1. MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA
-Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak na Detalye
1. Paksang Pangungusap
-sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya
-ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto
-kadalasay makikita sa unang talata (implayd) at huling talata (konklusyon) ng tekstong
ekspositori
2. Suportang Ideya
-mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang
pangungusap
-tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap
-ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto
-Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang
mambabasa.
Makikita ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito
-Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto
Damdamin ng Teksto tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang
teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa
Tono ng Teksto tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay, maaaring
masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa
Pananaw ng Teksto tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor sa teksto,
1. unang panauhan ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin
2. ikalawang panauhan ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo
3. ikatlong panauhan siya, niya, kanya, sila, nila at kanila
2. -Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan
Katotohanan o Fact ay isang klase ng impormasyon na walang kaduda-duda at maaring
mapatunayan na totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkakaibang pinanggagalingan ng
impormasyon.
Opinyon ay pahayag na base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaaring mag-iba ang mga ito sa
pinagmumulan ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan.
-Pagsuri kung Valid o Hindi ang Ideya
Ideya o pananaw Tumutukoy ito sa pansariling opinyon o kaisipan ng isang indibidwal ukol sa isang
paksa.
-Maari din isang paraan ng pagkakaintindi o pagkakaunawa ng isang tao sa isang ideyang pinag-uusapan.
Pagsusuri ng pananaw
Iba-iba ang mga pananaw ng bawat indibidwal base sa kanilang kaalaman, pag-uugali, karanasan
atbp.
Hindi lahat ng ideya o pananaw na isinasaad ng bawat tayo ay dapat nating tanggapin
Kailangan kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung ito ba ay valid o hindi
Mga Batayan
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon
-Paghinuha at Paggunita sa Teksto
-Pagbuo ng Lagom at Konklusyon
Pagbuo ng iba't ibang salita batay sa punang salita Paraan ng pagbuo ng salita
1. paglalapi 2. pag-uulit a.) unang pantig ng salita b.) dalawang pantig ng salita c.) buong salita 3.
Pagtatambal
-Pagbigay ng interpretasyon sa mapa, chart at talahanayan
Ang interpretasyon ng mapa ay kung ikaw ay gumagawa ng mapa ikaw ay magkakaroon ng mabigat
na responsibilidad sa trabaho ngunit katumbas nito ay karagdagang sahod. Kung ikaw ay nag aaral ng
mapa ibig sabihin nito ay makakapaglakbay ka sa ibang bansa.