2. Monarkiyang Konstitusyonal
Isang anyo ng pamahalaan na
pinamumunuan ng hari, reyna, emperador o
czar
Ang punong ministro at parlyamento ang
tunay na namumuno ng pamahalaan
Minamana ang pamumuno ng
monarkiya
Kadalasan itong ipinamamana sa
pinakamatandang anak na lalaki
4. Oligarkiya
Nasa kamay ng isang pangkat ng tao ang
kapangyarihang pampamahalaan
Saklaw ng kapangyarihang ito ang lahat ng aspeto ng
pamumuhay ng mga nasasakupan nito
May eleksyon ding nagaganap
ngunit ang mga kandidato ay
nanggagaling lamang sa iisang
partido
5. Diktadura
Isang makabagong anyo ng pamahalaang oligarkiya
Pinaiiral ang diktadura sa pamamagitan ng paggamit
ng lakas at dahas
Karaniwang inaalis ang mga karapatan ng
mamamayan
Sino man ang tumutol o lumaban sa
pamahalaang ito ay maaaring ipadakip at
parusahan ng gobyerno
6. Demokratiko
Tinatawag ding pamahalaan ng mamamayan
Higit na makapangyarihan ang tinig ng nakararaming
mamamayan kesa sa mga pinuno
Sa ilalim ng pamahalaang demokratiko maaaring
pumili ng kandidato ang sinuman sa eleksyon
Kinilala sa kapasyahan ng
nakararami at paggalang sa
indibidwal
7. Mga Batayang Katangian ng
Demokrasya
1. Ang demokrasya ay isang pamahalaang ang
kapangyarihan at mga responsibilidad ay hawak ng
mamamayan
2. Ang demokrasya ay nakasandig sa prinsipyo ng
pagkilala sa kapangyarihan ng nakararami at
karapatan ng bawat isa
3. Ang piinakamahalagang tungkulin ng demokrasya
ay pagrespeto at pagtiyak na naibibigay sa
mamamayan ang kanilang mga batayang karapatan
8. Mga Batayang Katangian ng
Demokrasya
1. Ang demokrasya ay mayroong regular at patas na
halalan para sa mamamayang maaari nang bumoto
2. Hindi lamang ang karapatan ang hawak ng
mamamayan sa isang demokrasya kundi mayron
din itong responsibilidad
9. Ibat ibang uri ng Pamahalaang
Demokratido
Presidensyal
Ang kapangyarihang taglay ng pangulo ng bansa ay
limitado lamang sa kapangyarihang tagapagpaganap o
ehekutibo
Parlamentaryo
Punong ministro ang tawag sa pinuno ng ganitong uri
ng pamahalaan
Mas malawak ang kapangyarihan ng sangay ng
ehekutibo
10. Tungkulin ng Pamahalaan
Seguridad
Responsibilidad ng isang mabuting pamahalaan na
bantayan ang kanyang mga mamamayan at bansa
Kalayaang Pampolitika
Tinitiyak ng isang mabuting pamahalaan ang mga
karapatang pampolitika ng mamamayan
Kagalingang Panlipunan
Inaasahang magbalangkas at magpatupad ang
pamahalaan ng mga programa para sa kapakinabangan
at kabutihan
11. Tungkulin ng Pamahalaan
Kaunlarang Pang ekonomiya
Responsibilidad ng isang mabuting pamahalaan ang
pagpapaunlad sa kabuhayan ng mamamayan nito
12. Tungkulin ng Pamahalaan
Ang Pilipinas ay isang estadong demokratiko at isang
republika
Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang instrumento
ng patakarang pambansa
Ang kapangyarihang sibilyan ay mangingibabaw sa
militar sa lahat ng pagkakataon
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran
at pangalagaan ang mamamayan
13. Tungkulin ng Pamahalaan
Dapat tiyakin ng estado ang pagpapanatili ng kapayapaan at
kaayusan, at ang pangangalaga sa kaligtasan, kalayaan at
ari arian
Hindi dapat labagin ang paghihiwalay ng simbahan at estado
Dapat itaguyod ng estado ang isang malayang patakarang
panlabas
Sinusunod ng Pilipinas nang naaayon sa kapakanang
pambansa, ang patakarang malaya ang teritoryo ng bansa
mula sa pagkakaroon ng armas nukleyar
14. Tungkulin ng Pamahalaan
Dapat itaguyod ng estado ang makatuwiran at
dinamikong kaayusang panlipunan na titiyak sa
kasaganaan at kasarinlan ng bansa at magpalaya sa
sambayanan mula sa kahirapan
Dapat itaguyod ng estado ang katarungang panlipunan
sa lahat ng yugto ng pambansang pag unlad
Pinapahalagahan ng estado ang dangal ng bawat tao
at ginagarantiyahan ang lubos na pagrespeto sa mga
karapatang pantao
15. Tungkulin ng Pamahalaan
Kinikilala ng estado ang kabanalan ng buhay pamilya
at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang
saligang institusyong panlipunan
Kinikilala ng estado ang napakahalagang tungkulin ng
kabataan sa pagbubuo ng bansa
Kinikilala ng estado ang tungkulin ng kababaihan sa
pagbuo ng bansa
Dapat itaguyod at pangalagaan ng estado ang
karapatan sa kalusugan ng mamamayan
16. Tungkulin ng Pamahalaan
Dapat pangalagaan at isulong ng estado ang karapatan
ng sambayanan sa balanse at kanais nais na
ekolohiya
Dapat bigya prayoridad ng estado ang edukasyon,
agham, at teknolohiya, sining, kultura, at isports
Naninindigan ang estado na ang lakas paggawa ay
isang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng
lipunan
17. Tungkulin ng Pamahalaan
Dapat bumuo ang estado ng isang pambansang
ekonomiyang may kakayanang magsarili, malaya at
epektibong kinukontrol ng mga Pilipino
Kinikilala ng estado ang napakahalagang papel ng
pribadong sektor
Dapat itaguyod ng estado ang komprehensibong
pagpapaunlad ng kanayunan at ang repormang
pansakahan
18. Tungkulin ng Pamahalaan
Kinikilala at itinataguyod ng estado ang mga karapatan
ng mga katutubong pamayanan sa loob ng balangkas
ng pambansang pagkakaisa at pag unlad
Dapat pasiglahin ng estado ang mga organisasyong
pampamahalaan, pampamayanan, o sektoral na
nagtataguyod sa kagalingan ng bansa
Kinikilala ng estado ang napakahalagang papel ng
komunikasyon t impormasyon sa pagbubuo ng bansa
19. Tungkulin ng Pamahalaan
Dapat tiyakin ng estado ang awtonomiya ng
pamahalaang lokal
Dapat tiyakin ng estado ang pantay na pagbibigay ng
pagkakataon sa lingkurang pambayan
Dapat panatilihin ng estado ang pagiging matapat at
marangal ng lingkurang pambayan
Ipinapatupad ng estado ang patakarang lubos at
hayagang pagsisiwalat sa lahat ng mga transaksyon
nito