1. MON LEON
(maikling kuwento)
Akda ni : Olegario Toledana
Noong unang panahon sa isang liblib na pook ng Tinambac, mayroong isang lalaking
nagngangalang Leonardo ang namamasyal sa kagubatan, at ang diwatang nagbabantay
sa gubat na Alena ang pangalan ay umibig sakanya. subalit nabigo ito kay
Leonardo sapagkat may ibang mahal ito, yun ay si Monalisa. Nagalit si Alena
sapagkat hindi ito tumatanggap ng pagkabigo.
Sa galit ay isinumpa nito si Monalisa isang gabing tirik na tirik ang bilog na
buwan.
Ikaw babae..
Maghihirap ka sa iyong panganganak,taong leon ang iyong iluluwal at ikaw ay
mamamatay..
At tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka naglaho sa karimlan ng gabi.
Natakot ang mag-asawa sa sumpa ni alena kung kaya pinuntahan nila ang lahat ng
albularyo sa Nayon subalit wala sa kanilang nakatulong. Umalis sila sa Nayon at
nagpakalayo layo. Nanirahan sila sa nakababatang kapatid ni Leonardo na si Jana.
Lumipas ang mga taon, masayang nag sama sina Monalisa at Leonardo, at naganap
ang sinabi ng diwata at nabuntis nga si Monalisa.
Ah!!! Leonardo, manganganak na yata ako...
Ha...?, teka tatawag ako ng hilot, Jana bantayan mo ang ate Mona mo, tatawagin
ko lang si Aleng Rosita
Sige po kuya! Bilisan mo po...
Dumating ang mga sandali dumating sina Leonardo at si Aleng Rosita at sinimulan
ang pagpapa-anak kay Mona. Habang nagsasagawa ng Operasyon ang hilot ay lumabas
muna si Leonardo, at doon niya muling nasilayan si Alena sa may di kalayuan
nakatawa.
Hindi niya ito pinansin hanggang sa narinig niya ang sigaw mula sa loob ng bahay
ay dali-dali siyang pumasok upang alamin ang kalagayan ng kanyang asawa.
Aleng Rosita ano pong nangyari?,bulalas niya
Impakto,Impakto,Impakto ang anak nyo Leonardo, Impakto!!! Nagsusumigaw na
pahayag ng matanda
Huh? Gulat na tanung ni Leonardo at napatingin sa bata, hindi ito bata kundi
isang Leon
Tatakbo na sana palabas ang hilot at si Jana nang bigla silang harangin ni
Leonardo
Teka! Pagpipigil niya.
Aleng Rosita Pakiusap po wag nyong ipagsabi ito. At wag po ninyong iwan ang
aking asawa sapagkat kailangan ka po niya. Pakiusap po Aleng Rosita, Pakiusap
po... Pagmamakaawa niya.
Papalitpalit ng tingin ang matanda sa bata at kay Leonardo... Sa makalipas na
isang minuto ay nagdisisyon rin ang matanda.
Segi papayag ako. Subalit ano ang plano mo sa anak nyo? Dilikado kung bubuhayin
mo yan.
Ipinapangako ko po aleng Rosita na lalaki siyang normal na tao sapagkat
papalakihin ko siya sa magagandang asal at mabuting kalooban.
Ikaw ang bahala subalit ito lang ang sasabihin ko. Dilikado ang gagawin mo
Leonardo.
Salamat po!!! At tumungo sa tabi ng asawat anak.
Lumipas ang mga panahon lumaki si Moleo na palihim ang tunay na pagkatao subalit
sa pagtungtung niyang sampung taong gulang ay nagsimula na siyang magpapalit
2. palit nang anyo, kung kaya alam na niya ang kanyang pagkatao.
Isa na siyang binata noon at lagi niyang kasama ang kanyang tita Jana at ang
kaibigan niyang si Loida. Madalas siyang pumunta sa bahay nina aleng Rosita kaya
di malayong mahulog ang loob ni Junmar sa kanya.
Si Junmar ay ang binabaing kapatid ni Loida na anak ni aleng Rosita. Mula nang
magkaisip ay nagi nang matalik na magkaibigan sina Moleo at Loida, at nang sila
ay high school na ay nakilala ni Loida si Christian isang Chickboy sa Maynila.
Nabighani ito sa kagandahan ni Loida kung kaya di nito mapigil ang sarili na
mainis kay Moleo sapagkat ito ang laging kasama ng dalagang iniibig niya.
Para namang loka-loka itong si Junmar sa pagpapapansin kay Moleo, dead na dead
talaga ito kay Moleo kaya naman madalas biroin ni Jana at Loida si Moleo.
Uy! Moleo...tukso ni Jana
Wag mong paiiyakin ang kapatid ko ha!.. Dugtong naman ni Loida at humalakhak ang
dalawa.
Hay naku! Tigilan nyo nga ako,,, pag gaganti ni Moleo
Hoy! Loida pagsabihan mo nga yong kapatid mo, nakakahiya kaya sa mga classmate
natin! Padamdam na sugpong niya.
Ayaw ko nga... Sumbat ni Loida at muling humalakhak.
Isang dapit hapun maagang lumabas ang bilog na buwan, pauwi na sina moleo kasama
ang tita Jana niya at si Loida. Habang naglalakag ay nakaramdam siyang kakaiba
sa kanyang katawan, naramdaman niyang lumalaki ang katawan niya, pumupula ang
buhok at humahaba ang mga kuko. Napatigil siya sa paglalakad.
Moleo bakit? Nagtatakang tanong ni Jana
Ahh! Wala po tita.. Tugon niya
Naku! Kailangan ko na pong magmadali, segi po tita mauna na po ako..sabay takbo.
Anung nangyari don? Gulat na tanong naman ni Loida.
Ewan! Gulat ding tugon ni Jana
Pag dating ni Moleo sa bahay nila napansin ni Leonardo ang pagmamadali ng anak.
Oh! Anak maaga ka atang umuwi ngayon? Pananahilan ng ama.
Ngunit hindi siya nito tinugon at tumuloy-tuloy sa kanyang silid. Napansin ni
Leonardo ang kaunting pulang buhok ng anak sa may likuran.
Malamang magpapalit anyo nanaman ang anak ko... Naibulong niya sa sarili, sabay
sinundan ang anak ngunit nang makarating ito sa tapat ng silid ni Moleo ay
narinig niya ang malakas na ungol ng Lion. Ninais niyang buksan ang pinto ngunit
na isip niyang makakabuting hayaan na muna niya ito. Bumalik na siya sa kusina
upang maghanda ng kanilang hapunan at pagtagal ay dumating na rin si Jana.
Kung buhay lang sana si Mona di sanay hindi ako ang nag luluto rito...Habang
nag hahanda ay naisip ni Leonardo.
Si Monalisa ay namatay isang araw mula ng mailuwal si Moleo. Ilang sandali pa
ang lumipas ay bumaba na si Moleo mula sa kanyang silid.
Oh! Kumusta na ang pakiramdam mo? Bulalas ni Leonardo sa anak
Ok lang naman po itay... Tugon ni Moleo sa malumanay na boses
Oh syat halika na. Sumabay ka na sa amin ng tita Jana mo.
Ano pong ulam itay?
Siyempre tulad kanina!
Nanaman? Kapag ganyan uli ang ulam bukas di na ako kakain.
Pasensya ka na anak kasi di pa ako nakaka punta ng palingke eh.
Ayus lang po itay. Gusto mo tay kami na lang ni tita ang mamamalingke?
Talaga?
Oo naman po..
Wag na ako na lang.
Hindi na sumabad si Moleo sapagkat alam nya ang ibig sabihin ng kanyang ama.
Nang mga sumunod na araw naiba na rin sawakas ang ulam nila.
3. Linggo noon ng pumonta si Moleo kina Loida upang yayaing mag simba.
Tao po!!! Aling Rosita... Tawag niya
Oh! Moleo andyan kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Loida. Paliwanag ng
matanda.
Mula sa taas ay narinig niya ang magkapatid na ani moy nag-aaway.
Te! Sasama ako! Segi na te oh! Please. Ang pakikimaawa ni Junmar.
Wag na, hindi naman pagsisimba ang hangad mo eh! Pagtututol ni Loida.
Ah basta sasama ako! Nay kasi oh si ate ayaw akong isama. Pag mamaktol ni
Junmar.
Hay naku Anak! Isama mo na at di ka rin naman niyan titigilan. Ani ng Ina.
Segi! Pero wag na wag kang makakamaling mag binowang ha! Okay. Sumbat ni Loida
sa kapatid.
Okay! Fine! Pag sang ayun ni Junmar.
Pagkatapos ng misa.
Papauwi na si Moleo, naramdaman niya nanaman ang pagbabago ng kanyang katawan.
Naramdaman nya ring may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang tumago sa ilalim ng
kagubatan at hindi na niya napigilan ang pagbabagong anyo, at ito ay nasaksihan
ni Christian sapagkat ito pala ang sumusunod sa kanya upang kausapin sya
tungkol kay Loida.
Si Moleo isang taong lion? Gulat na tanung sa kanyang sarili.
Di nagtagal ngumiti ito na parang dimonyo, nanlalaki ang mata, abot tinga ang
ngiti.
Ngayon alam ko na ang sekreto mo Moleo!!! Humanda ka !
Sabay takbo papalayo.
Habang papauwi si Christian iniisip niya ang nalaman niya kay moleo.
Kaya pala kapag bilog ang buwan at niyayaya namin ay hindi siya sumasama dahil
may sa impakto pala ang mukong na yon.
Alam na kaya ni Loida na nag aanyong Lion si Moleo?
Sa tingin ko hindi pa. Dahil kung oo bakit pa siya makikipakaibigan sa impaktong
yon.
Kinaumagahan tinawagan ni Christian ang kayang pinsan sa karatig nayon.
Nabalitaan kasi niya na magbubukas ito ng Perya doon at naisip niyang nababagay
doon si Moleo. Hindi siya pumasok sa paaralan sapagkat nakipag-usap siya sa
kanyang pinsan. At nang magkasundo na ang magpinsan ay tinipon ni Christian ang
kayang mga katropa at kinausap.
Mga tol humanda kayo mamayang gabi..
Bakit chris may reresbakan ba?
May huhulihin tayong malaking hayop
Hah?
Di man nila naintindihan ang pahayag ni Christian ay sumang-ayun ang mga ito. At
kina gabihan habang nakatirik ang bilog na buwan at papauwi si Moleo galing sa
bayan ay napansin niyang may nakasunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan kung
kaya naman ay nagmadali siya sa pag lalakad subalit sa unahan ay hinarang na
siya ng isang naka maskarang lalaki at itinakip sa kanya ang panyong may
pangpatulog.
Nagising si Moleo na nakatakip ang mga mata, nakatali ang kamay at paa. Panay
ang sigaw niya at paghingi ng tulong subalit wala ni isa man ang duminig sa
kanya. Samantala ang ama niya na si Leonardo at ang kapatid nito na si Jana ay
4. nagpatulong na sa paghahanap sa kanya at sa pag aalala ay di naiwasang sisihin
ng makapatid ang kanilang sarili sa pagkawala ni Moleo.
Sa pagsapit ng tanghali ay narinig ni Moleo ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa
labas.
Anu insan nahuli nyo ba?
Oo naman insan ako pa.
Oh paano yan yung usapan natin!
Oo naman wag kang mag alala hito at dala ko.!
Ayus..
Pakatapos ng pag uusap ay tumungo ang dalawa sa silid kung asaan si Moleo.
Sino kayo? Anung kailangan nyo sa akin? Pagtatanong niya.
Wag ka nang dumaldal at di mo na kailangan pangako ay makilala. Sagot ni
Christian at muling pinatulog si Moleo at ibinigay sa kanyang pinsan na si Carlo
upang idala sa Perya.
Dalawang araw nang naghahanap sina Leonardo kay Moleo subalit hindi nila ito na
tagpuan hanggang sa may marinig silang usap-usapan ng ilang ale sa bayan.
Naka punta kana ba mare sa Perya sa karatig nayon natin?
Dipa nga eh...
Punta tayo mamaya may taong lion daw doon eh..
Totooba yon mare.? Baka costume lang naman!
Ewan pero paano natin malalaman kung di natin makikita diba!
Oo nga nu! Segi punta tayo mamaya.
O segi!
Nang marinig ito ng magkapatid ay inisip nilang si Moleo ang sinasabing taong
lion at agad nilang inalam kung saan matatagpuan ang Perya sa karatig nayon.
Samantala sa mga oras na iyon ay naisipang dalawin ni Christian si Moleo sa
Perya at bigla siyang dinatnan nang awa at kunsensya nang makita ang kalagayan
ni moleo. Walang saplot sa katawan, nak akulong sa malaking silda naka kadena
ang mga kamay at paa. At ang masaklap pa ay may lata ng latigo at may pasa sa
mukha si Moleo.
Nang mataohan si Christian ay tumungo sa pinsa at kinausap ito.
Insan anung ginawa ninyo kay moleo?
Eh nagmamatigas eh!
Pero wala ito sa napag- usapan natin.
Eh anu ngang magagawa ko insan eh nag mamatigas nga ayaw magtrabaho. At saka
Perya ito nag babayad ako ng malaki kaya kailangan ko ring kumita nang malaki.
At isa pa baka nakakalimutan mo ibinenta mo na siya sa akin at binayaran kita sa
gusto mung halaga 20,000 yun insan.
Kung ganun babawiin ko na sya.
Anu ako loko-loko? Diko na sya ibibigay sayo. Hahaha!
Di nga na bawe ni Christian si Moleo sa kamay ng kanyang pinsan at dahil doon ay
mastumindi pa ang kanyang kunsensya. Kinagabihan bilog na bilog ang buwan.
Inihahanda na ang palabas sa Perya. Habang abala ang lahat ay pinuntahan ni
Christian si Moleo at tinangkang itakas ito.
Moleo gising.
Nang marinig ito ni Moleo ay dali dali itong bumangon at nagulat nang makita si
Christian.
A anung ginagawa mo dito? Baka mahuli ka nila!
Moleo patawarin mo ako.
Hah? Bakit?
Ako ang dahilan kung bakit ka andito. Ipinagbili kita sa pinsan ko ng malaman
kong isa kang taong lion at para mawala ka sa tabi ni Loida kaya ko nagawa ito.
Anu? Ikaw? Pero paano?
5. Patawad Moleo! Patawad! Pero wag kang mag alala andito ako para iligtas ka.
Ako ililigtas mo? Paano?
Heto ang susi. Halika at kakalasan kita.
Habang kinakalasan ni Christian si Moleo napansin ni Carlo na nawawala ang susi
kung kaya dalidali siyang pumonta sa likod ng tanghalan upang tingnan si Moleo
ngunit naka alis na ito. Subalit sinundan niya parin ito sa labas.
Nang mga oras ding yun ay nanghihina na si Moleo dulot ng mga pasa at latay ng
latigo sa kanyang katawan. At habang silay nasa daan ay narinig nila ang sigaw
ni Carlo.
Christian... Ibalik mo saakin ang kinuhamo..
Bilis na Moleo at baka ma abotan tayo ni Carlo.
Iwan mo na ako Chris nang hihina na ako. Di ko na kayang tumakbo..
Anu ka ba Moleo di kita iiwan dito. Halika na
Hindi nag laon ay tumumba si Moleo at naging lion. At inabot nga sila ni Carlo.
Sina sabi ko na nga bat ikaw ang kumuha sa taong lion ko.
Di mo siya pag aari.
Anu? Hindi? Mataohan ka nga Chris. Ibininta mo sya sa akin at binayaran kita
kaya pag-aari ko na sya.
Dika tumupad sa usapan..
Binayaran na nga kita diba! Kaya bahala na ako kung ano ang gagawin sa kanya. At
tsaka kasalanan ko ba kung matigas ang ulo ng lion na yan?
Hindi ko siya ibibigay sayo.
Ah ganun segi pero lasapin mo to..
At bumunot ng baril si Carlo at ipinutok kay Christian subalit hinarang ni Moleo
ang bala kung kaya ito ang tinamaan sa dibdib.
Puputokan pa sana ni Carlo si Christian subalit dumating ang mga pulis kasama
sina Leonardo, Jana, Loida, Aleng Rosita, at si Junmar.
Ayus kalang ba Chris?
Bakit mo tinatanung kung ayus lang ako? Ikaw ang dapat tanungin ko nyan.
Alagaan mo si Loida ha!
Anu bang pinagsasabi mo? Di ka Mamamatay dadalhin ka namin sa ospital.
Wag na.
Sabay nalagutan ng hininga si Moleo.
Tulong... Sigaw ni Christian
At nakalapit na rin ang hindi makapaniwalang ama na si Leonardo.
Niyakap ng mahigpit ang anak at sunod sunod na nagtanung.
Bakit kailangang umabot sa ganito? Binawe mo na ang asawa ko bakit pati anak ko?
Bakit di nalang ako ang kunin mo? Bakit?
Isang sandali pa ay lumiwanag ang buong lugar at kanilang nasilayan ang
napakagandang dilag na nakalutang sa hangin at yun ay ang diwatang si Alena.
Bina bawe ko na ang sumpa sa iyong anak Leonardo sapagkat napatawad na kita.
Aking napagtanto na mali ang aking ginawa. Sapagkat nalaman kung ang nagmamahal
ay handang magparaya at magbuwis ng sariling buhay para sa iba.Sana ay patuloy
kayung magmahalang mga tao, alisin ang ingit sa inyong mga puso at patuloy na
magpakumbaba upang patuloy rin kayong mabuhay nang mapayapa.
At pagkaraan ay naglaho na ang diwata. Nagliwanag ang buong katawan ni Moleo,
nawala ang mga sugat,pasa at latay sa katawan niya at muli siyang nabuhay ng
gabing iyon. Natuwa ang lahat at na hawi ang mga luha sa mga mata ng bawat isa
ng kanilang muling masilayan na si Moleo ay muling nabuhay.
Kina umagahan ay naging maayus na ang lahat. Naging normal na tao si Moleo,
6. naging magkasintahan sina Loida at Christian, nakulong si Carlo, at naging
matalik na magkaibigan sina Moleo at Christian. Subalit mayroong di nagbago at
yon ay ang pagpapantasya ni Junmar kay Moleo.
7. naging magkasintahan sina Loida at Christian, nakulong si Carlo, at naging
matalik na magkaibigan sina Moleo at Christian. Subalit mayroong di nagbago at
yon ay ang pagpapantasya ni Junmar kay Moleo.