2. Panimula
Sa huling bahagi ng 18th century, masasaksihan
ang mga pag-aalsa sa Europe at sa mga kolonya
nito.
Ang French Revolution ay nagsilbing pwersa na
nagpabago sa ugnayan ng pinuno at ng sakop.
Samantala, ang 13 kolonya ng mga English sa
North America ay nagdeklara ng kasarinlan noong
1776.
Sa pagkatalo ng mga pwersang English sa
Yorktown noong 1781, naging ganap ang kasarinlan
ng 13 kolonya.
3. Panimula
Sa South America, naglunsad din ng
rebolusyon ang mga katutubo hanggang sa
lumaya mula sa Spain noong 1824.
Ang American Revolution at French Revolution
ay sinasabing resulta ng Enligthenment dahil
nagsilbing aplikasyon ang mga nasabing
rebolusyon ng mga ideyang itinaguyod nito.
4. American Revolution
Tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya at
pagbabago na naging resulta ng pagdeklara ng
kalayaan ng 13 kolonya sa North America mula sa
Imperyong British.
Humantong ito sa pagkabuo ng United States of
America o U.S. A.
Dahil sa di-makatwirang pananakop, sumiklab ang
Rebolusyong Amerikano noong 1776 nang ipahayag
ng 13 kolonya ang Declaration of Independence.
5. Mga Kondisyon sa 13 Colonies
Dahil sa mga kalamangan ng America kaysa
Britain sa larangang pangrelihiyon, pang-
ekonomiko, panlipunan at maging
lokasyon, naging mas akma rito ang
pagsasagawa ng mga radikal na
eksperimentasyon sa sistemang pulitika.
Sa relihiyon, kung karamihan sa Britain ay ay
mga Anglican Protestant, karamihan naman sa
America ay kasalungat ng Anglicanism.
6. Mga Kondisyon sa 13 Colonies
Sa ekonomiya at lipunan, walang
makapangyarihang nobility o aristokrato sa
America kung ihahambing sa Britain kung
kayat mas madaling umangat sa kabuhayan sa
kolonya.
Maging ang lokasyon ng America ay
estratehikal sapagkat ang kalayuan nito sa
Britain ay naging dahilan upang hindi
mabantayang mabuti ang pamahalaan at
masanay mamahala mag-isa.
7. Mga Batas na Tinutulan
Matapos ang Seven Years War, nagpasya si
King George III ng England na dapat
makibahagi ang 13 colonies sa naging gastusin
ng digmaan.
Kaugnay nito, nagpatupad ng mga patakarang
nagsilbing mitsa ng pagsiklab ng rebolusyon.
8. Sugar Act noong 1764
Ipinatupad bilang buwis sa pag-angkat.
Pinalakas ang ang kapangyarihan ng mga
opisyal pandagat na English sa paghihigpit sa
ilegal na pag-aangkat ng asukal.
Ang mga kolektor ay pinayagan na halughugin
ang mga pribadong kabayahan para sa mga
ilegal na produkto.
9. Stamp Act noong 1765
Lahat ng opisyal na
dokumento, titulo, kasulatan, pahayagan at iba
pang dokumento ay espesyal na naselyuhang papel
lamang ang maaring isulat o ilimbag.
Dahil ang naapektuhan ng patakarang ito ay ang
mga maimpluwensyang mga tao, sila ang naging
maingay sa pagtuligsa rito.
Sinabi nilang ang pagbubuwis na walang
representasyon ay isang uri ng pagmamalupit at
ang nasabing patakaran ay paglabag sa mga
karapatan ng mga English.
10. Townshend Act noong 1767
Si Charles Townshend, isang pulitkong
English, ay nagpasa ng mga patakaran sa
Parliament na may layuning itaas ang regular
na buwis sa kolonya upang suportahan ang mga
gobernador na kolonyal, huwes at iba pang
opisyal na magtatanggol sa kolonya.
11. Ilan lamang ito sa mga patakarang nagpaliyab sa
apoy ng rebolusyon sa America.
Bilang reaksyon, lumaki ang bilang ng
rebolusyonaryo sa kolonya, ang mga tinawag na
patriot ay nagsagawa ng ga pag-aalsa.
Samantala, ang mga loyalist o tories ay
nanatiling tapat sa hari.
12. Common Sense
Nagpamudmod ng polyeto ang
mga patriot.
Isa sa mga polyetong ito ay may
titulong Common Sense na
isinulat ni Thomas Paine, isang
radikal na English na dumayo
sa America at nakisimpatya sa
mga kolonista.
Sa nasabing
polyeto, iminungkahi ang
paghihiwalay ng kolonya sa
England.
13. Declaration of Independence
Pagsapit ng Hulyo 4, 1776 ang
Declaration of Independence ay
ipinahayag ng Continental
Congress na binubuo ng mga
kinatawan ng 13 kolonya.
Ang pangunahing may-akda nito ay si
Thomas Jefferson.
Nakasaad sa deklarasyong ito na
lahat ng tao ay biniyayaan ng
Diyos ng mga karapatang hindi
maipagpkakait; na ang
lehimitasyon ng pamahalaan ay
galing sa pagsang-ayon ng mga
mamamayan; na ang mga
mamamayan ay may karapatang
patalsikin ang pamahalaan kung
kinakailangan.
15. Ang sigaw ng 13 colonies ay hindi dapat magpasa
at magpataw ng batas ang England nang walang
pagsangguni at pagsang-ayon ng 13 colonies.
Ayon sa kanila, ang ginawa ng England ay
taxation without representation.
Ang deklarasyon na ito ay resulta ng mga
pangyayari na nauwi sa digmaa.n
16. Boston Tea Party
Higit na matindi ang galit laban sa England ng
Boston, Massachusettes, isa sa 13 colonies.
Lumala ito dahil sa insidenteng tinawag na
Boston Massacre na nangyari noong
March1770, kung saan ilang Amerikano ang
napatay nang sila ay pagbabarilin ng mga
sundalong English.
17. Boston Tea Party
Dahil sa Boston Massacre, binawi ng Parlamento
ng England ang Townshend Act, maliban sa
buwis sa tsaa.
Tinutulan ng mga Amerikanong nagtitinda ng
tsaa ang ginawang patakaran ng English na
sapilitang pagluluwas ng tsaa sa 13 colonies.
Ang tsaa na dala ng mga English ay kompitensya
sa tsaa ng mga Amerikaano.
18. Boston Tea Party
Nang dumaong ang
barkong English lulan
ang tsaa, inakyat ng
mga Amerikano ang
barko at itinapon sa
daungan ng Boston ang
ilang daang kahon ng
tsaa.
Tinawag ang insidenteng
ito na Boston Tea
Party.
19. Bilang ganti at parusa, ipinasa ng Parlamento ng
England ang Intolerable Acts noong 1774.
Ang isang batas dito ay nagsasara a daungan ng
Boston hanggat hindi binabayaran ang
itinapong tsaa.
Ang isa pang batas ay nag-utos na tapusin na
ang pamamahalang sarili (self-government) ng
Massachusettes.
20. Hindi maiwasan ang digmaan sa pagitan ng
England at 13 colonies.
Sa pagsiklab ng American Revolution, kapwa
humarap sa suliranin ang pwersang English at
Amerikano.
Kulang sa armas, pagkain at damit ang mga
sundalong Amerikano.
Hirap din ang mga English dahil sa layo ng
England sa North America.
21. Bagamat bihasang sundalo ang mga
English, hirap sila sa taktika ng mga
Amerikano na strike-and-run.
Bukod dito, hindi lahat ng English ay sumasang-
ayon sa digmaan.
Maraming kasapi ng Parlamento ng England ang
tutol dahil para sa kanila, higit na dapat
pagtuunan ng pansin ang mga kolonya sa Asia.
22. Gayunpaman, nagpadala ng sundalo ang England para
labanan ang mga Amerikano.
Matagumpay nilang nasakop ang lungsod ng New
York.
Subalit noong 1777, sumuko sa Saratoga ang 6,000
mersenaryo sa pamumuno ng heneral na English na
si John Burgoyne.
Ang pagkatalong ito ng mga English ang humikayat
sa France na pumayag sa mungkahi ni Benjamin
Franklin na makipagalyansa ang France sa 13
colonies at magdeklara ng digmaan laban sa Great
Britain.
23. Treaty of Paris
Bunga ng sunod-sunod
na
pagkatalo, nilagdaan
noong 1783 ang
Treaty of Paris kung
saan kinilala ng Great
Britain ang kasarinlan
ng 13 colonies.
24. Epekto ng American Revolution
Ang American Revolution ay itinuturing na isang
praktikal na aplikasyon ng mga ideya ng
Enlightenment.
Ito ang naghudyat sa pagwakas ng monarkiya at
aristokrasya sa North America.
Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng
demokrasya sa Europe at sa daigdig sa
pangkalahatan sa pamamagitan ng pagbibigay-
diin sa popular severeingty at national self-
determination.