1. MUNTING PAGSINTA
mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin- anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin
Yesügei- ama ni Temüjin
Borte- isang dalaginding na taga ibang tribo
Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na
mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko
sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan.Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si ama…
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali?
Temüjin: Bakit ama?
Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay-.
patay. Mahalaga ang ating sasadyain.
Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba
iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay
dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa.
Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay
sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka
na ng babaing pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang
simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong
siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili
ng babaing mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon
2. ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y
makababawi sa kanila.
Temüjin: Sa tingin mo ba ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon
nang ganoon na lamang.
Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas
mabuting may gawin akong paraan kaysa sa wala.
Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.
Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo.
Temüjin: Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na
si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang
kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin.
Borte: Aaay! May magnanakaw!
Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala
akong gagawing masama.
Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako
kang hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako.
masama (Habang dahan- dahang inaalis ang kamay sa bibig ni
Borte.)
Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Temüjin: Kahit di mo ako kilala kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo).
3. Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan natin.
Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi)
Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala
ang tatawa.
Temüjin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Temüjin: Nais ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang
babaing mapangasawa ko.( Mababa ang tono)
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temüjin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko
sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit
upang pumili ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko,
ikaw ang pinipili ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman
pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay
pakakasal na tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman
kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige
na nga.
Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisi sa iyong desisyon.
Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?
Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin
kay Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa
iisang bubong. Magkatuwang na aarugain ang ating mabubuting
4. anak.
Borte: Matagal pa iyon.
Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika
puntahan natin si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.)
Tagpo:Magkahawak kamay na naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa
ama kay Yesügei na kanilang makikita na nakatunghay sa ilog.
Temüjin: Ama!
Yesügei: (Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa
kanilang kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo?
Yesügei: Pero…
Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y
maunawaan n’yo po ako.
Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na
titingnan si Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga
magulang mo Borte.
Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama’y naglakbay
pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis
Khan.)