Nilalaman nito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa makaagham na pag-aaral ng pagbuo ng salita.
1 of 2
Downloaded 24 times
More Related Content
MORPOLOHIYA.pdf
1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
MORPOLOHIYA
KAHULUGAN
Ang morpolohiya (palabuuan) ay isang bahagi ng lingguwistika na sumusuri sa
kahalagahan ng morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita.
Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng mga pinagsamang mga tunog. Kung ihahambing ito sa ponema ay kakaiba sa
dahilang tinutukoy nito ang pinakamaliit na yunit ng salita na may angking sariling kahulugan;
subalit ang ponema ay nagsaad na ito’y pinakamaliit na tunog na makahulugan.
Pansinin ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng mga salitang-ugat at ng salitang-ugat na
mayroong panlapi:
• talion (katutubo o pinaunlad na kakayahan )
matalino (maraming talion o talent)
• bulaklak (ang bumukadkad na usbong ng halaman)
mabulaklak (maraming bulaklak)
• bahay (tahanan o tirahan)
pambahay (para sa bahay, maaaring gamit o tao)
Ang paghahambing sa itaas ay nagpapatunay na maliit o malaki mang bahagi ng salita o
ang mismong salita ay nagtataglay ng kahulugan. Ang pinakamaliit na bahagi o yunit na isang
salitang ito ay ay tinatawag na morpema. Mula sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha
naman sa salitang Griyego morph (anyo o yunit) + - eme (kahulugan). Ang ibigsabihin ng
pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaaring pang mahati nang hindi
masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o panlapi.
2. • talino – matalino
• bulaklak – mabuklaklak
• bahay – pambahay
Lahat ng kahulugan at anyo ng salita ay nagkakaroon ng pagbabago nang ang panlapi ay
idinagdag. Samakatuwid, nagkaroon ng pagbabagong morpoponemiko nang, ang isang maliit na
bahagi ng salita (o morpema) ay nabago dahil samga nakapaligid dito.
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na
kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang
aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila
City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon
City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.