1. Sa kabilang dako naman ng mundo ay isang amerikanong nagngangalang Oliver Evans ang
unang gumawa ng isang sasakyang sa lupa at sa dagat.
Noong 1897, naimbento ang isang sasakyan na tulad ngayon
ay gumagamit ng langis at ang istruktura ng makina nito ay pawang dito kinuha ang ideya
ng makabagong sasakyan. ito ay naimbento ni Siegfried Marcus at siya ay nagmula sa
bansang Austria.
Ang unang produksyon ng mga sasakyan ay ginawa ni Karl Benz noong 1888 sa
Germany. Tulad niya, marami pang ibang imbentor o manggagawa ng sasakyan, tulad nina
Rudolf Egg, Edward Butler at Leon Bollee, na mga gumawa ng tricycle. Gamit ang kanyang
sariling 650cc na makina, nakapagpatakbo si Bollee ng hanggang 45km/h sa 1897 Paris
Tourville Rally. Noong 1900, nagsimulang tumaas ang produksyon ng mga sasakyan sa France
at United States. Ang unang kumpanyang eksklusibong naitatag para lumikha ng mga
sasakyan ay ang Panhard et Levassor sa France, na nagpakilala ng unang "four-cylinder
engine". Noong nagsimula ang ikadalawampung siglo, lalo na sa France, noong 1903, 30,204
sasakyan ang nagawa .
Ang panahon nang mga sasakyan na tinatawag na vintage era ay tumagal nang
hanggang sa unang digmaang pandaigdig(1919). Sa panahong ito ang mga sasakyan na ang mga
machina ay nasa harap ay nag domina sa panahong ito..Ang mga mataas na kalidad ng
sasakyan ay lumalabas na rin sa panahong ito. (v8, v12 at v 16}
2. Modernong
panahon ng mga sasakyan.Nag simula ang modernong panahon sa mga sasakyan noong nakalipas
na 25 na taon.Pero habang lumilipas ang panahon, dumarami rin ang iba't ibang klase na
sasakyan. Nag i-iba sa disenyo at sa performance..ang iba't ibang disenyo na lumabas ay
nag bibilang sa tatlo tulad nang hatchback, mini van, at sports na istilo at sa nag
tatagal..lumalabas na rin ang iba't ibang klase na tinatawag na mga "luxury cars"..at
ang mga perpormance nang mga bagong sasakyan ay nag aalay nang tatlong beses na mas
mabilis.
Sa tulong ng teknolohiya ay naging matipid ang ilang mga sasakyan ngayon sa pag
konsumo ng langis. Ang ilang mga sasakyan ay tinutulungan ng mga kompyuter. Ang layon ng
mga ito ay maging matipid ang isang sasakyan sa pag konsumo lang langis na hindi
naapektuhan ang pisikal na katangian. Ilan din sa mga nadagdagan ay ang mga kagamitan
para sa seguridad ng pasahero tulad ng mga airbags, ABS brakes at iba pa. Meron din
namang mga kagamitan na ang layon ay palakasin ang kanilang makina upang bumilis ang
takbo. Ilan sa mga ito ay mga "turbochargers", Karburador, intercoolers, at mga "intake
at exhaust pipes". Mayroon din mga pampaganda ng pisikal na katangian ng sasakyan. Ilan
dito ang mga gulong at mga body kits.
Ang mga sasakyan ay importante sa ating mundo. Hihinto ang ekonomiya ng mundo
kapag ito ay nawala. Hindi naman natin kailangan ng magarang kotse upang makapag lakbay
ng malayo. Kailangan lang natin itong ingatan at dapat tayo maging maingat sa pag
mamaneho ng sasakyan, maliit man ito o malaki..
3. Noong 1897, naimbento ang isang sasakyan na tulad ngayon ay gumagamit ng langis at
ang istruktura ng makina nito ay pawang dito kinuha ang ideya ng makabagong
sasakyan. ito ay naimbento ni Siegfried Marcus at siya ay nagmula sa bansang
Austria.
Carromata , caruajes at calesa
4. Transportasyong Pilipino: Kontribusyon ng mga
Amerikano
Araw-araw tayong sumasakay ng dyip, taxi, bus, LRT at tren. Minsan sumasakay din tayo ng
barko o eroplano kung patungo sa malalayong lugar. Pero naitanong mo na ba sa inyong
sarili kung paano nagsimula ang sistema ng transportasyon sa ating bansa. Malaki ba ang
pinagbago ng transportasyong Pilipino sa pagdaan ng mga panahon? Masasabi nating
nagsimulang umunlad ang transportasyong Pilipino sa pagdating ng mga
Amerikano. Bagamat may simple nang paraan ng paglalakbay noong panahon ng mga
Espanol, lalo pa itong dumami, naging mabilis at sopistikado sa panahon ng mga Amerikano.
Mga Sasakyang Panlupa
Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-
ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga
Amerikano ang paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanol.
Pinalaganap ang pagagamit ng mga tren, tranvia, kotse at bus.
Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga Ingles ay binili ng
pamahalaang Amerikano. Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang
Philippine National Railways (PNR). Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren
hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din ng mga linya ng tren sa Cebu
at Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang naitayo ng
mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng mga linya ng tren ang
nagpaunlad sa mga pook na dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga
lungsod. Gayundin ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng bansa.
Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang de-kuryenteng
tranvia. Ito ay kaiba sa tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng mga Espanol.
Aabot sa 24 na katao ang maisasakay ng isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass
transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng lungsod ang siniserbisyuhan
nito.
Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa itongbenzine-fueled
French-made Brazier. Ang kotse ang nangungunang transportasyon noong panahong iyon
partikular na sa mga maykaya sa buhay.
Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mgaAtlas-General
Electric truckless trolley bus. Ito ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa.
Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong mga 1930s. Maaari
itong magsakay ng apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang pasahe rito, ito
ang naging pinakamainam at pinakamabilis na pampublikong transportasyon noong
panahong iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at motorsiklo sa paglalakbay .
Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyipni na
lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
5. Mga Sasakyang Pantubig
Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga
mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanol ay
napalitan ng mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-
island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang paglalayag ng mga international
steamships sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbubukas ng mga
daungan o seaports sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking
daungan sa Asya noong panahong iyon.
Mga Sasakyang Panghimpapawid
Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay
pinalipad ni 'Lucky' Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City.
Noong 1930, sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal
na eroplano sa bansa. Dito unang naranasan ng mga Pilipino na maglakbay sa pamamagitan
ng himpapawid sa iba't ibang bahagi ng ating kapuluan. Sinundan naman ito ng pagtatag ng
Iloilo-Negros Air Express Co. o INAEC noong 1933. Sinasabing ang dalawang kompanyang ito
ang naging Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paglapag
naman ng China Clipper ng Pan-American Airways sa Maynila noong Nobyembre 29, 1935
ang itinuturing na unang trans-Pacific air travelmula California hanggang Pilipinas. Ito rin
ang nagpasimula sa internasyunal na paglalakbay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga
eroplano.
Sa paglipas ng panahon, masasabi nating unti-unting nagbabago at umuunlad ang sistema
ng transportasyon sa bansa. Ang pagkakaroon ng isang malawak at mabilis na sistema ng
transportasyon ay isa sa mga salik na magbibigay-daan sa minimithing pag-unlad ng bansa.
6. DYIPNI: NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
Posted by Miko Santos on September 7, 2008 揃 1 Comment
DYIPNI: NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
by Miko D. Santos
Ang papel na ito ay tumatalakay sa ibat-ibang konsepto kaugnay sa mga dyipni sa Pilipinas
at mga bagay-bagay na may kaugnayan dito tulad ng tsuper at iba pang mga tao, bagay, at
kaugalian. Ito ay batay sa aking sariling pag-oobserba at pagkakaunawa, bagamat
ang ilan ay batay sa mga librong aking sinipi.
Ang paraan o metodolohiya na aking ginamit sa aking pagsulat ng papel na ito ay
narration at nasa kronohikal na ayos mula sa pagkakadala ng mga Amerikanong sundalo
ng dyip sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan at ang posibleng hinaharap nito. Gayunpaman,
hindi sakop ng papel na ito ang dyipni at iba pang uri ng mga sasakyan sa ibang mga bansa;
bagamat mayroong ilang mga bansang gumagamit din ng dyipni bilang transportasyon.
Mula Batanes hanggang Tawi-tawi, mula Palawan hanggang Davao Oriental, sa madaling
salitay saan mang sulok ng Pilipinas, sa kanayunan man o sa lungsod, siguradong
mamumutawi sa iyong mga mata ang sari-saring kulay at disenyo ng libo-libong mga
pampublikong dyipni sa bansa. Sa buong kalakhang Maynila pa nga lamang ay mayroon ng
humigit-kumulang limandaang libong mga dyipni (hindi pa kasama sa bilang ang
mga colorum na dyipni). Kilala rin bilang PUJ o Public Utility Jeepney, ang dyipni ay
tinagurian na ngang trademark o tatak ng mga Pilipino pagdating sa usapang lansangan.
Bilang pangunahing pampublikong sasakyan sa bansa at tinuturing din na Hari ng Kalsada,
ang dyipni ay ang pinakapopular na sasakyan sa Pilipinas. Minsan ngay tinawag din na
Pambansang Sasakyan ng Pilipinas bukod sa kalesa. Marahil dahil na rin sa baba ng
pamasehe rito kung ikukumpara sa pag-tataxi o sa paggamit ng sariling sasakyan, sa taas ng
presyo ng krudo at gasolina sa mga panahon ngayon. Kaya naman panay ang pagpoprotesta
ng ilang mga tsuper para sa pagtaas ng pamasahe na siya namang ikinaiinis ng ilang mga
pasahero.
Mula sa salitang ingles na jeepney, ito ay nanggaling sa dalawang katagang jeep at jitney.
Dinala sa Pilipinas ng mga Amerikanong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigig
(WWII), ang dyipni ay unang ginamit bilang sasakyang pandigmaan (tingnan ang Larawan 1).
Tinawag itong G.P. (jee-pee) o for General Purposes only1. Nang kinalaunan ang jeepee
ay naging jeep na lamang. Ang jitney naman ay galing sa salitang Pranses na jeton2 na
ang ibig sabihin ay coin o token o barya sa Filipino, sumisimbolo sa mababang pamasahe
dito. At nang pinagsama ang jeep at jitney, ito ay naging jeepney3 na ginagamit natin
7. hanggang sa kasalukuyan, tulad din ng pag-eetimolohiya sa mga salitang bolo, boondock,
calesa, juramentado at iba pa.
Bagaman galing sa ibang bansa ang una at maliit na anyo ng dyipni, Pilipino naman ang
lumikha ng bagong anyo at disenyo nito na nakikita pa rin natin hanggang ngayon (tingnan
ang Larawan 2a at 2b); mas mahahaba at makukulay nga lamang ang mga kontemporaryong
dyipni sa kasalukuyan.
Batay sa aking masusing pag-reresearch4, siya ay walang iba kundi si Clodualdo Clod
Delfino, isang musikero at kompositor ng mga kanta. Gayunpaman, siya ay nalulungkot dahil
sa mga taong gumaya sa kanyang orihinal na dyipni at nakinabang dito, sa halip na siya
sana ang nagtamo ng karangalan at karangyaan, kung naiparehistro o nai-patent lang sana
niya ito noong 1945. Ang sabi pa niya, Noong panahong walang hanapbuhay ang mga
musikero, ang Maynila ay kapos na kapos sa transportasyon. Kaya naman nagkaroon ako ng
ideya na baguhin angwar surplus jeep at gawing isang pampasaherong sasakyan. At ako ang
unang bumiyahe at kumita nang dahil dito. Gayunpaman, hindi siya nag-iisa; mayroon ding
ilang pinoy na naka-isip ng ganoong ideya at pumasada rin gamit ang dyipni. Humiram si
Clod ng tatlong daang piso sa kanyang ate at bumili ng dyip sa Grace Park Surplus Depot.
Ang una niyang mga ruta ay: Pasay-Vito Cruz, VitoCruz-Quiapo, Quiapo-Pier, Quiapo-
Grace Park, City Hall-Sta. Cruz. Ang singil niyang pamasahe ay piso, isang malaki nang halaga
noong mga panahong iyon na dalawang piso pa lang ang katumbas ng isang dolyar.
Pagkalipas ng ilang panahon, ipinagbenta niya ang kanyang dyipni sa isang kaibigan sa
halagang tatlong libong piso at hindi na niya ito nakita pang muli. Kaya naman laking
pagsisisi niya sa huli nang ang kanyang naimbento at dinisenyong dyipni ay nagkamal ng
limpak limpak na salapi at kasikatan sa industriya ng transportasyon sa Pilipinas.4