nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
1 of 3
Downloaded 422 times
More Related Content
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbria
1. Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino
Ikasampung Baitang
I. Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng pagtalakay sa maikling kwento, ang mga sumusunod ay inaasahan nsa
mga mag-aaral:
a. Nasusuri ang nilalaman ng kwento kabilang na ang tauhan, tagpuan, suliranin at
kaisipang nakapaloob.
b. Nagiging matalino sa pagpili at paggawa ng sariling desisyon sa buhay
c. Nakasusulat ng sariling saloobin hinggil sa isang sitwasyong nangangailangan ng
sariling pagpapasiya.
II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Pinili ni Uncle Ben (Maikling Kwento ng Nigeria)
Sanggunian: Baybayin 10 nina Remedios Infantado, et.al.pp. 240-244
Kagamitan: Mga larawan, LCD Projector, laptop, Powerpoint Presentation, atbp.
Pagpapahalaga: Pagiging matalino sa pagpili at paggawa ng sariling desisyon sa buhay
Pamamaraan: Talakayan, Think-pair-share, Q&A, atbp.
III. Istratehiya
A. Panimulang Gawain:
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
b. Pagtsek ng atendans
c. Pagbati
d. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral para magbigay ng rebyu sa paksa ng
nakaraang talakayan.
B. Pagganyak (Pagpili ng larawan)
1. Magpapakita ang guro ng mga larawang nagsasalungatan o nangangailangan ng
pagpapasiya mula sa mag-aaral.
Halimbawa:
Mayamang di kagwapuhan at gwapong mahirap
2. Papipiliin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang kanang kamay.
Kapag ang mga kamay ay nakabuka nangangahulugan ito na pinipili nila ang larawan A
at larawan B naman kung nakatikom ito.
3. Titimbangin ng guro ang naging sagot ng mag-aaral at tatawag ng ilang mag-aaral
upang hingiin ang kanilang panig kung bakit ito ang kanilang naging pagpapasiya.
2. C. Paglalahad ng Paksa at Layunin
Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa;
D. Paghahawan ng Sagabal (Pagtatapat tapat ng mga salita)
Pupunta ang mga mag-aaral sa pisara para pagtapat-tapatin ang mga salita.
Mga Salita:
Inapuhap -kinapa gulok -itak
napaigtad -napalundag naliliyo -nahihilo
makanti -madikitan sinto-sinto -baliw
E. Pagtalakay (Pagsusuri sa nilalaman ng akda sa pamamagitan Q&A)
1. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang basahin ang buod ng maikling kwento
2. Pagkatapos basahin ay susuriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ng inihandang mga
tanong.
Mga Gabay na tanong:
1. Sino si Uncle Ben? Ilarawan ang kanyang katangian.
2. Saan ang naging tagpuan ng kuwento?
3. Sino si Mami Wata? Ano ang kanyang papel na ginampanan sa kwento?
4. Paano nagsimula ang suliranin sa kwento?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Uncle Ben, ano ang gagawin mo kung sakaling
madatnan mong mayroong estranghero sa loob ng iyong kwarto? Bakit?
6. Tama ba ang naging desiyon ni Uncle Ben na piliin ang pamilya kaysa kayamanan?
Bakit?
F. Paglalapat (Think-pair-share)
Maghanap ng kapareha. Suriin ang isang sitwasyon sa ibaba at magbigay ng kongkretong
sagot sa tanong.
Si Angelina ay isa sa pinakamatalik mong kaibigan sa loob ng klase. Isang araw nakita
mong ninakaw niya ang mamahaling make-up sa bag ni Sophia. Upang iba ang
mapagbintangan inilagay niya ang panyo ng kaaway mo sa klase na si Mikaela. Nang malaman
ni Sophia na ninakaw ang kanyang make-up ay agad niyang pinagbintangan si Mikaela dahil sa
panyong nagsilbing ebidensya. Dahil sa pangyayaring ito ay ipinatawag si Mikaela sa opisina ng
prinsipal para ipaliwanag ang akusasyon at nabalitaan mong siya ay masususpende sa klase.
Ano ang gagawin mo?
G. Pagbabahagi
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot sa klase.
3. G. Paglalagom sa paksang tinalakay (One Sentence Summary)
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang pangungusap na pagbubuod ng
paksang tinalakay.
IV. Pagtataya
Isulat ang iyong saloobin hinggil sa sumusunod na sitwasyon sa loob ng limang pangungusap.
(15 pts)
Kung ikaw ay bibigyang pagkakataong makapag-aral sa isang kilalang unibersidad sa
ibang bansa subalit kapalit naman nito ay ang paglayo sa iyong pamilya. Ano ang iyong
pagpapasiyang gagawin? Bakit?
Rating scale:
4 – lubos na naisakatuparan
3 – naisakatuparan
2 – hindi masyadong naisakatuparan
1 – Hindi naisakatuparan
Mga Pamantayan Puntos
1. may kaugnayan sa paksa
2. organisado ang mga ideya
3. binubuo ng limang pangungusap
4. maayos ang gramatika
Kabuuan:
V. Kasunduan
1. Basahin ang akdang Handa Akong Mamatay.
2. Alamin at tukuyin ang paksang nakapaloob sa talumpati.
3. Batay sa binasang akda, magtala ng tatlong karanasan ng mga African na tinutulan
ni Mandela.
4. Magtala ng tatlong pagkakaiba ng mga African at Puti sa South Africa.
5. Isulat ang sagot sa isang kalahating papel.
Sanggunian: Baybayin 10
nina Remedios Infantado, et.al.
pp. 254-256
Inihanda ni:
Salvador D.L.S. Lumbria
BSE-4 Filipino