2. Kahulugan at Kalikasan
Kung babalikan natin ang pagbibigay ng
kahulugan sa retorika, mababatid nating ito at ay
bahagi ng edukasyon sa malayang sining ng
panahon ng medieval at nakatoon sa paggamit
ng wika uapang magbigay ng panuto at
manghimok. Binigyan ito ng kahulugan ni Sister
Miriam Joseph bilang sining ng pagpapahyag ng
naiisip mula sa isang tao patungo sa iba, at ang
naaangkop ng wikang gamit sa pangyayari at
panahon. Sinasabi ring ang retorika ay nakaton
sa isang bagay sa panahong ito na ipinahahayag.
Malinaw na sa retorika, binibigyang-pansin ang
paraan at epekto ng pagpapahayag ng isang tao.
Dito pumapasok ang estilo ng retorika.
3. Estilo
-ay isa sa limang tradisyonal na
kahingian ng retorikang klasikal.
-ang pinakamatatag na bahigi sa
pagsusulat (Richard Nordquist).
-mula sa salitang latin na stylus, isang
bagay na matulis na ginagamit sa pagsulat
(2000).
-ay karakter (Baruch Spinoza).
4. -kinakailangang malinaw raw
muna ang pag-iipip ng isang
manunulat upang magkaroon ng
estilo ang kasnyang isususlat, at
kung may magsusulat sa kagalang-
galang na estilo, dapat maging
kagalang-galang muna ang
kanyang pagkatao (Johann
Wolfgang von Goethe).
5. -ang estilo ng manunulat
ay nararapat na kanyang
larawang-diwa, subalit ang
pili at kapangyarihan ng
wikang kanyang gamit ang
bunga ng kanyang panunulat
(Edward Gibbon).
6. -ang estilo ay kasuotan ng
kanyang naiisip (Lord
Chesterfield).
-nagpapatumpak ng punto de
bista (Richard Eberhart).
- ang estilo ay pagkilala sa
totoo mong pagkatao, sa gusto
mong ipahayag, at hindi
nababahala sa kalalabasan (Gore
Vidal).
7. -ang estilo ay hindi lamang
palamuti ni katapusan ang paggamit
nito sa isang panulat, ito ay paraan ng
paghahanap at pagpapaliwanag ng
katotohanan. Ang layunin nito ay
hindi magmayabang kundi
magpahayag (College Composition and
Communication (1974) ni Richard
Graves).
8. Sa kasalukuyan, ang estilo
ay nangagahulugang hindi
ang gamit-panulat kundi ang
katangian ng pagsusulat
mismo: ang paraan ng
pahayag, pagsasagawa, o
paglalahad sa salita at pasulat
na paraan.
9. Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng
estilo sa mga sumusunod:
a. Ang estilong payak - ginagamit sa
pagbibigay panuto sa mga
tagapakinig.
b. Ang estilog midyal ginagamit sa
pagkikilos ng mga tagapakinig.
c. Ang estilong mataas ginagamit
upang mapaglubag o ma-please ang
tagapakinig.
10. Kakayahan at Kapangyarihan
ng Wika
Sa nakaraang talakay, malinaw na binibigyang-
kahulugan ang wika bilang sistemang balangkas ng
sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may sistema at
may balangkas, may taglay rin itong kakayahan.
Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang
pantao na may pinagkasunduang simbolo, tinig at
tono, at kumpas. Sa pahayagang ito, may dalawang
kakanyahan ng wika ang mababasa: gamit sa
pakikipagtalastasang pantao, at may
pinagkasunduang simbolo.
11. WIKA
-ay hindi isang abstraktong nilikhang mga
nagkapag-aral, o ng mga bumubuo ng
diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na
nilikha mula sa mga gawa, pangagailangan,
kaligayahan, pagmamahal, panlasa, ng
mahabang talaan ng mga henerasyon ng
lahi, at nagtataglay ito ng malawak na
batayang makamasa (Walt Whitman).
12. -ay maaaring itulad sa isang pirasong papel na
ang kabilang mukha ay ang kaisipan at ang kabila ay
ang tunog ( Ferdinand de Saussure).
-mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang
maging ina ng karunungan (Krank Kruas).
-ay maaring magtago ng naiisip at nagpipigil ng
pakikipagtalastasan (Abraham Maslow).
-ang limitasyon ng wika ng nagpapahayagay
mangangahulugang limitasyon sa kanyang mundo
(Ludwig Wittgenstien).
13. Kuhulugang Konotatibo at
Denotatibo
Konotatibo ay pagpapakahulugan sa mga
salitang ginamit sa pagpapahayag na
nakabatay sa estilo ng nagpapahayag.
Denotatibo ay pagpapakahulugan sa mga
salitang ginamit sa pagpapahayag na
nakabatay sa kahulugang ibinibigay ng
diksyunaryo.
15. Tekstuwal
Ito ang literal na kahulugan ng pahayag
batay sa ugnayan ng mga salitang
ginamit. Binibigyang-tuon sa
kahulugang ito ang kaayusan ng mga
pangungusap sa loob ng talata, ang
kaayusan ng mga talata sa loob ng
pahayag ,at ang kaayusan ng mga
pahayag sa kabuuan ng diskurso.
16. Ang salitang tekstuwal ay
mula sa salitang-ugat na text
o teksto na mula naman sa
pandiwang Latin na texere na
nangangahulugang bumuo,
humabi, o maglatag.
17. Kontekstuwal
Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig
ng mga pahayag na ginamit sa pakikipag
talastasan. Ayon kay Kenneth Noland, ito
ang kabuuan ng diskurso. Isinasaalang-
alang sa kahulugang ito ang ugnayan ng
mga elementong lingguwistikal sa
kakayahang pangkomunikatibo ng
pagpapahayag.
18. Context Clue o
Panandang Konteksto
Maaring ito ay mga inuulit na
salita o parirala, o mga hindi
tiyakang inihahaing
mungkahi tungo sa nais na
kahulugan ng pahayag.
19. Mga uri ng panandang
konteksto:
Kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa teksto.
Singkahulugan o kasalungat na kahulugan ng
salitang binibigyangdiin sa na nakapaloob sa
teksto.
Halimbawang nagpapaliwanag sa kahulugan ng
pahayag.
Inuulit na salita o ideya.
20. Subtekstuwal
Ang kahulugang ito ay maaring makita
sa kabuuan ng isang aklat, dula,
musika, o pelikula na hindi hayagang
ipinababatid ang mga pahayag ngunit
ganap na nauunawaan ng mga
bumabasa.
21. Intertekstuwal
Ito ay ang kahulugang makukuha sa
ugnayan ng mga pahayag sa loob ng
isang diskurso na inuugnay sa diskurso
ng iba. Maaring mahulma ang
kahulugang ito sa pag-alam sa
kahulugan ng ibang tekstong may
katulad na paksa.