Mga salik-na-nakaaapekto-sa-makataong-kilos-team-dandrave
2. Ang mga salik ay direktang akaaapekto o
nakapagpapabago ng kalikasan ng isang
makataong kilos lalo na sa papel ng isip at
kilos loob. Maaari ring mabawasan ang
pananagutan ng makataong kilos dahil sa
impluwensiya ng mga salik na ito.
4. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa
kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat
taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri :nad
araig (vincible) at hindi
nadaraig(invincible)
5. Dalawang Uri Ng Kamangmangan
*KAMANGMANANG NADARAIG
Ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain
subalit may pagkakataong itama o
magkaroon ng tamang kaalaman kung
gagawa ng paraan upang malaman o ma
tuklasan ito.
6. *KAMANGMANGAN NA HINDI
NADARAIG
Ang kamangmangan na hindi na daraig ay
maaring kamangmangan dahil sa kawalan
ng kaalaman na mayroon siyang hindi
alam na dapat niyang malaman.
7. Halimbawa nito ay ang isang tao na dumating sa
Maynila galing probinsya. Tumawid siya sa isang
kalsada na kung saan ipinagbabawal ang
pagtawid . Ang kapanagutan sa ginagawa niya ay
hindi direktang makikita dahil sa kawalan niya
ng kaalaman tungkol sa batas ng jaywalking.
8. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling
sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
Maituturing ito na paglaban ng masidhing
damdamin sa isip-para bang ang
pangangailangan ng masidhing damdamin ay
mas matimbang kaysa sa dikta ng isip .
Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na
abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa
masidhing pag-asam o paghahangad ng sakit
o hirap.
9. Halimbawa: Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil
sa pagkapasa niya sa Bar Exam ay bigla niyang
nayakap ang katabi niyang babae. Maaari ba
siyang akusahan ng sexual harassment? Depende
ito sa uri ng damdamin. Ito ay tinatawag na
nauna(antecendent) kung ito ay umiral bago pa
man gawin ang isang kilos at nahuhuli
(consequent) naman kung ito ay nagkaroon
muna ng pagkukusa mula sa kilos loob.
10. Ang na unang damdamin(antecedent)
ay hindi nakapag-aalis ng
kapanagutan subalit
nakapagpapababa laman ito.
Ang na huhuling damdamin
(consequent) naman ay ang
pagkakaroon ng panahon na alagaan
ang damdamin at ginagamit na
dahilan o paraan sa ikinikilos.
11. Ang pagka takot ay isa sa mga halimbawa ng
ma sidhing silakbo ng damdamin. Ang takot
ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na
humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
12. Halimbawa: katatapos lang ni Diego na manood
ng isang nakatatakot na panlabas. Habang nag-
iisa, naglalaro sa isip niya ang mga na panood
kaya pakiramdam niya ay may nakatingin sa
kaniya. Biglang may tumalon na pusa sa harapan
niya kaya napasigaw . Dahil dito, nagulat at
nataranta ang mga tai sa bahay nila. Siya ba ay
may pananagutan ng alarm at scandal?
13. Ito ay ang pagakakaroon ng panlabas na
puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-
loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng
taong may mataas na impluwensiya.
14. Halimbawa:isang ka klase mong siga ang pinilit
kang kumuha ng pagkain sa kantina. Binantaan
ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya
susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang
iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa
pagkakataong ito, hindi ka mapananagot sa
ginawa mo. Pero tandaan na kailangan mo
munang mag-isip ng paraan para maiwasa na
ito.
15. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinagawa at
naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-
araw ay itinuturing na gawi(habits). Kung ang
isang gawa o kilos ay nakasanayan na,
nababawasan ang pananagutan ng isang tao
ngunit hindi ito nawawala.
16. Kaya ang gawi ay hindi kailanaman
nakapagpapawala ng ka kapanagutan sa
kahihinatnan ng makataong kilos.
Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging
isang uri ng kilos tao (act of man) dahil sa
pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng
kaalaman at kilos-loob.
17. 1. Maituturing mo na ba ang sarili mo bilang isang
tao na may pananagutan sa ginagawa?
2. May kakayahan ka na gumawa ng mapanagutang
pasiya?
3. Malinaw na ba sa iyo kung kailan ka lamang
maaaring ma-excuse sa mga ginagawa mo?
4. Handa kana bang kumilos kaakibat ang
mapanagutang resulta o kahihinatnan ng ano
mang pasya mo?
Sa mga sagot mo sa tanong na ito , ano ang mga
patunay sa katatagan mo bilang isang
mapanagutang indibidwal na may makataong
kilos?