20. Ang nobela ay isang mahabang kathang
pampanitikan. Naglalahad ito ng mga
pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas.
Pinakapangunahing sangkap nito ang
pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang
masining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkakasunod at
magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay
nakatutulong sa pagbuo ng matibay at
kawili?wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.
21. Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting
Manual ni Ricky Lee, may mga bagay tayong
dapat bigyang-pansin sa epektibong pagsusuri o
ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-
uusapan;
2. unawain ang major concepts ng materyal; at
3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa
istorya upang malaman ang pangunahing paksa
nito.
22. May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon
sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M.
Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay,
pagtutulad, at pag-iiba-iba; at
3. pagbibigay ng halimbawa.
23. Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay
upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga
ito ay ang pang-angkop na na, -ng, at -g. Ginagamit ang
na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang -g namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at
ginagamit naman ang -ng sa mga salitang aangkupang
nagtatapos sa patinig.
Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang,
at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa
mahusay na pagpapaliwanag.