ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Inihanda ni:
Donna D. Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
Mgasalitang
hiramsa
ingles
Ang pagsasalin ay iniaayon sa
mga salita kapag ito’y mauunawaan, at
ginagawang malaya naman kapag iyon ay
may kalabuan datapwa’t hindi lumalayo
kailanman sa kahulugan.
Paciano Mercado Rizal (1886)
Mga paraan ng panghihiram ang kailangang sundin
sa pag-asimila sa mga salitang buhat sa Ingles. Sa
ngayon ay tatlong paraan ng pag-asimila ng mga
salitang hinihiram sa Ingles ang maaaring
imungkahi.
Panimula
PARAAN 1
Pagkuha sa katumbas sa Kastila
ng hinihiram sa salitang Ingles
at pagbaybay dito nang ayon sa
palabaybayang Filipino. Ito ang
pinakakaraniwang paraan ng
panghihiram ng mga salita sa
Ingles na sinusunod sa ngayon.
Halimbawa:
Kung ibig hiramin ang salitang
Ingles na electricity, kunin ang
katumbas nito sa Kastila –
electricidad. Pagkatapos ay
baybayin ito nang ayon sa
palabaybayang Filipino –
elektrisidad.
Iba pang halimbawa:
INGLES KASTILA FILIPINO
population populacion populasyon
liquid liquido likido
delegate delegado delegado
biology biologia Biyolohiya/byolohya
mathematics matematica matematika
barricade barricada barikada
ceromony ceremonia seremonya
Paghiram sa salitang Ingles at
pagbaybay dito nang ayon sa
palabaybayang Filipino. Karaniwang
isinasagawa ang paraang ito kung -
1. hindi maaari ang Paraan 1.
2. walang katutubong salita na
maaaring magamit bilang salin o
katumbas ng salitang Ingles.
PARAAN 2
Tingnan ang sumusunod na ilang halimbawa:
Ingles Christmas Tree
Filipino Krismas Tri
Pansinin na mayroon tayong Pasko bilang panumbas sa Christmas ngunit wala
sa Christmas Tree
Ingles Tricycle
Filipino Traysikel
Ang katumbas ng bicycle ay bisikleta na ang ginagamit ay Paraan. Subalit ang
tricycle ay hindi trisikleta.
Paraan 3
Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago
sa baybay. Ginagamit lamang ang paraang ito kapag hindi
praktikal na gamitin ang mga Paraan 1 at 2. Pansinin pa rin na
dito lamang sa paraang ito nagagamit ang mga letrang wala
sa 20 letra ng Abakada. Narito ang ilang halimbawa: Manila
Zoo, chess, golf, coke, visa, Quezon City, Juan de la Cruz, Villa
Caridad, atb.
Kung gagamitin ang letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z, ch, ll,
rr, sa mga karaniwang salita, ang palabaybayang
Filipino ay magugulo sapagkat maraming mga salita
ang magkakaroon ng iba’t ibang baybay. Ang coffee,
gaya ng nabanggit na sa una, ay tinutumbasan natin
sa Filipino ng kape. Subalit kung hindi magkakaroon
ng control sa paggamit ng c at f, maaaring tanggapin
ang sumusunod na baybay: cape-kape, café-kafe.
Maaari pa ring idagdag dito ang sumusunod na mga
anyo: kopi, kofi, copi, cofi.
Samakatwid, sapgakat ang palabaybayang Filipino ay
konsistent, hangga’t maaari ay dapat manatili ang isa-sa-
isang pagtutumbasan ng ponema o makahulugang tunog at
ng letra o titik. Ang mga simbolong c, f, j, q, v, x, z, gayndin
ang mga digrapong ch, ll, rr, at ang mga kilay na ñ ay hindi
dapat mapasama sa pagbaybay ng mga karaniwang salita
sapagkat sa ngayon ay hindi pa nagrereprisinta ang
alinman sa mga ito ng makabuluhang tunog sa Filipino.
wakas
Montera, Godfrey G. 2013.
Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Likha Publications: Cebu
City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang
Linggwistika. University of San
Carlos Press: Cebu City.
_______________.2014.Ortograpiyang
Pambansa.Komisyon ng Wikang
Filipino:Manila City.
Santiago, Alfonso O. 1979.
Panimulang Linggwistika.
Rex Book Store: Quezon
City.
Zamora, Nina Christina et al.
Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Mutya Publishing, Inc.:
Malabon City.
_______________. Manual sa
Panimulang Linggwistika.
Mindanao State University, Marawi
City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco,
Norma G.2003. Makabagong
Balarilang Filipino.Rex Book Store:
Manila City.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:

More Related Content

MGA SALITANG HIRAM SA INGLES

  • 1. Inihanda ni: Donna D. Oliverio, MATF Instructor Father Saturnino Urios University Mgasalitang hiramsa ingles
  • 2. Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapwa’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan. Paciano Mercado Rizal (1886)
  • 3. Mga paraan ng panghihiram ang kailangang sundin sa pag-asimila sa mga salitang buhat sa Ingles. Sa ngayon ay tatlong paraan ng pag-asimila ng mga salitang hinihiram sa Ingles ang maaaring imungkahi. Panimula
  • 4. PARAAN 1 Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hinihiram sa salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng panghihiram ng mga salita sa Ingles na sinusunod sa ngayon.
  • 5. Halimbawa: Kung ibig hiramin ang salitang Ingles na electricity, kunin ang katumbas nito sa Kastila – electricidad. Pagkatapos ay baybayin ito nang ayon sa palabaybayang Filipino – elektrisidad.
  • 6. Iba pang halimbawa: INGLES KASTILA FILIPINO population populacion populasyon liquid liquido likido delegate delegado delegado biology biologia Biyolohiya/byolohya mathematics matematica matematika barricade barricada barikada ceromony ceremonia seremonya
  • 7. Paghiram sa salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino. Karaniwang isinasagawa ang paraang ito kung - 1. hindi maaari ang Paraan 1. 2. walang katutubong salita na maaaring magamit bilang salin o katumbas ng salitang Ingles. PARAAN 2
  • 8. Tingnan ang sumusunod na ilang halimbawa: Ingles Christmas Tree Filipino Krismas Tri Pansinin na mayroon tayong Pasko bilang panumbas sa Christmas ngunit wala sa Christmas Tree Ingles Tricycle Filipino Traysikel Ang katumbas ng bicycle ay bisikleta na ang ginagamit ay Paraan. Subalit ang tricycle ay hindi trisikleta.
  • 9. Paraan 3 Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay. Ginagamit lamang ang paraang ito kapag hindi praktikal na gamitin ang mga Paraan 1 at 2. Pansinin pa rin na dito lamang sa paraang ito nagagamit ang mga letrang wala sa 20 letra ng Abakada. Narito ang ilang halimbawa: Manila Zoo, chess, golf, coke, visa, Quezon City, Juan de la Cruz, Villa Caridad, atb.
  • 10. Kung gagamitin ang letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z, ch, ll, rr, sa mga karaniwang salita, ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat maraming mga salita ang magkakaroon ng iba’t ibang baybay. Ang coffee, gaya ng nabanggit na sa una, ay tinutumbasan natin sa Filipino ng kape. Subalit kung hindi magkakaroon ng control sa paggamit ng c at f, maaaring tanggapin ang sumusunod na baybay: cape-kape, café-kafe. Maaari pa ring idagdag dito ang sumusunod na mga anyo: kopi, kofi, copi, cofi.
  • 11. Samakatwid, sapgakat ang palabaybayang Filipino ay konsistent, hangga’t maaari ay dapat manatili ang isa-sa- isang pagtutumbasan ng ponema o makahulugang tunog at ng letra o titik. Ang mga simbolong c, f, j, q, v, x, z, gayndin ang mga digrapong ch, ll, rr, at ang mga kilay na ñ ay hindi dapat mapasama sa pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat sa ngayon ay hindi pa nagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng makabuluhang tunog sa Filipino. wakas
  • 12. Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City. Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City. _______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City. Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City. Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City. _______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City. Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City. MGA SANGGUNIANG AKLAT: