際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Mercantilism
Mercantilism
 Isipin mo na ikaw ang nagmamay-ari
  ng maraming gintong iyan. Ano ang
  mararamdaman mo? Ano sa palagay
  mo ang kahalagahan ng pagmamay-
  ari ng maraming ginto?
 Itala ang mga kapakipakinabang na
  maidudulot ng pagkakaroon ng isang
  tao ng maraming ginto.
Mercantilism
Sa paglakas ng paggitnang-uri o
bourgeosie kasabay na napalitan ng
panibagong anyo ng sistemang pang-
ekonomiya na kung saan ang mga ginto at
pilak ang naging batayan sa pagpasok ng
makabagong panahon.
PAGSILANG AT EPEKTO NG
    MERKANTILISMO
 Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, ay ang paghina
  ng sistemang piyudlismo sa Europa.
 Ang dating mga lupang pansakahan ay hindi na gaanong mainam
  pagtamnan kayat ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga
  industriya at plantasyon.
 Nagdulot ito ng mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa
  Europa.
 Ganoon pa man ay ninais ng mga mangangalakal mula sa ibat
  ibang panig sa Europa ang makipagkalakalan at pag-ibayuhin
  ang ekonomiya sa bawat estado.
 Sa panahong ito, ay lumaganap sa kabuuan ng Europa ang
  paggamit ng salapi bilang batayan sa pagbili ng mga produkto
  tulad ng pagkain, damit, sandata, kagamitang hilaw, palamuti,
  handicraft at maging ang mga sangkap sa pagkain na unang
  ntuklasan ng mga taga-Europa noong panahon ng krusada.
 Ang mga krusador ay nakatikim ng ibat ibang klase ng sangkap
  na noon ay hindi madaling nabibili sa Europa.
 Ang mga mangangalakal sa Venice at Genoa lamang ang may
  magandang ugnayan sa sultan ng Ehipto, kayat sila lamang ang
  nagkaroon ng kakayahan upang maipadala ang mga sangkap sa
  Mediterranean at ipagbili ito sa Europa sa mataas na halaga.
 Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga
  Portuges at mga Kastila, minarapat nilang humanap ng ibang
  ruta na kung saan may bansang maaring mapagkunan ng mga
  sangkap.
 Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga mamumuhunan at
  pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay
  magpapaunlak ng pera samantalang ang pamahalaan ay
  magbibigay ng barko, tao at sandatahang lakas upang
  maprotektahan ang mga manlalakbay.
 Ang ganitong kaayusan ay tinatawag na merkantilismo.
 Pangunahing layunin ng pamahalaan sa mga estado sa Europa
  ang magkamal ng maraming ginto at pilak para sa kaban ng
  bayan.
 Ang kayamanan ng isang bansa ay nakabatay sa laki ng
  reserbang bullion o dami ng ginto at pilak.
 Ang layuning ito ay nakamit sa pamamagitan ng kalakalan ng
  sangkap.
EPEKTO NG
MERKANTILISMO
 Dumating ang panahon na kung saan ang mga bansang
  sumusunod sa sistemang merkantilismo ay higit na maaring
  iniluwas na produkto na galing sa kanilang industriya kaysa
  sa mga inangkat na produkto mula sa kanilang mga
  kolonya.
 Sa ganitong kalagayan lalong umunlad at naging
  makapangyarihan ang mga estado sa Europa.
 Ang mga kolonya ay nagkaroon ng pananaw na ang mga
  produktong galing sa Europa ay higit na mataas ang kalidad
  at binibili kahit mahal.
 Samantala, ang mga produkto ng mga kolonya ay nabibili sa
  murang halaga sapagkat kalimitan ay hilaw na materyales.
 Dito sa panahon ng merkantilismo nagsimulang maging
  mayayaman at makapangyarihan ang mga bansa sa Europa.
SENTRO AT RUTA NG PANGANGALAKAL
 Tatlong ruta ang ginamit na daanang pangkalakalan
  noong panahon ng merkantilismo.
 Nasa pagitan ng silangang Dagat
  Mediterranean ang tatlong ruta.
 Dumadaan sa Dagat Pula ang
  isang ruta. Ibinababa ang kalakal
  na karga ng bapor na mula sa
  India na malapit sa Dagat Pula.
 Mula dito ay dinadala ang mga
  kalakal sa Nile at sa Alexandria at
  doon ipinagpapalit ang mga ito.
 Isang ruta naman
  sa     Golpo    ng
  Persia, patawid sa
  Tigris at Euphrates
  at patungo sa
  Damascus         at
  Antioch pahilaga
  sa Dagat Itim.
 Pinakamahirap ang ikatlong
  ruta dahil sa lupa ito
  nagdadaan.
 Nagsimula sa Tsina at
  Hilagang India, tumatawid
  ang caravan sa dagat
  Caspian at Dagat Itim.
 Mula rito dinadala ang mga
  produkto sa Rusya o sa
  Kanlurang Europa patungo
  sa Constantinople.
 Paano naging hamon sa mga bourgeosie ang pagtuklas sa
  panibagong ruta?
 Bakit noong panahong iyon, mahirap tahakin ang rutang
  kalupaan?

        Kung noong panahon ng merkantilismo, ikaw ay
 isang mangangalakal, mananatili ka ba sa kinagisnang
 ruta o maghanap ng ibang rutang tatahakin? Ilarawan ang
 iyong ruta sa mapang ipapakita sa inyo. Ipaliwanag din
 ang iyong dahilan.
Mercantilism
MGA DAPAT TANDAAN
 Ang mga Europeo ay may malaking paniniwala na ang ginto at
  pilak ay makakatulong para sa kanilang adhikain na maging
  makapangyarihan at maunlad.
 Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na
  lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng
  maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at
  kapangyarihan ng bansa.
 Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang
  pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa lupa.
 Ang mga bansang sumusunod sa sistemang merkantilismo ay
  higit na marami ang iniluluwas na produkto kaysa sa inaangkat
  na produkto mula sa kolonya ng bansa.
TAKDANG ARALIN
1.   Anu-ano ang mga salik na naging daan upang
     maisilang ang monarkiyang nasyunal sa
     Europa?
2.   Paano pinapatakbo ang isang bansa na
     nagtataglay ng ganitong uri ng pamahalaan?
THANK YOU FOR LISTENING

More Related Content

Mercantilism

  • 3. Isipin mo na ikaw ang nagmamay-ari ng maraming gintong iyan. Ano ang mararamdaman mo? Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagmamay- ari ng maraming ginto? Itala ang mga kapakipakinabang na maidudulot ng pagkakaroon ng isang tao ng maraming ginto.
  • 5. Sa paglakas ng paggitnang-uri o bourgeosie kasabay na napalitan ng panibagong anyo ng sistemang pang- ekonomiya na kung saan ang mga ginto at pilak ang naging batayan sa pagpasok ng makabagong panahon.
  • 6. PAGSILANG AT EPEKTO NG MERKANTILISMO
  • 7. Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, ay ang paghina ng sistemang piyudlismo sa Europa. Ang dating mga lupang pansakahan ay hindi na gaanong mainam pagtamnan kayat ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga industriya at plantasyon. Nagdulot ito ng mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa Europa. Ganoon pa man ay ninais ng mga mangangalakal mula sa ibat ibang panig sa Europa ang makipagkalakalan at pag-ibayuhin ang ekonomiya sa bawat estado.
  • 8. Sa panahong ito, ay lumaganap sa kabuuan ng Europa ang paggamit ng salapi bilang batayan sa pagbili ng mga produkto tulad ng pagkain, damit, sandata, kagamitang hilaw, palamuti, handicraft at maging ang mga sangkap sa pagkain na unang ntuklasan ng mga taga-Europa noong panahon ng krusada. Ang mga krusador ay nakatikim ng ibat ibang klase ng sangkap na noon ay hindi madaling nabibili sa Europa. Ang mga mangangalakal sa Venice at Genoa lamang ang may magandang ugnayan sa sultan ng Ehipto, kayat sila lamang ang nagkaroon ng kakayahan upang maipadala ang mga sangkap sa Mediterranean at ipagbili ito sa Europa sa mataas na halaga.
  • 9. Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga Portuges at mga Kastila, minarapat nilang humanap ng ibang ruta na kung saan may bansang maaring mapagkunan ng mga sangkap. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga mamumuhunan at pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay magpapaunlak ng pera samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng barko, tao at sandatahang lakas upang maprotektahan ang mga manlalakbay. Ang ganitong kaayusan ay tinatawag na merkantilismo. Pangunahing layunin ng pamahalaan sa mga estado sa Europa ang magkamal ng maraming ginto at pilak para sa kaban ng bayan.
  • 10. Ang kayamanan ng isang bansa ay nakabatay sa laki ng reserbang bullion o dami ng ginto at pilak. Ang layuning ito ay nakamit sa pamamagitan ng kalakalan ng sangkap.
  • 12. Dumating ang panahon na kung saan ang mga bansang sumusunod sa sistemang merkantilismo ay higit na maaring iniluwas na produkto na galing sa kanilang industriya kaysa sa mga inangkat na produkto mula sa kanilang mga kolonya. Sa ganitong kalagayan lalong umunlad at naging makapangyarihan ang mga estado sa Europa. Ang mga kolonya ay nagkaroon ng pananaw na ang mga produktong galing sa Europa ay higit na mataas ang kalidad at binibili kahit mahal.
  • 13. Samantala, ang mga produkto ng mga kolonya ay nabibili sa murang halaga sapagkat kalimitan ay hilaw na materyales. Dito sa panahon ng merkantilismo nagsimulang maging mayayaman at makapangyarihan ang mga bansa sa Europa.
  • 14. SENTRO AT RUTA NG PANGANGALAKAL
  • 15. Tatlong ruta ang ginamit na daanang pangkalakalan noong panahon ng merkantilismo.
  • 16. Nasa pagitan ng silangang Dagat Mediterranean ang tatlong ruta. Dumadaan sa Dagat Pula ang isang ruta. Ibinababa ang kalakal na karga ng bapor na mula sa India na malapit sa Dagat Pula. Mula dito ay dinadala ang mga kalakal sa Nile at sa Alexandria at doon ipinagpapalit ang mga ito.
  • 17. Isang ruta naman sa Golpo ng Persia, patawid sa Tigris at Euphrates at patungo sa Damascus at Antioch pahilaga sa Dagat Itim.
  • 18. Pinakamahirap ang ikatlong ruta dahil sa lupa ito nagdadaan. Nagsimula sa Tsina at Hilagang India, tumatawid ang caravan sa dagat Caspian at Dagat Itim. Mula rito dinadala ang mga produkto sa Rusya o sa Kanlurang Europa patungo sa Constantinople.
  • 19. Paano naging hamon sa mga bourgeosie ang pagtuklas sa panibagong ruta? Bakit noong panahong iyon, mahirap tahakin ang rutang kalupaan? Kung noong panahon ng merkantilismo, ikaw ay isang mangangalakal, mananatili ka ba sa kinagisnang ruta o maghanap ng ibang rutang tatahakin? Ilarawan ang iyong ruta sa mapang ipapakita sa inyo. Ipaliwanag din ang iyong dahilan.
  • 22. Ang mga Europeo ay may malaking paniniwala na ang ginto at pilak ay makakatulong para sa kanilang adhikain na maging makapangyarihan at maunlad. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa lupa. Ang mga bansang sumusunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang iniluluwas na produkto kaysa sa inaangkat na produkto mula sa kolonya ng bansa.
  • 23. TAKDANG ARALIN 1. Anu-ano ang mga salik na naging daan upang maisilang ang monarkiyang nasyunal sa Europa? 2. Paano pinapatakbo ang isang bansa na nagtataglay ng ganitong uri ng pamahalaan?
  • 24. THANK YOU FOR LISTENING