Agosto ang buwan ng wika ipagdiwang, ipaglaban, para sa kaunlaran gamitin ang wika ng ating bayan -Lumago
1 of 1
Download to read offline
More Related Content
Mapagbagong wika ng bansa
1. MAPAGBAGONG WIKA NG BANSA
(malayang tula sa kasalukuyan)
ni: Lumago
I.
Hagkan mo ang wika
Tulad ng inang nangungulila
Dapat mong malaman sadlang kalayaan
Kabundukang may rurok ng kawikaan.
II.
Sa pinipili mong landas
Ikaw ba ay nakaaalpas
Wikay tila umaagos na tubig
Sumasabay sa pag-agos ng daigdig.
III.
Itong wikay nauulinigan
Halika nat pakinggan
Wika na kailangan
Tinig ng bawat sambayanan.
IV.
Gaano ba ka halaga?
Salitang damangdama
Dulot ay pagkakaisa
Pagkakakilanlan sa bawat pagkakaiba.
VI.
Ngayon sa sarili masasabi
Wika buklod sa aking diwa
Itong wika, itong ating lahi
Daan-daang Pilipino man alipin at sawi.
VII.
Isusulong parin ang wika
Bayan kong pinagpala
Pilipinas na aking bansa
Pagbabago ang sigaw nitong tula.