ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
TAYUTAY
- ito ay isang sinadyang
paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
- nagpapakita ng malikot na
imahinasyon ng isang
manunulat.
- maaaring nag-uugnay,
naghahambing, naglalarawan,
nagsasalin ng katangian o
gumagamit ng tunog sa
pagpapahiwatig ng mga
kahulugan.
Simili
-naghahambing ito ng dalawang magkaibang
bagay sa di-tuwirang paraan.
Gumagamit ng mga salitang tulad ng, mistula,
tila, kamukha ng, kawangis, anaki’y, at iba pang
kauri nito.
Halimbawa:
Siya ay katulad ng kandilang unti- unting
nauupos.
Ang tao ay gaya ng halamang nararapat
diligin.
Metapora
-naghahambing ito ng dalawang
magkaibang bagay sa tuwirang
paraan.
Halimbawa:
Ang ina ni Liza ay bituing tanglaw niya sa
landas ng buhay.
Si Cory ay isang ibong humanap ng kalayaan.
Alusyon
sumasangguni sa kasaysayan,
panitikan, politika, Bibliya, at iba
pang aspeto ng buhay.
Halimbawa:
Wala na yatang Maria Clara sa panahong
kasalukuyan.
Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking
nag-eehersisyo araw-araw.
Hayperbole
kalabisan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit
ng eksaherasyon.
Halimbawa:
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng
dalamhati.
Nabutas ang bambam ng tainga ni Gerry
dahil sa ingay.
Eksklamasyon
Isang paglalabas ng masidhing damdamin na
karaniwang ginagamitan ng tandang
padamdam.
Halimbawa:
Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan
kong sobrang kalungkutan!
Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo
Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
Oksimoron
Paggamit ito ng salita o lipon ng mga salita na
nagsasalungatan.
Halimbawa:
Nalulungkot ako sa pananalo mo sa
pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
Banal na demonyo
Personipikasyon
Nagsasakatawan o nagsasalin ito ng katangian
ng tao sa mga bagay na hindi buhay o hindi
tao.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng
hangin.
Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Onomatopiya
Paggamit ito ng mga salitang may
angkop na tunog.
Halimbawa:
Himutok na umaalingawngaw sa buong
gubat.
Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na
tinanggap.
Aliterasyon
Paggamit ng mga salitang
magkakasintunog ang mga unang
pantig.
Halimbawa:
Magagandang maya sa puno ng mangga
makikita silang masayang-masaya.
Dinggin mo ang Diyos na dinadakila
Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala.
Repitasyon
Pag-uulit ng mga salita o parirala upang
bigyang-diin ang isang punto.
Halimbawa:
Ito nga! Ito nga! Itong nga.
Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng
bayan?
Mga Uri ng Tayutay
Lumuhod ang langit
para sa kapayapaan.
Personipikasyon
Umaatungal ang langit
sa paparating na sigwa.
Onomatopiya
Namuti na ang mata ko
sa kahihintay sa iyo.
Hayperbole
Naglalakad siyang
parang namamasyal sa
buwan.
Simile
Nagliliyab ang mga
mata ng binata sa
kahahabol ng tingin sa
magandang babae.
Hayperbole
Kung minsan ang
kagandahan ay nasa
kapangitan.
Oksimoron
Ang kanyang mga
kamay ay yelong
dumampi sa aking
pisngi.
Metapora
Palabiro na palaboy sa
pamayanan kaya kilala
siya ng kanyang
pamilya.
Aliterasyon
Aking nadarama ang
kapighatian sa
pinapasan kong
sobrang kalungkutan!
Eksklamasyon
Ang kanyang
kagandahan ay
mistulang bituing
nagniningning.
Simili
Hanggang tainga ang
aking ngiti nang siya’y
aking nakilala.
Hayperbole
Ngumingiyaw ang pusa
sa ibabaw ng bubong.
Onomatopiya
Singsing, sapatos, susi,
at sinturon lamang ang
kanyang dala.
Aliterasyon
Walang alinlangang isa
siyang Ibarra na puno
ng pag –asang kanyang
maililigtas ang
kanyang bayan sa isang
ideyal na paraan.
Aliterasyon
Eksklamasyon
Ibigay mo sana ang
pagpapala Mo, sagipin Mo
Poon, malulunod ako!
Tik-tak ng orasan ay
naghahabulan
Onomatopiya
Personipikasyon
Ang mga tumakas ay
ikinulong na parang
mga sardinas sa piitan.
Simili
Lubos ang tuwa ko sa
pagdating ninyo
Mabuhay! Mabuhay!
Lalaya na ako!
Eksklamasyon
Huwan, O Huwan
bakit? O Bakit ba?
Repitasyon
Ikaw ang payong ng
aking buhay
Metapora
Gaya ng maamong
tupa si Jun kapag
nakagalitan.
Simili

More Related Content

Mga Uri ng Tayutay