1. Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Pangalan Petsa Marka
20
Mga sagot sa Kayarian ng pang-uri
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang kayarian nito. Isulat
ang titik P sa patlang kung ang pang-uri ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay
inuulit, at T kung ito ay tambalan.
1. M Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!
2. I Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso.
3. P Nais niyang tumira sa bayan na payapa.
4. T Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya.
5. I Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito.
6. M Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo sa paaralan?
7. T Hindi nakikipag-away si Regina dahil pusong-mamon siya.
8. P Totoo ang mga sinabi niya sa iyo.
9. I Malayung-malayo ang bayan ng San Felipe mula dito.
10. T Ang talento niya ay bukod-tangi kaya may mga humahanga sa kanya.
11. P Ang mga isdang binebenta riyan ay sariwa.
12. M Ang anak ni Ginang Ramos ay mapagbigay.
13. I Libu-libong mamamayan ang nasasalanta ng mga bagyo.
14. T Pantay-balikat ang baha sa Mindanao dahil sa bagyo.
15. M Umiinom siya ng bitamina dahil sakitin siya.
16. M Hindi niya makakasundo ang lalaking palabiro.
17. I Ang watawat ng Pilipinas ay kitang-kita mula sa kinatatayuan ko.
18. P Bago ang mga kagamitan nila sa bahay.
19. I Wala kang mauutang sa akin dahil walang-wala rin ako.
20. T Taos-puso ang kanyang paghingi ng paumanhin sa iyo.