sumisilay ang isang pilit na ngiti
4. Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na
kalungkutan ang makararanas ng lihim na
kaligayahan.
5. Ang suliranin koy hindi para sa mga batang
kagaya mo.
Itala sa iyon kwaderno ang mga
sumusunod na matalinghagang parirala at bigyang-
kahulugan ang mga ito. Ibigay ang konotasyon at
denotasyong kahulugan ng bawat-isa:
37. Tukuyin ang mahahalagang kaisipang hatid ng
maikling kwento
Isa-isahin ang mahahalagang karanasang
inilahad sa akda at iugnay ito sa sariling o karanasang
nabatid sa ibang tao.
Ibuod ang kaisipang hatid ng akda