際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
METAKOGNITIV
NA
PAGBASA
Sa metakognitiv na pagbasa, nagiging mapamaraan
ang mambabasa tulad ng:
 Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong
impormasyong nabasa
 Nakasusubaybay sa pag-unawa habang
nagbabasa
 Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa
mga bahaging hindi maunawaan
 Nakapipiling mahahalagang ideya sa tekstong
binabasa
 Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa
 Patuloy na nkapagbibigay-hinuha bago bumasa,
habang bumabasa at pagkatapos bumasa
 Nakabubuo ng tanong sa paksang binabasa
Sa pagbasa natin ng anumang teksto
mayroon tayong sinusunod na proseso na
kung saan magiging magaan at maayos ang
ating pag-uunawa sa binabasa. Ayon kay
Lachica (1999), may tatlong proseso ng
pagbabasa.
1. Bago magbasa
Karaniwang itinanong ng guro sa mga
mag- aaral ang mga sumusunod bago
basahin ang isang akda:
Hanapin ang mga kasagutan batay sa
mga nakahandang tanong sa loob ng
teksto.
 Magbigay ng sariling palagay tungkol sa
paksa.
 Magbigay ng haka tungkol sa kasunod
na teksto.
Ang mga binibigyang halaga bago
magbasa sa pagbasang kritikal ay ang mga
sumusunod:
 ang mga sanhi kung bakit naisulat ng
awtor ang paksa
 ang kaangkupan ng paraang ginamit at
lapit sa pagsulat ng teksto
 ang pagbubuo ng mga sariling kuru-
kuru sa sulatin.
Sa mga natunghayan sa itaas tungkol sa
gawain bago magbasa, binibigyan tayo ng
pagkakataon na hanapin ang mga kasagutan sa
mga tanong kung saan lumalabas tayo sa loob ng
tekstong binasa, ngunit ang mga kasagutang ito ay
malapit o may kaugnayan parin sa tekstong binasa.
Dito natin nagagamit ang kritikal na pag-iisp kung
bakit naisulat at paano ginawa ito ng may-akda.
Maari rin nating itanong ang mga sumusunod:
Ano ang pamagat ng akda? Ano ang
gustong iparating sa atin ang teksto?
 Ano ang layunin nito? Nagbigay ba ng
impormasyon o nagbigay ng kawilihan
sa mambabasa?
 Ano ang ginamit na istilo ng may akda?
 May alam ka ba tungkol sa may akda?
 Kailan naisulat ang akda?
Ang mga katanungan sa itaas ay
maari nating gamitin bilang mga huwaran
na magiging basehan upang makalikha
tayo ng pamamaraang interpretasyon at
paglutas ng mga balakid na siyang
kailangn sa pagbasang kritikal ng teksto.
2. Habang Nagbabasa
Ang mga tekstong dumaraan sa
yugtong ito ay dumaraan sa ibat-ibang uri
ng pag-aanalisa tulad ng pagsagot sa mga
tanong. Ilan sa mga katanungang ito ay
kung tama o mali ang pagpili ng tamang
salita. Nalilinang dito ang ating kakayahang
magbasa ng kritikal gunit hindi parin sapat
ang mga ito dahil ang mga kasagutan ay
nakatuon lamang sa kung ano ang tanong.
Kailangan parin ang pagbibigay ng sariling
kuro-kuro at opinyon.
Ayon kay Lachica(1999), ang
mga sumusunod ay
makakatulong upang matuto
tayong bumasa at magbigay ng
reaksyon sa nilalaman at ginamit
na wika sa pamamagitan ng
ANOTASYON at ANALISA
Anotasyon
Ang pagbibigay ng anotasyon sa
pagbasang kritikal ay napakahalaga dahil
naituon natin ang atensyon sa nilalaman at
wika ng teksto. Ito ay isang paraanng
pagbibigay kahulugan o impormasyon sa
teksto. Ang anotasyon ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagsasalungguhit,
paggawa ng katanungan at paggawa ng
balangkas.
Ang Pagsasalungguhit
Dito ginagawa ang pagsasalungguhit sa
mga salita o pariralang di maunawaan.
Pagkatapos ay bibigyang kahulugan ang mga
salitang sinalungguhitan batay sa
pagkakamit nito sa pangungusap. Maaaring
hanapin ang kahulugan nito sa diksyunaryo
o mga referensyang aklat. Ang mga
kasagutan ay maaring talakayin nang
pangkatan sa tulong pa rin ng guro.
Ang Pagtatanong
Ang pagsasagawa ng mga katanungan
ang pinakamagandang bahagi ng anotasyon
na kung saan nakikita ang ating pagiging
kritikal na mambabasa sa pamamagitan ng
pagsulat sa mga katanungang ito sa gilid ng
pahinang binabasa. Maaaring tanda ito ng
hindi natin pagkaunawa sa binabasang
teksto o may pag-aalinlangan tayo sa takbo
ng pagtalakay na may-akda sa teksto, o kaya
namay may kulang ang ating kaalaman
tungkol dito.
Ang Pagbabalangkas
Ang pagbabalangkas ng pangunahing paksa
ng teksto at ang pagpokus ng talakay ay nakatulong
nang malaki sa pag-unawa natin sa mga
impormasyong nakasaad. Makikita rin sa
pagbabalangkas ang pagkakaayos ng mga kabatiran
na binibigyang suporta sa loob ng teksto. Kailangan
alam nating tukuyin ang pangunahing ideya ng
bawat talatang ating binabasa. Maisasagawa ang
gawaing ito kung tatandaan natin na: halos lahat
ng mga manunulat ay naglalagay ng kanilang
pangunahing argumento sa unahan o hulihan ng
talata at ng mga pangatnig na naghuhudyat ng
pinakagitna ng argumento. Tulad ng mga salitang
DAHIL, DITO, SAMAKATWID, ALALAONG BAGA at
iba pa.
Nagkakaroon ng malaking
pagkakataon ang mambabasa
na maunawang mabuti ang
bawat pahiwatig ng manunulat
sa tulong ng pagsasalungguhit,
pagtatanong at
pagbabalangkas.
ANALISA
Sa puntong ito handa na tayong
analisahin ang argumento pagkatapos
nating matukoy ito at ang wikang ginamit
ng may-akda. Ang argumentong ito ay
tumutukoy sa katotohanan o konklusyon
ayon sa pahayag ng may akda na maaring
suportahan ng mga opinyon o kuro-kuro.
Dito maaaring nating itanong ang mga
sumusunod:
Ano ang nais bigyang diin ng may akda
sa kanyang sinulat?
 Alin sa mga nabanggit ang itinuturing
niyang katotohanan?
 Maituturing bang katotohanan ito?
 Anu-ano ang mga katibayang isinaad
ng may-akda o manunulat?
Kapag mataman nating sinusuri ang ating
pagbabasa sa kritikal na pamamaraan, itoy
nagpapahiwatig na:
 Hindi basta naniniwala sa lahat nang
binabasa
 Handa tayong maglahad ng mga tanong na sa
ating palagay ay hindi tama
 Dadaan sa malalim na pagsusuri ang
argumento
 May nakahandang katwiran o dahilan upang
tanggapin ang ilan at salungatin ang iba
May kakayahan ang bawat indibidwal na ihiwalay ang
payak na katotohanan sa mga opinyon laman, pati na ang
pagkakaroon ng lakas ng loob na itanong ang pagkakaiba ng
dalawa. Mahalag rin na malaman natin kung paano ginamit
ang wika sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon. Sa
pag-aanalisa sa wikang ginamit, ang mga sumusunod ay ating
kikilalanin:
 Ang kadalasang paglitaw ng mga magkakatulad na
imahe
 Magkakasunod na paglalarawan
 Walang pagkakaiba ng paglalarawan sa tao at
pangyayari
 Pag-uulit ng mga salita, parirala, mga halimbawa at
ilustrasyon
 Parehong istilo ng pagsulat marami pang iba
3. Pagkatapos magbasa
Napalalawak pa ang kaalamang ating natamo
sa pagbabasa bago at habang ginagawa ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng buod, ebalwasyon,
paglilimi at muling pagbubuo. Ito ang
pamamaraang lohikal matapos ang pagbabasa ng
teksto. Sa paggawa ng lagom makikita ang mga
natutuhan sa pagbabasa at pag-alaala sa binasang
teksto bilang pagtatamo sa mga kaalaman.
Mahalaga ring matutuhan natin ang paggawa o
pagsulat ng ebalwasyon, mga komentaryo o mga
opinyon tungkol sa binasa. Ang mga ito ay
nagpapakita ng ating kritikal na pag-unawa at
interpretasyon bunga ng ating pakikipagtalastasan
sa teksto.
END

More Related Content

Metakognitiv na

  • 2. Sa metakognitiv na pagbasa, nagiging mapamaraan ang mambabasa tulad ng: Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa Nakasusubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi maunawaan Nakapipiling mahahalagang ideya sa tekstong binabasa Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa Patuloy na nkapagbibigay-hinuha bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos bumasa Nakabubuo ng tanong sa paksang binabasa
  • 3. Sa pagbasa natin ng anumang teksto mayroon tayong sinusunod na proseso na kung saan magiging magaan at maayos ang ating pag-uunawa sa binabasa. Ayon kay Lachica (1999), may tatlong proseso ng pagbabasa.
  • 4. 1. Bago magbasa Karaniwang itinanong ng guro sa mga mag- aaral ang mga sumusunod bago basahin ang isang akda: Hanapin ang mga kasagutan batay sa mga nakahandang tanong sa loob ng teksto. Magbigay ng sariling palagay tungkol sa paksa. Magbigay ng haka tungkol sa kasunod na teksto.
  • 5. Ang mga binibigyang halaga bago magbasa sa pagbasang kritikal ay ang mga sumusunod: ang mga sanhi kung bakit naisulat ng awtor ang paksa ang kaangkupan ng paraang ginamit at lapit sa pagsulat ng teksto ang pagbubuo ng mga sariling kuru- kuru sa sulatin.
  • 6. Sa mga natunghayan sa itaas tungkol sa gawain bago magbasa, binibigyan tayo ng pagkakataon na hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong kung saan lumalabas tayo sa loob ng tekstong binasa, ngunit ang mga kasagutang ito ay malapit o may kaugnayan parin sa tekstong binasa. Dito natin nagagamit ang kritikal na pag-iisp kung bakit naisulat at paano ginawa ito ng may-akda. Maari rin nating itanong ang mga sumusunod:
  • 7. Ano ang pamagat ng akda? Ano ang gustong iparating sa atin ang teksto? Ano ang layunin nito? Nagbigay ba ng impormasyon o nagbigay ng kawilihan sa mambabasa? Ano ang ginamit na istilo ng may akda? May alam ka ba tungkol sa may akda? Kailan naisulat ang akda?
  • 8. Ang mga katanungan sa itaas ay maari nating gamitin bilang mga huwaran na magiging basehan upang makalikha tayo ng pamamaraang interpretasyon at paglutas ng mga balakid na siyang kailangn sa pagbasang kritikal ng teksto.
  • 9. 2. Habang Nagbabasa Ang mga tekstong dumaraan sa yugtong ito ay dumaraan sa ibat-ibang uri ng pag-aanalisa tulad ng pagsagot sa mga tanong. Ilan sa mga katanungang ito ay kung tama o mali ang pagpili ng tamang salita. Nalilinang dito ang ating kakayahang magbasa ng kritikal gunit hindi parin sapat ang mga ito dahil ang mga kasagutan ay nakatuon lamang sa kung ano ang tanong. Kailangan parin ang pagbibigay ng sariling kuro-kuro at opinyon.
  • 10. Ayon kay Lachica(1999), ang mga sumusunod ay makakatulong upang matuto tayong bumasa at magbigay ng reaksyon sa nilalaman at ginamit na wika sa pamamagitan ng ANOTASYON at ANALISA
  • 11. Anotasyon Ang pagbibigay ng anotasyon sa pagbasang kritikal ay napakahalaga dahil naituon natin ang atensyon sa nilalaman at wika ng teksto. Ito ay isang paraanng pagbibigay kahulugan o impormasyon sa teksto. Ang anotasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit, paggawa ng katanungan at paggawa ng balangkas.
  • 12. Ang Pagsasalungguhit Dito ginagawa ang pagsasalungguhit sa mga salita o pariralang di maunawaan. Pagkatapos ay bibigyang kahulugan ang mga salitang sinalungguhitan batay sa pagkakamit nito sa pangungusap. Maaaring hanapin ang kahulugan nito sa diksyunaryo o mga referensyang aklat. Ang mga kasagutan ay maaring talakayin nang pangkatan sa tulong pa rin ng guro.
  • 13. Ang Pagtatanong Ang pagsasagawa ng mga katanungan ang pinakamagandang bahagi ng anotasyon na kung saan nakikita ang ating pagiging kritikal na mambabasa sa pamamagitan ng pagsulat sa mga katanungang ito sa gilid ng pahinang binabasa. Maaaring tanda ito ng hindi natin pagkaunawa sa binabasang teksto o may pag-aalinlangan tayo sa takbo ng pagtalakay na may-akda sa teksto, o kaya namay may kulang ang ating kaalaman tungkol dito.
  • 14. Ang Pagbabalangkas Ang pagbabalangkas ng pangunahing paksa ng teksto at ang pagpokus ng talakay ay nakatulong nang malaki sa pag-unawa natin sa mga impormasyong nakasaad. Makikita rin sa pagbabalangkas ang pagkakaayos ng mga kabatiran na binibigyang suporta sa loob ng teksto. Kailangan alam nating tukuyin ang pangunahing ideya ng bawat talatang ating binabasa. Maisasagawa ang gawaing ito kung tatandaan natin na: halos lahat ng mga manunulat ay naglalagay ng kanilang pangunahing argumento sa unahan o hulihan ng talata at ng mga pangatnig na naghuhudyat ng pinakagitna ng argumento. Tulad ng mga salitang DAHIL, DITO, SAMAKATWID, ALALAONG BAGA at iba pa.
  • 15. Nagkakaroon ng malaking pagkakataon ang mambabasa na maunawang mabuti ang bawat pahiwatig ng manunulat sa tulong ng pagsasalungguhit, pagtatanong at pagbabalangkas.
  • 16. ANALISA Sa puntong ito handa na tayong analisahin ang argumento pagkatapos nating matukoy ito at ang wikang ginamit ng may-akda. Ang argumentong ito ay tumutukoy sa katotohanan o konklusyon ayon sa pahayag ng may akda na maaring suportahan ng mga opinyon o kuro-kuro. Dito maaaring nating itanong ang mga sumusunod:
  • 17. Ano ang nais bigyang diin ng may akda sa kanyang sinulat? Alin sa mga nabanggit ang itinuturing niyang katotohanan? Maituturing bang katotohanan ito? Anu-ano ang mga katibayang isinaad ng may-akda o manunulat?
  • 18. Kapag mataman nating sinusuri ang ating pagbabasa sa kritikal na pamamaraan, itoy nagpapahiwatig na: Hindi basta naniniwala sa lahat nang binabasa Handa tayong maglahad ng mga tanong na sa ating palagay ay hindi tama Dadaan sa malalim na pagsusuri ang argumento May nakahandang katwiran o dahilan upang tanggapin ang ilan at salungatin ang iba
  • 19. May kakayahan ang bawat indibidwal na ihiwalay ang payak na katotohanan sa mga opinyon laman, pati na ang pagkakaroon ng lakas ng loob na itanong ang pagkakaiba ng dalawa. Mahalag rin na malaman natin kung paano ginamit ang wika sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon. Sa pag-aanalisa sa wikang ginamit, ang mga sumusunod ay ating kikilalanin: Ang kadalasang paglitaw ng mga magkakatulad na imahe Magkakasunod na paglalarawan Walang pagkakaiba ng paglalarawan sa tao at pangyayari Pag-uulit ng mga salita, parirala, mga halimbawa at ilustrasyon Parehong istilo ng pagsulat marami pang iba
  • 20. 3. Pagkatapos magbasa Napalalawak pa ang kaalamang ating natamo sa pagbabasa bago at habang ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsulat ng buod, ebalwasyon, paglilimi at muling pagbubuo. Ito ang pamamaraang lohikal matapos ang pagbabasa ng teksto. Sa paggawa ng lagom makikita ang mga natutuhan sa pagbabasa at pag-alaala sa binasang teksto bilang pagtatamo sa mga kaalaman. Mahalaga ring matutuhan natin ang paggawa o pagsulat ng ebalwasyon, mga komentaryo o mga opinyon tungkol sa binasa. Ang mga ito ay nagpapakita ng ating kritikal na pag-unawa at interpretasyon bunga ng ating pakikipagtalastasan sa teksto.
  • 21. END