1. MGA BUGTONG
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
2. 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana ngunit walang bubungan,
may pinto ngunit walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril