際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Pagbasa at Pagsusuri ng
Ibat-ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik
G. JEFFREY A. LIWANAG
Guro
Ikalawang Semestre
Yunit 1: Introduksyon sa Akademikong
Pagsulat
Modyul 1: Ang Tekstong
Impormatibo
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong
 Matukoy ang mga paksang tinatalakay sa tekstong ipormatibo;
 Makilala ang mga bahagi ng tekstong impormatibo at mabatid kung paano
nakakatulong ang mga ito sa pagtukoy kung ang isang teksto ay nasa ganitong
anyo;
 Magamit ang tekstong impormatibo bilang pangunahing sanggunian ng mga
bagong impormasyon na magbibigay ng dagdag na kaalaman;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
Mga Layunin
Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na
ginamit sa tekstong binasa;
Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo;
Makasulat ng isang tekstong impormatibo gamit ang cohesive devise;
Makakuha ng mga angkop na datos upang mapaunlad ang isinusulat ; at
Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa ibat
ibang disiplina ng karungungan at sa tunay na buhay.
Modyul 1: Ang Tekstong
Impormatibo
Ito ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng
mahahalagang impormasyon o kaalaman, na may taglay na lohikal
na paghahanay ng mga kaisipan para sa lubusang pang-unawa.
Tumutukoy ang teksto sa anumang uri ng sulatin na mababasa
ninuman.
Isa rin itong tekstong nagagamit bilang pangunahing sanggunian ng
isang mananaliksik.
Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa isang
paksa.
Module-1-Tekstong-Impormatibo-1- pagbasa
ALAM MO BA?
Ang Wika ay nagmula sa Wikang Malay,
Samatalang ang Lengguwahe ay nagmula
naman sa Kastila. Ito ay nagmula sa salitang
Latin na Lingua na ang ibig sabihin ay Dila.
(Sanggunian: Komunikasyon sa Wika at
Kultura)
Ang Pink sa Filipino ay Kalimbahin.
(Sanggunian: UP Diksyunaryong
Filipino pahina 555)
Kapag pinagsama ang Tandang
Padamdam (!) at Tandang Pananong
ang tawag ay, Interrobang.(!?)
(Sanggunian: best life)
Ang puso ng hipon ay matatagpuan
sa Ulo.
(Sanggunian: everything about
shrimps http:IIaquarium breader.com)
Mga halimbawa ng Tekstong
Impormatibo
Diksyunaryo
Encyclopedia
Almanac
Pamanahong papel o pananaliksik
Syentipikong ulat
Balita sa pahayagan
Ang Tekstong Impormatibo
ba ay isang Piksyon o di
piksiyon?
Ayon kay Duke at Bennett-Armistead, 2003, ang
tekstong impormatibo ay di piksiyon. Ito ay bunga
ng maingat na pananaliksik at hindi nakabatay sa
sariling pananaw lamang o kathang-isip. Ang mga
katotohanan, datos at pangyayaring inilalahad nito
ay nakabatay sa mapagkakatiwalaang
sanggunian.
Limang (5) Uri ng Impormatibong Teksto
1. Tekstong prosidyural - nagbibigay ito ng mga panuto o
hakbang paano isakutuparan ang isang gawain o
kumpletuhin ang isang proseso. Naglalaman ang
tekstong prosidyural ng mga salitang kilos, salitang
nagsasaad ng pagkakasunod, pang-abay na pamanahon,
utos at salitang teknikal.
2. Tekstong nagpapaliwanag - may dalawang anyo ng
pagpapaliwanag sa pagkakaganap ng isang bagay  yaong
nagpapaliwanag kung (a) bakit at (b) paano nagaganap
ang isang bagay.
Isang halimbawa ng unang anyo ay ang tekstong
nagpapaliwanag kung bakit madalas daanan ng bagyo ang
Pilipinas. Sa ikalawang anyo naman kung paano naapektuhan
ang komersyalisasyon ang balanse ng kalikasan ng mga
hayop at halaman.
3. Tekstong Gumugunita  inilalahad ng tekstong ito kung
paano nagaganap ang isang pangyayari sa impormatibo o
nakakaaliw na paraan. Inilalahad nito ang mga pangyayari
ayon sa pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang
wakas.
4. Mga ulat  naglalahad ang ulat ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay sa paraang obhektibo. Nagbibigay
muna ito ng mga pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na
sinusundan ng mga talatang nagbibigay ng karagdagang-
paliwanag tugkol dito
5. Tekstong naglalarawan  nakatuon ang
tekstong ito sa mga katangian ng isang
bagay gaya ng detalye ng pisiklal na anyo,
amoy, tunog, lasa, hatid ng damdamin, at
iba pa.
Apat (4) na Bahagi ng
Tekstong Impormatibo
1. Panimula  naglalaman ito ng mga paksang
tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa
teksto. Maari ring magbigay sa bahaging ito
ng mga pahiwatig sa mga impormasyong
tatalakyin sa kabuuan ng teksto.
2. Katawan  dito inilalahad ang mga impormasyong
nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa paksa. Ito
ang bahaging nagpapaliwanag o nagpapalawak sa
paksa. Ang mga datos na binabanggit dito ay
obhetibo at nakabatay sa pag-aaral.
3. Kongklusyun  nilalagom sa bahaging ito ang
mahahalagang punto na nabanggit sa teksto . Dito
rin maaring talakayin ang halaga o implikasyon ng
mga impormasyong natalakay.
4. Talasanggunuian  iniisa isa rito ang mga
sanggunian pinababatayan ng teksto.
Pinatitibay nito ang kredibilidad ng mga
impormasyong inilahad. Kung hindi maglalagay ng
hiwalay na talasanggunian, maari ring nasa katawan
mismo ng teksto ang mga sanggunian ginamit gaya
ng pagtukoy sa isang aklat dyornal o sinangguni,
taon ng pagkakalimbag, at pangalan ng may akda.
Maghanda para sa
unang gawain.
Module-1-Tekstong-Impormatibo-1- pagbasa

More Related Content

Module-1-Tekstong-Impormatibo-1- pagbasa

  • 1. Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik G. JEFFREY A. LIWANAG Guro Ikalawang Semestre
  • 2. Yunit 1: Introduksyon sa Akademikong Pagsulat Modyul 1: Ang Tekstong Impormatibo
  • 3. Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong Matukoy ang mga paksang tinatalakay sa tekstong ipormatibo; Makilala ang mga bahagi ng tekstong impormatibo at mabatid kung paano nakakatulong ang mga ito sa pagtukoy kung ang isang teksto ay nasa ganitong anyo; Magamit ang tekstong impormatibo bilang pangunahing sanggunian ng mga bagong impormasyon na magbibigay ng dagdag na kaalaman; Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
  • 4. Mga Layunin Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa tekstong binasa; Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo; Makasulat ng isang tekstong impormatibo gamit ang cohesive devise; Makakuha ng mga angkop na datos upang mapaunlad ang isinusulat ; at Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa ibat ibang disiplina ng karungungan at sa tunay na buhay.
  • 5. Modyul 1: Ang Tekstong Impormatibo Ito ay isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o kaalaman, na may taglay na lohikal na paghahanay ng mga kaisipan para sa lubusang pang-unawa. Tumutukoy ang teksto sa anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman. Isa rin itong tekstong nagagamit bilang pangunahing sanggunian ng isang mananaliksik. Naglalahad ito ng mga bagong punto o kaalaman tungkol sa isang paksa.
  • 7. ALAM MO BA? Ang Wika ay nagmula sa Wikang Malay, Samatalang ang Lengguwahe ay nagmula naman sa Kastila. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Lingua na ang ibig sabihin ay Dila. (Sanggunian: Komunikasyon sa Wika at Kultura) Ang Pink sa Filipino ay Kalimbahin. (Sanggunian: UP Diksyunaryong Filipino pahina 555) Kapag pinagsama ang Tandang Padamdam (!) at Tandang Pananong ang tawag ay, Interrobang.(!?) (Sanggunian: best life) Ang puso ng hipon ay matatagpuan sa Ulo. (Sanggunian: everything about shrimps http:IIaquarium breader.com)
  • 8. Mga halimbawa ng Tekstong Impormatibo Diksyunaryo Encyclopedia Almanac Pamanahong papel o pananaliksik Syentipikong ulat Balita sa pahayagan
  • 9. Ang Tekstong Impormatibo ba ay isang Piksyon o di piksiyon?
  • 10. Ayon kay Duke at Bennett-Armistead, 2003, ang tekstong impormatibo ay di piksiyon. Ito ay bunga ng maingat na pananaliksik at hindi nakabatay sa sariling pananaw lamang o kathang-isip. Ang mga katotohanan, datos at pangyayaring inilalahad nito ay nakabatay sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
  • 11. Limang (5) Uri ng Impormatibong Teksto 1. Tekstong prosidyural - nagbibigay ito ng mga panuto o hakbang paano isakutuparan ang isang gawain o kumpletuhin ang isang proseso. Naglalaman ang tekstong prosidyural ng mga salitang kilos, salitang nagsasaad ng pagkakasunod, pang-abay na pamanahon, utos at salitang teknikal.
  • 12. 2. Tekstong nagpapaliwanag - may dalawang anyo ng pagpapaliwanag sa pagkakaganap ng isang bagay yaong nagpapaliwanag kung (a) bakit at (b) paano nagaganap ang isang bagay. Isang halimbawa ng unang anyo ay ang tekstong nagpapaliwanag kung bakit madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas. Sa ikalawang anyo naman kung paano naapektuhan ang komersyalisasyon ang balanse ng kalikasan ng mga hayop at halaman.
  • 13. 3. Tekstong Gumugunita inilalahad ng tekstong ito kung paano nagaganap ang isang pangyayari sa impormatibo o nakakaaliw na paraan. Inilalahad nito ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang wakas. 4. Mga ulat naglalahad ang ulat ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay sa paraang obhektibo. Nagbibigay muna ito ng mga pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na sinusundan ng mga talatang nagbibigay ng karagdagang- paliwanag tugkol dito
  • 14. 5. Tekstong naglalarawan nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang bagay gaya ng detalye ng pisiklal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid ng damdamin, at iba pa.
  • 15. Apat (4) na Bahagi ng Tekstong Impormatibo 1. Panimula naglalaman ito ng mga paksang tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teksto. Maari ring magbigay sa bahaging ito ng mga pahiwatig sa mga impormasyong tatalakyin sa kabuuan ng teksto.
  • 16. 2. Katawan dito inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa paksa. Ito ang bahaging nagpapaliwanag o nagpapalawak sa paksa. Ang mga datos na binabanggit dito ay obhetibo at nakabatay sa pag-aaral. 3. Kongklusyun nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto na nabanggit sa teksto . Dito rin maaring talakayin ang halaga o implikasyon ng mga impormasyong natalakay.
  • 17. 4. Talasanggunuian iniisa isa rito ang mga sanggunian pinababatayan ng teksto. Pinatitibay nito ang kredibilidad ng mga impormasyong inilahad. Kung hindi maglalagay ng hiwalay na talasanggunian, maari ring nasa katawan mismo ng teksto ang mga sanggunian ginamit gaya ng pagtukoy sa isang aklat dyornal o sinangguni, taon ng pagkakalimbag, at pangalan ng may akda.