2. Mga Bagay na Nasa Paligid (Tinagalog)
Tumingin ka sa itaas,
Ano ang iyong nakikita?
Araw, buwan, mga bituin at ulap.
Tumingin ka sa ibaba,
Ano ang iyong natagpuan?
Mga bato, lupa mga nilalang, maliit at bilog
Tumingin ka sa paligid,
Ano ang iyong nakita?
Mga halaman at mga hayop
Mga bagay na nilakha para sa atin.
3. Ano ang katangian ng mga bagay na
may buhay?
Sa aking palagay, ang mga
bagay na may buhay ay
humihinga, gumagalaw mag-isa,
dumarami, at nangangailangan
ng pagkain.
4. Ano ang katangiaan ng mga bagay
na walang buhay?
Ang katangian ng mga
bagay na walang buhay
ay hindi humihinga, hindi
dumarami, may
nagpapagalaw at hindi
kumakain.
5. Mga Panutong Dapat Tandaan sa
Pangkatang Gawain:
1. Pumili ng lider sa bawat pangkat.
2. Magsagawa ng brainstorming ukol sa
paksa.
3. Paghandaang mabuti ang pag-uulat ng
pangkat.
4. Lahat ay makikipagtulungan sa gawain ng
pangkat.
5. Tapusin ang mga gawain sa takdang oras.
7. Pangkat 1
Kilalanin ang mga bagay. Bilugan ang mga bagay na
may buhay at ikahon ang mga bagay na walang buhay.
8. Mga bagay na May
Buhay
Mga Bagay na Walang
Buhay
telebisyon damo parrot truck
kabayo pako bulaklak salamin
Pangkat 2
Isulat ang mga salita sa tamang hanay.
9. Pangkat 3
Gupitin ang mga larawan at idikit sa
tamang hanay.
Mga bagay na May
Buhay
Mga Bagay na
Walang Buhay
10. Pangkat 4
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat
ang tama o mali sa patlang.
_______1. Ang mga tao ay may buhay.
_______2. Ang tubig, hangin at sikat ng
araw ay masasabing may buhay.
_______3. Ang mga bagay na walang
buhay ay humihinga.
_______4. Ang mga bagay na may buhay
ay dumarami.
_______5. Ang mga bagay na may buhay
ay lumalaki, humihinga at dumarami.