際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Araling Panlipunan 7
4th Quarter | Topic 1
Mga Pilosopiya at
Relihiyong Sumibol sa
Kanlurang Asya
Prepared by: Eddie San Z. Pe単alosa
Malaki ang naging papel ng mga pilosopiya at
relihiyong umusbong sa Kanlurang Asya upang
mahubog ang takbo ng kasaysayan at kabihasnan sa
mga pamayanan, kaharian, at imperyong umusbong
dito.
Karaniwang ang paglakas at pagbagsak ng isang
kaharian at imperyo ay kaakibat ng paglakas at
paghina ng impluwensiya ng relihiyong niyakap nito.
May apat na pangunahing relihiyong sumibol sa
kanlurang asya  ang Judaismo, Kristiyanismo,
Zoroastrianismo, at Islam.
RELIHIYONG JUDAISMO
Itinuturing ang Judaismo bilang isa sa
pinakamatandang relihiyon sa mundo. Ito ay relihiyon
ng mga Hudyo o Jew na tinatawag ding mga Hebreo at
Israelita.
Monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos na si
Yahweh ang kayarian ng relihiyong Judaismo.
RELIHIYONG JUDAISMO
Ang Torah ang Banal na
Kasulatan ng Judaismo,
naglalaman ito ng limang
aklat  ang Genesis,
Exodus, Leviticus, Numbers,
at Deuteronomy.
RELIHIYONG JUDAISMO
Ang Genesis ay naglalaman ng mga tala tungkol sa
paglikha ni Yahweh sa mundo at lahat ng mga bagay
na naririto. Naging mahalagang bahagi rin ng turo at
aral ng Kristiyanismo ang Torah na nakasaad sa
Lumang Tipan (Old Testament) ng mga Kristiyano.
RELIHIYONG JUDAISMO
Pakikipag-ugnayan ni
Yahweh sa mga Hudyo
Sa sinaunang panahon, naniniwala ang mga Hudyo
na nakikipag-ugnayan sa kanila si Yahweh sa
pamamagitan ng kalalakihang kaniyang tinatawag
upang sila ay itaguyod at pamunuan bilang mga
liping pinili ni Yahweh.
Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
Ang kalalakihang ito ay tinatawag na patriarka tulad
nina Abraham, Isaac, Jacob at Moses. Mababakas sa
kasaysayan ng mga Hudyo ang kasaysayan din ng
pakikipag-ugnayan sa kanila ni Yahweh tulad lamang ng
Exodus o mahimalang pagtakas ng mga Hudyo mula sa
mahabang panahong pagkakaalipin nila sa Egypt at ang
pagsisikap nilang makabalik sa Lupang Pangako. sa
pamumuno ni Moses.
Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
Nananatiling tapat si Yahweh sa kaniyang pangako
sa kabila ng ilang pagkakasala ng mga hudyo. Naging
isang mahalagang katangian ng Judaismo ang
Sampung Utos ng Diyos. na ibinibigay ni Yahweh kay
Moses sa Mount Sinai nang maging makasalanan at
makalimot ang mga Hudyo sa kanilang katapatan kay
Yahweh dahil sa paghihirap na naranasan nila sa
disyerto matapos ang Exodus.
Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
Ang Sampung Utos ng Diyos
Ang Sampung Utos ng Diyos
Ang Sampung Utos ng Diyos
Naniniwala rin ang mga Hudyo sa Messiah  ang kanilang
Tagapagligtas na ipinangako ni Yahweh laban sa kanilang
mga kalaban. Ang pagdating ng Messiah ay isinasaad sa mga
propesiya ng mga propetang Hudyo tulad ni Isiah na nagwika
tungkol sa pagdating ng messiah.
Ang Sampung Utos ng Diyos
Ayon sa Kristiyano, Si Hesukristo ang Messiah o
tagapagligtas. Subalit, dahil sa paniniwla ng mga Hudyo na
ang Messiah ay isang Hari at Mandirigma, hindi nila
pinaniniwalaan si Hesukristo bilang Messiah at hanggang sa
ngayon ay hinihintay pa rin nila ang pagdating ng Messiah.

More Related Content

Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo

  • 1. Araling Panlipunan 7 4th Quarter | Topic 1 Mga Pilosopiya at Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya Prepared by: Eddie San Z. Pe単alosa
  • 2. Malaki ang naging papel ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong sa Kanlurang Asya upang mahubog ang takbo ng kasaysayan at kabihasnan sa mga pamayanan, kaharian, at imperyong umusbong dito.
  • 3. Karaniwang ang paglakas at pagbagsak ng isang kaharian at imperyo ay kaakibat ng paglakas at paghina ng impluwensiya ng relihiyong niyakap nito. May apat na pangunahing relihiyong sumibol sa kanlurang asya ang Judaismo, Kristiyanismo, Zoroastrianismo, at Islam.
  • 5. Itinuturing ang Judaismo bilang isa sa pinakamatandang relihiyon sa mundo. Ito ay relihiyon ng mga Hudyo o Jew na tinatawag ding mga Hebreo at Israelita. Monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos na si Yahweh ang kayarian ng relihiyong Judaismo. RELIHIYONG JUDAISMO
  • 6. Ang Torah ang Banal na Kasulatan ng Judaismo, naglalaman ito ng limang aklat ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy. RELIHIYONG JUDAISMO
  • 7. Ang Genesis ay naglalaman ng mga tala tungkol sa paglikha ni Yahweh sa mundo at lahat ng mga bagay na naririto. Naging mahalagang bahagi rin ng turo at aral ng Kristiyanismo ang Torah na nakasaad sa Lumang Tipan (Old Testament) ng mga Kristiyano. RELIHIYONG JUDAISMO
  • 9. Sa sinaunang panahon, naniniwala ang mga Hudyo na nakikipag-ugnayan sa kanila si Yahweh sa pamamagitan ng kalalakihang kaniyang tinatawag upang sila ay itaguyod at pamunuan bilang mga liping pinili ni Yahweh. Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
  • 10. Ang kalalakihang ito ay tinatawag na patriarka tulad nina Abraham, Isaac, Jacob at Moses. Mababakas sa kasaysayan ng mga Hudyo ang kasaysayan din ng pakikipag-ugnayan sa kanila ni Yahweh tulad lamang ng Exodus o mahimalang pagtakas ng mga Hudyo mula sa mahabang panahong pagkakaalipin nila sa Egypt at ang pagsisikap nilang makabalik sa Lupang Pangako. sa pamumuno ni Moses. Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
  • 11. Nananatiling tapat si Yahweh sa kaniyang pangako sa kabila ng ilang pagkakasala ng mga hudyo. Naging isang mahalagang katangian ng Judaismo ang Sampung Utos ng Diyos. na ibinibigay ni Yahweh kay Moses sa Mount Sinai nang maging makasalanan at makalimot ang mga Hudyo sa kanilang katapatan kay Yahweh dahil sa paghihirap na naranasan nila sa disyerto matapos ang Exodus. Pakikipag-ugnayan ni Yahweh sa mga Hudyo
  • 12. Ang Sampung Utos ng Diyos
  • 13. Ang Sampung Utos ng Diyos
  • 14. Ang Sampung Utos ng Diyos Naniniwala rin ang mga Hudyo sa Messiah ang kanilang Tagapagligtas na ipinangako ni Yahweh laban sa kanilang mga kalaban. Ang pagdating ng Messiah ay isinasaad sa mga propesiya ng mga propetang Hudyo tulad ni Isiah na nagwika tungkol sa pagdating ng messiah.
  • 15. Ang Sampung Utos ng Diyos Ayon sa Kristiyano, Si Hesukristo ang Messiah o tagapagligtas. Subalit, dahil sa paniniwla ng mga Hudyo na ang Messiah ay isang Hari at Mandirigma, hindi nila pinaniniwalaan si Hesukristo bilang Messiah at hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin nila ang pagdating ng Messiah.