Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga pagtalakay tungkol sa teoryang pampanitikan. Itinatampok nito ang mga pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng akda sa larangan panitikang Filipino.
The play Kahapon, Ngayon at Bukas depicts the struggle of the Filipino people against imperialist powers seeking to exploit the Philippines' wealth and resources. It focuses on Motherland's triumph over her oppressors - Old Spain, Old China, and the new colonizer, America. The play was performed in 1903 and witnessed an act of defiance against American rule that led to the writer, Aurelio Tolentino, being imprisoned for sedition. He was later pardoned in 1912.
Maikling pagtalakay sa pag-unlad ng panulaang pilipino. Makikita ang mga tao na malaki ang naging ambag sa pag-unlad at pagyabong ng panulaan dito sa Pilipinas
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan at uri ng mga tauhan sa kuwento.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga pagtalakay tungkol sa teoryang pampanitikan. Itinatampok nito ang mga pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng akda sa larangan panitikang Filipino.
The play Kahapon, Ngayon at Bukas depicts the struggle of the Filipino people against imperialist powers seeking to exploit the Philippines' wealth and resources. It focuses on Motherland's triumph over her oppressors - Old Spain, Old China, and the new colonizer, America. The play was performed in 1903 and witnessed an act of defiance against American rule that led to the writer, Aurelio Tolentino, being imprisoned for sedition. He was later pardoned in 1912.
Maikling pagtalakay sa pag-unlad ng panulaang pilipino. Makikita ang mga tao na malaki ang naging ambag sa pag-unlad at pagyabong ng panulaan dito sa Pilipinas
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan at uri ng mga tauhan sa kuwento.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
2. TALAAN NG MGA NILALAMAN
I- Panimula
a. Layunin
b. Paksa
II- Talambuhay ng May-akda
III- Tema
IV- Tauhan
V- Buod
VI- Tunggalian
VII- Teoryang Pampanitikan
3. I- Panimula
Layunin
Ang aking mga layunin sa nobelang ito ay:
a. Matukoy kung anong Teoryang pampanitikan ang kwentong
Mabangis na Lungsod ,
b. makilala ang mga pangunahing tauhan sa akda,
c. malaman ang pagtutungali ng mga tauhan,
d. malaman kung sino ang may-ari/awtor ng kwentong ito,
e. malaman kung ano ang talambuhay ng may akda, at
f. makagawa ng buod sa ang kwentong Mabangis na Lungsod
.
4. Paksa
Marami ang aking mga layunin sa kwentongito kaya dapat ko po
itong pag-iisipan para matupad ko ito.
Magsasagawa ako ng mga masinsinang pananaliksik para
malalaman ko kung anu-ano ang nilalaman ng akda ni Efren A.
Abueg
Susuriin ko po ng mabuti para malaman ang aking pagkakagawa,
gagamitin ko bilang sangkap ang mga modernong teknolohiya
upang mapadaling tuparin ang aking mga layunin sa paksa kaya
para sa akin malaking tulong po ito sa panahong
ito.Kinakailangan ko lang ang mataas na pasinsiya upang
maganda ang aking pagsusuri at siguradong matupad ang aking
mga layunin.
Isa ring sangkap ang libro na nakakatulong upang sa pagtupad
sa aking mga layunin sa paksa. Alam ko marami rin tayong
makukuha ng sapat na impormasyon.
5. II- Talambuhay ng May-akda
Si Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite.
Marami na siyang natanggap na awards at recognitions. Isa na rito ang Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas at apat na Liwayway Literary Prizes para sa mga
nobelang naisulat niya. Ang nobelang Merah Tua ay kasalukuyang inilathala sa
Liwayway. Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,
mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang
Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at
bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos
sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino
(1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).Humakot ng parangal si
Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963,
1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang
Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang
Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL);
Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).Sumulat at nag-edit ng maraming
mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa
pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa
kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na
sinulat ng ibang awtor.Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa
pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(19651972), Philippine
College of Commerce(19711972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (19741977),
Ateneo de Manila University (19771978), at De La Salle University (19792006).
Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986
1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore
Society.
6. III- Tema
Magbigayan
Dapat tayong mga mamayan ay magbigayan kung sobra sobra naman ang
biyaya na binigay sa atin ng Diyos, hindi natin ipagkait ang kunting halaga ng
mga barya.
Magsikap
Kinakailangan din nating magsikap upang may kakainin tayo sa araw araw at
hindi tayo umaasang manghingi sa ating kapwa dahil sa kakahingi natin ay
marami ng maiinip sa atin kaya magsipag at mamuhay ng tama.
7. IV- Tauhan
Adong-isang batang mamalimos na ulila,sa tabi ng simbahan ng Quiapo.
Aling Ebeng-matandang babae na kasamahan ni Adong.
Bruno-ang mapangabuso na lalaki na nangongolekta ng pera sa mga
namamalimos;sina adong.
8. V- Buod
Mabangis na Lungsod ni Efren A. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at
aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit
na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-
araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa
mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa
dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si
Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay
Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon,
kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni
Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at
ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa,
alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw
at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang
bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay
buhay ni Adong.Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga
nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng
punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na
iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa
upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
9. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang
mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali
sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga
bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang
sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa
kanyang katawan."Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay
ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay
hirap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang
para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang
bahagi ng pangungusap na iyon ay untang sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata
kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang
hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang
bawas."May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata
nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa
masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding
kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa
kanyang bituka."Maawa na po kayo, Mama.. Ale..gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking
bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na
ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling
sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring
nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan
10. ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at
pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka
ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa
kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring
dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang mga tao malamig, walang awa, walang
pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang
kalooban. Iwan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos
mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadara
iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag,
sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa
marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan.
Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi
na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan,
makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong
pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama
niya ang mga barya roon.Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong
biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay
11. mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang
napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis
niyang sinabi sa matanda.
"Ano?naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa
paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng
bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng
mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga
taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng
sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas naiyon sa
pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay
tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha,
sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at
kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At
iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig
niyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang
mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig,
niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na
lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.Nahilo. At pagkaraan
ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang
biglang kumandong sa kanya.
12. VI- Tunggalian
A- Tao sa Tao
Halos ang mga tao na pinaglilimusan ni adong ay nandidiri at
kinasusuklaman.
B- Tao sa Kanyang Sarili
Sa nararamdamang gutom ni adong ay naisip niya sa kanyang sarili na
magnakaw nalang upang may makakain. Takot ang nadama ni adong
noong gumawa siya ng paraan na mandukot sa bulsa ni Bruno.
C- Tao sa Lipunan
Si ay Bruno sinisimbolo niya ang mgamasasamang tao sa lipunan na
gumagamitng ibang tao para umunlad.
Sinalaysay sakwentong ito na malaking problema ito sa ating lipunan dahil
sa paglaki ng pupolasyon ay marami ng naghihirap.
13. VII- Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo
Sinusuri hindi lamang ang kultura kundipati ang pulitika, ekonomiya at
pilosopiya, isang kumpleto at ganap na paraan sapag-iimbestiga sa
karanasan ng tao. Nakasandal ito sa konsepto ng realismo at hindi
maititiwalag ang akda sa kontekstonito sa lipunan at panahon.
Sa ating realidad nakikita naman natin sa ating kalagayan ngayon marami
talaga ang naghihirap kaya marami ang nanglilimos sigurado na may
pananagutan ang mga magulang sa kanyang mga anak na bigyan ng mga
pangangailangan kagaya ng pagkain, edukasyon at moralalidad upang sa
paglaki ng ating mga kabataan ay hindi sagbot/damo sa ating katilingban.