5. Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Sepilyo
- Tinatanggal ang nakasingit
sa pagitan ng ngipin.
- Pinalulusog ang gilagid.
- Tumutulong sa sirkulasyon
ng dugo.
6. Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Toothpaste
- Pinipigilan ang pagdami ng
mikrobyo sa bibig.
- Pinatitibay ang ngipin.
- Iniiwasang mabulok ang ngipin.
- Pinababango ang bibig.
7. Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin
Mouthwash
- Tumutulong sa pagpapanatili
ng mabangong hininga.
- Tumutulong sa pagpuksa sa
mga mikrobyong namamahay
sa loob ng bibig sanhi ng
mabahong hininga.
8. Kagamitan Para sa Katawan
Bimpo
- Pangkuskos ng katawan.
- Inaalis ang libag.
9. Kagamitan Para sa Katawan
Sabong pampaligo
- Inaalis ang dumi at libag sa
katawan
- Pinababango ang katawan
10. Kagamitan Para sa Katawan
Tuwalya
- Pamunas sa buong katawan
pagkatapos maligo
- Sinisipsip nito ang tubig sa
basang katawan
11. Iba’t ibang Paraan ng Paglilinis sa Sarili
• Ang paliligo araw-araw ay nagpapasigla at nag-aalis
ng mga masasamang amoy, dumi at alikabok na
nakakapit sa katawan. Maaari kang maligo sa umaga
o sa gabi bago matulog. Ang mahalaga ay nalilinis mo
ang iyong katawan. Sa paliligo mahalagang tandaan
na sapat na tubig lamang ang gamitin. Ang mga
kagamitan pagkatapos gamitin ay dapat na isaayos at
ilagay sa tamang lalagyan.
12. Hakbang sa wastong paliligo.
1. Basain ang iyong buhok at buong katawan.
2. Lagyan ng gugo o shampoo ang buhok.Imasahe sa iyong
anit upang lalong luminis. Pagkatapos ay banlawan ito nang
mabuti.
3. Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basang bimpo sa
pagkuskos sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Higit na
bigyang pansin ang leeg, tainga at likod nito, braso, siko,
tuhod, kilikili, pusod at mga pag-itan ng daliri at paa.
13. Hakbang sa wastong paliligo.
4. Banlawan ang buong katawan. Maaaring ulitin ang
bilang 3 kung kina-kailangan. Tiyaking malinis na ang
dulas ng katawan sanhi ng sabon.
5. Punasan at patuyuin ng malinis na tuwalya ang buhok
at buong katawan. Tiyakin na ang lahat ng bahagi ng
katawan ay napupunasan at natuyo. Maglagay ng
pulbos at magsuot ng malinis na damit. Iwasan ang
paggamit ng damit na naisuot na.
14. Paglilinis ng Ngipin
1.Ihanda ang isang basong puno ng malinis na tubig.
2. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo at kuskusin ang
ngipin. Gawing pataas - pababa ang paghagod ng
sepilyo.
3. Kuskusin din ang iyong dila upang maalis ang mga
nakakapit na pagkain.
15. Paglilinis ng Ngipin
4. Magmumog ng malinis na tubig. Maaaring ulitin
ang pagkuskos at magmumog muli.
5. Linisin at hugasan ang sepilyo bago itago. Maglaan
ng lalagyan nito upang hindi marumihan o
madapuan ng ipis o langaw. Makabubuting may
takip ang sepilyo,.
16. Pag-aalaga ng Buhok
• Ang buhok ay may malaking bahagi sa katauhan o
personalidad ng isang tao. Babae ka man o lalaki,
mahalagang malaman mo kung papaano mapapanatilig
malusog at maayos ang buhok.
• Ang paggamit ng shampoo o gugo dalawa o tatlong beses
isang lingo ay mahalaga. Kailangang limitahan ang
paggamit sa mga ito upang hindi mawala ang natural na
langis. Maiiwasan din ang pagkatuyo ng buhok.
17. Pag-aalaga ng Buhok
•Gumamit ng angkop na suklay o brush. Ugaliin ang
pagsuklay o pag-brush upang manatiling malinis at
makintab ito. Tiyakin na tumatagos sa anit ang
bawat hagod sa pagsuklay o pag-brush upang
mamasahe ang anit at magkaroon ng normal na
sirkulasyon ng dugo sa bahaging ito ng ulo.
Tinatanggal din ng hairbrush ang mga alikabok at
balakubak.
18. Pag-aalaga ng Buhok
•Ugaliin ang paggamit ng sariling suklay o hairbrush.
Panatilihing malinis ang mga ito para sa iyong
kalusugan.
19. Pag-aalaga ng Kamay
• Ang isang taong may maikli at malinis na kuko ay nagtataglay ng
magandang kaugaliang pangkalusugan. Mahalagang hugasan
ang kamay sa tuwing ito ay narurumihan. Maghugas ng iyong
kamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan mo rin pagkagaling
mo sa palikuran.
• Gupitin ang mahabang kuko pagkatapos maligo. Gumamit ng
nail file upang kinisin ang gilid nito. Gawin mo ito minsan sa
isang linggo. Iwasan ang pagkagat sa kuko. Bukod sa hindi
magandang tingnan ay masama pa sa iyong kalusugan.
20. Paghihilamos
•Ang bahagi ng katawan ng tao na lantad sa dumi at
alikabok sa paligid ay ang mukha. Marapat na bigyan
ito ng higit na atensiyon upang manatiling malinis at
maganda.
•Maghilamos ng mukha pagkagising sa umaga at sa
gabi bago matulog. Isa-isahin natin ang wastong
paraan ng paghihilamos.
21. Wastong paraan ng paghihilamos.
1. Lagyan ng malinis na tubig ang palanggana.
2. Basain ng tubig ang mukha pati ang tainga.
3. Sa pamamagitan ng kamay, pahiran ng sabon
ang buong mukha. Hagurin ng paikot at paitaas
ang mga pisngi, ilong, mata at tainga, noo at
pagkatapos ang leeg.
22. Wastong paraan ng paghihilamos.
4. Banlawan ang mukha. Palitan ang tubig sa
palanggana at banlawan muli. Tiyakin na wala na
ang madulas na pakiramdam sanhi ng sabon.
5. Dampian ng malinis na tuwalya upang ito ay
matuyo.
23. Paglilinis at Pag-aalaga ng mga Binti at Paa
• Hugasan ang iyong binti at paa ng sabon at malinis na
tubig. Kuskusing mabuti ng sabon ang mga daliri sa pag-
itan ng paa, bukong-bukong, alak-alakan at tuhod.
Banlawan mabuti at patuyuin.
• Panatilihing malinis ang kuko sa paa. Gupitin ang mga ito
kung mahaba na. Pasobrahan ng isang pulgada ang laki ng
sapatos sa iyong paa upang komportable mong maigalaw
ang iyong mga daliri. Ang masikip na sapatos ang siyang
nagiging sanhi ng paltos, kalyo at patay na kuko.
24. Paglilinis at Pag-aalaga ng mga Binti at Paa
• Kung ang paa ay pawisan at may masamang amoy,
makabubuting ibabad ang mga ito sa maligamgam na tubig
na may asin pagkatapos linisin. Ibabad ito ng mga 10-15
minuto.