8. SIBILISASYON
Ang sibilisasyon ay mula sa
salitang-ugat na civitas
na salitang Latin na ang
ibig sabihin ay lungsod.
Ito ay nangangahulugang
masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.
9. KABIHASNAN
Ang kabihasnan ay nagmula
sa salitang-ugat na bihasa na ang
ibig sabihin ay eksperto.
Ito ay pamumuhay na
nakagawian ng maraming pangkat
ng tao. Kasama rito ang wika,
kaugalian, paniniwala at sining.
12. KABIHASNANG SUMER
Ang Mesopotamia
ang kinilala bilang cradle
of civilization dahil dito
umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng
tao.
Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na tinawag na
Fertile Crescent kung saan
matatagpuan ang kambal-
ilog na Tigris at Euprates.
16. Sistemang Panlipunan
Sa usaping pamumuhay may
espesyalisasyon ang mga Sumerian na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng uring
panlipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at mga scribe,
at sa huli ay mga magsasaka at alipin.
17. Mga Ambag ng Sumerian
Isa sa mga ambag ng mga
Sumerian ay ang sistema ng pagsulat
na tinawag ba cuneiform kung saan
naitala ng mga scribe sa mga clay
tablet ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap.
18. Iba pang kontibusyon
Epic of Gilgamesh
Araro at mga kariton na may gulong
Palayok
Perang pilak
Lunar calendar
Decimal system
22. Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May dalawang importanteng lungsod
ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-
Daro. Planado at organisado ang mga lungsod
na ito na ipinakita sa mga lansangang
nakadisensyo sa kuwadrado (grid-patterned)
at pare-pareho ang sukat ng bloke ng
kabahayan.
23. Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnang Indus.
Pinamunuan ang kabihasnang ito ng
mga haring pari.
Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga
tao dito.
Natuto rin silang makipag-
kalakalan sa mga karatig lungsod.
25. Mga Ambag
PICTOGRAM
Ang mga Dravidian
ay gumamit ng mga
pictogram bilang sistema
ng pagsulat, ngunit
hanggang ngayon ay wala
pa ring nakakaalam kung
ano ang kahulugan ng
mga ito.
26. KABIHASNANG INDUS
Naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus . May paliwanag ang iskolar
dito. Ayon sa kanilang teorya :
1. Kalamidad
2. Pananakop
Ngunit walalang matibay na
ebidensyang naipakita sa mga
paliwanag na ito.
28. KABIHASNANG SHANG
Ito ang kabihasnang nagsimula sa lambak
ng Huang Ho sa China na tinawag ding Yellow
River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig
nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na
malapit dito.
29. Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May mga pamayanan ng umusbong dito
bago ang Shang. Ito ang kalinangan ng Yanshao
(3000 BCE 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE -
2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain
sa panahong ito.
30. Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
Ang Lungshan ay naging transisyon
tungo sa Kabihasnang Shang. May hinalang may
naunang dinastiya na natatag dito, ang Xia
subalit wala itong matibay na basehan
ebidensyang arkeolohikal.
31. Mga Ambag
Calligraphy ang sistema ng kanilang
pagsulat na nagsilbing taga pag-isa sa mga
Tsino. Gianamit na simbolo ng pagsulat ang
mga oracle bone.
ORACLE BONES CALLIGRAPHY
34. Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa
kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng
maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang
bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira
sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
35. 2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng
Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal
system
36. 3. Ano ang tawag sa templong dambana na
itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China
B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden
37. 4. Ito ang sistema ng pagsulat na ginagamit ng
kabihasnang Shang.
A. cuneiform
B. pictograph
C. calligraphy
D. oracle bones
38. 5. Ito ang pinakamahalagang lungsod sa
Kabihasnang Indus.
A. Tigris at Euphrates
B. Ur at Uruk
C. Huang Ho at Yang tze
D. Mohenjo-Daro at Harrapa
40. Takdang Aralin
1. Magsaliksik at lumikom ng mga datos
mula sa aklat o internet tungkol sa
kaisipang Asyano sa pagbuo ng Imperyo.
2. Paano nabuo ang imperyo batay sa mga
pananaw, tradisyon at paniniwala na
nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad?
Ipaliwanag.