2. Layunin:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday)
b. Naipaliliwanag nang pasalita ang
gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga
halimbawa
4. Bakit mahalaga ang wika
sa pagbuo ng nagkakaisa at
nagkakaunawaang
lipunan?
6. Lingua franca- ang wikang
ginagamit ng mas
nakararami sa isang lipunan.
Sa Pilipinas Filipino ang
itinuring na lingua franca
7. Tungkulin ng Wika (W.P. Robinson)
1. Pagkilala sa estado ng damdamin
at pagkatao, panlipunang
pagkakakilanlan at ugnayan;
2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa
lipunan.
8. Michael A. K. Halliday
(Michael Alexander Kirkwood Halliday)
• Siya ay isang linggwistang Briton na
ipinanganak sa Inglatera.
• Pinag-aralan niya ang wika at
literaturang Tsino .
• Siya ang nagpanukala ng Systemic
Functional Grammar, isang sikat na
modelo ng gramatika na gamitin at
kilala sa daigdig.
10. Mga Gamit ng Wika
Ayon kay Halliday
• May pitong tungkulin o gamit ang
wika na kailangang pagtuunan ng
pansin.
• Kailangang sanayin ang sarili sa mga
ito sapagkat ang iba’t ibang itwasyon
sa buhay ay nangangailangan ng
paggamit ng isa o higit pang
tungkulin.
11. 1. Instrumental
• Tumutugon sa mga pangangailangan
ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan
sa iba.
• Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa
patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol
sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga
ng produkto
• Pasalita: pag-uutos
• Pasulat: liham-pangangalakal (liham na humihiling o
umoorder ng mga aytem)
12. 2. Regulatoryo
• Tungkulin ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol o gumagabay sa ugali o
asal ng ibang tao.
• Pasalita: pagbibigay ng panuto,
direksyon o paalala
• Pasulat: resipe, panuto sa pag-
eenrol
13. 3. Interaksiyonal
• Pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa:
pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-
kuro tungkol sa particular na isyu;paggawa ng
liham-pangkaibigan at iba pa.
• Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng
relasyon sa kapwa
• Pasalita: pormulasyong panlipunan (hal.,
Magandang umaga!, Maligayang kaarawan!
Ang pakikiramay ko.), pangungumusta,
pagpapalitan ng biro
• Pasulat: liham pangkaibigan
14. 4. Personal
• Nakapagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan.
• Pasalita: pagtatapat ng damdamin
sa isang tao, gaya ng pag-ibig
• Pasulat: editoryal, pagsulat ng
talaarawan at journal
15. 5. Heuristiko
• Ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan.
• Pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig
sa radyo, panood sa telebisyon, at pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat
• Pasalita: pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam
• Pasulat: sarbey (survey)
16. 6. Impormatibo
• Kabaligtaran ng heuristiko
• Nagbibigay ng impormasyon o datos
para mag-ambag sa kaalaman ng iba.
• Pasalita: pag-uulat, pagtuturo
• Pasulat: pananaliksik-papel, tesis
17. 7. Imadyinatibo
• Nakapagpapahayag ng sariling
imahinasyon sa malikhaing paraan.
• Pasalita: pagsasalaysay,
paglalarawan
• Pasulat: akdang-pampanitikan, gaya
ng tula, maikling kuwento, nobela, at
iba pa
18. 6 na paraan ng pagbabahagi ng
wika (Jakobson, 2003)
19. Roman Jakobson
• Siya ay isa sa mga pinakamagaling na
dalubwika ng ikadalawampung siglo.
• Nagtatag ng Linguistic Circle of New York.
• Ang kanyang bantog na functions of
language ang kanyang naging ambag sa
larangan ng semiotics.
• semiotics-pag-aaral sa mga palatandaan
at simbolo at kung paano ito gamitin.
20. 1. Pagpapahayag ng damdamin
(Emotive)
• saklaw nito ang pagpapahayag
ng mga saloobin, damdamin, at
emosyon.
21. 2. Panghihikayat (Conative)
• ito ay ang gamit ng wika upang
makahimok at makaimpluwensya
sa iba sa pamamagitan ng pag-
uutos at paki-usap.
22. 3. Pagsisimula ng pakikipag-
ugnayan (Phatic)
• ginagamit ang wika upang
makikipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
23. 4. Paggamit bilang sanggunian
(Referential)
• ipinakikita nito ang gamit ng
wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng
mensahe at impormasyon.
24. 5. Paggamit ng kuro-kuro
(Metalingual)
• ito ang gamit na lumilinaw sa
mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang
kodigo o batas.
25. 6. Patalinghaga (Poetic)
• saklaw nito ang gamit ng wika sa
masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.
27. Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na Word of the Lourd: Bitin sa
Kanin. Isulat ang buod ng pinanood na video. Sa ilalim nito ay isulat ang
tungkulin ng wika ang masasalamin sa video. Ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong napili.
Buod ng video:
Tungkulin ng wika:
Paliwanag: