際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG
MGA DUKHA
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Lahat:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, purihin ka magpakailanman! At Purihin
din ang nagsugo sa iyo sa amin! Dahil sa iyong pinagmulan, sa iyong
ginawa ngayon sa amin at sa gagawin pa sa haharapin, kami at lahat
ng susunod sa amin, ay nag-ukol sa iyo ng aming pananampalataya at
panalangin. Ikaw ay aming takbuhan gaya ng ipinahayag mo sa
Banneux: Tagapamagitan ng lahat biyaya, Ina ng Mananakop, Ina ng
Diyos, Maawain at Makapangyarihang Ina ng nagma-mahal sa mga
maysakit, nagpapaginhawa sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga
naghihirap, nagliligtas sa mga tao at mga lipunan, Reyna at Ina ng
lahat ng bansa, na naparito upang patnubayan ang mga naaampon sa
iyo upang ilapit kay Hesus ang tunay at kaisa-isang bukal ng buhay na
walang hanggan. Mahal na Birhen ng mga Dukha, nananalig kami sa
iyo, manalig ka rin sa amin.
PAGSISISI
Lahat:
Panginoon kong Hesukristo, Dios na totoo at tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang
loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo.
Ikaw nga ang Dios ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko nang higit
sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo,
at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko.
Umaasa akong patatawarin mo rin ako alang-alang sa iyong mahal na
pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.
UNANG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
Ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na
muling mauuhaw. Itoy magiging isang bukal sa loob niya,
babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. (
Jn. 4:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa
bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang
mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay
Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati )
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGADUKHA
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak, na tumutubos sa sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Diyos Espititu Santo, maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos,
maawa ka sa amin.
Santa Maria, ipinalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos, ipinalangin mo kami.
Santang Birhen ng mga Birhen,
ipanalangin mo kami.
Ina ni Kristo, ipanalangin mo kami.
Inang puspos ng biyaya ng Diyos,
ipanalangin mo kami.
Ina ng Mananakop, ipinalanagin mo kami.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
akayin kami kay Jesus, bukal ng biyaya.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
iligtas ang lahat ng bansa.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
lunasan ang mga maysakit.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
tulungan ang mga naghihirap.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
ipagdasal ang bawat isa sa amin.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
kamiy sumasampalataya sa iyo.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
taimtim kaming nagdarasal.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
pagpalain mo kami.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, salamat sa iyo.
Mapagpagaling sa mga maysakit,
ipanalangin mo kami.
Tanggulan ng mga makasalanan,
ipanalangin mo kami.
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati,
ipanalangin mo kami.
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
ipanalangin mo kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
- Pakinggan mo po kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng
sandaigdigan.
- Pakapakinggan mo kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng
santinakpang langit.
- Kaawaan mo po kami.
MANALANGIN TAYO
Lahat:
Mahal na birhen ng Banneux, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Birhen
ng mga Dukha, yayamang ipinangako mong mananalig sa iyo. Ikaw
ang aming pag-asa. Buong awa mong dinggin ang aming mga
panalanging ayon sa iyong kalooban. Ito ang mga
sumusunod: (Banggitin natin ang ating mga pagsamo)
Ipagkaloob mo sa makasalanan ang iyong masaganang
pananampalataya at sa mga dukha ang kanilang pagkain araw-araw.
Lunasan mo sana ang mga maysakit, dulutan ng ginhawa ang mga
naghihirap, at ipanalangin ang kaharian ni Kristong Hari ay lumaganap
sa lahat ng bansa. Amen.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
IKALAWANG ARAW
Namumuno.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
Ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na
muling mauuhaw. Itoy magiging isang bukal sa loob niya,
babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
(Jn. 4:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa
bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang
mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay
Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin.
IKATLONG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. (Mt. 5:3)
MAGNILAY
Panalangin:
Ina ng Dios, minarapat mong taglayin ang pangalang Birhen ng mga
Dukha sa bayan ng Banneux. Ilayo sa aking puso ang paghilig sa mga
bagay na makalupa. Ipagkaloob ang lahat kong pangangai-langan at
naway mabatid ko na ang lahat ay nagmumula sa Dios. Turuan mo
akong tanggaping masaya ang lahat ng ipadala sa akin. Naway
lumayo ako sa lahat ng makalalabag sa kanyang kalooban at dulutan
ako ng lahat ng makakalapit sa Kanya, aking Mananakop at Ama.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAAPAT NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
Kayoy ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na
nakatayo sa ibabaw ng burol.. (Mt. 5:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ang mensahe mo ay ukol sa lahat ng
bansa. Inaanyayahan mo ang lahat ng bansa na magtungo sa iyong
bukal na si Kristo, Mananakop at Pinuno ng Sangkatauhan. Loobin
mong ang lahat ay magkaisa bilang mga kapatid sa Panginoon. Naway
makita ko sa bawat isa at sa lahat ang larawan ng Dios na ating Ama.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKALIMANG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN
MARCOS
At tinuruan niya ang mga tao, sinabi niya, Nasusulat, ang aking
bahay ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa Ngunit
ginawa niyang pugad ng mga magnanakaw. (Mk. 11:17)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo ang hangaring
magkaroon ng Kapilya upang ang Eukaristia, bukal ng lahat ng biyaya
ay parangalan. Tuluyan mo akong lumapit nang may pananampalataya
at pag-ibig at turuan akong ialay ang sarili sa Ama na kaisa ni Jesus sa
ikapagiging banal ng sanlibutan.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin.
IKAANIM NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan
sa inyong pasanin, at kayoy pagpapahingahan ko. (Mt. 11:28)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinangako mo na lulunasan mo ang
mga nagdurusa. Ipagkaloob mo sa akin ang lakas na mapagtiisan ang
lahat ng hirap upang maging lalong banal at ganap. Tanglawan ang
aking isip tungkol sa mahalaga at banal na bunga ng pagtitiis at turuan
akong maging maligaya sa gitna ng aking mga hirap. Tulungan akong
lunasan ang hirap ng kapwa sa bisa ng ating kagandahang loob at
malasakit sa kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAPITONG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din
kayo sa akin. (Jn. 14:1)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo: Sumampalataya ka
sa akin, akoy sasampalataya sa iyo. Kung matatag ang aking
pananam-palataya sa salita ni Jesus, ang Panginoong Dios ay gagawa
ng mga dakilang bagay sa atin. Mahal na Ina, ipagkaloob mo sa akin
gayong matibay na pananampalataya. Turuan akong laging maalala
na akoy nasa harap ng Dios sa lahat ng pangyayari sa araw-araw at
magdasal ng may matibay na pananalig.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAWALONG ARAW
Namumuno:
PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA
TAGA-EFESO
Ang lahat ng itoy gawin ninyo sa pamamagitan ng bawat uri ng
panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng
pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu kayat lagi kayong maging
handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng
Diyos. (Eph. 6:18)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, makaitkatlo mo akong pinapayuhan ng
magdasal nang matagal. Sa bayan ng Bannuex, marubdob mong
itinuro na kung walang panalangin, walang pamumuhay 
Kristiano. Mahal na Ina, turuan mo akong magdasal, manalanging may
matatag na pananampalataya upang palaga-napin ang mga aral ng
Ebanghelio. Akayin mo ako na dumulog tuwina sa Eukaristia upang sa
pamamagitan ng Tinapay na makalangit ay magkaroon ako ng tapang
at lakas na magbalik- loob. Ako sanay maging maawain at
mapagpaumanhin sa kapwa upang palaganapin ang kasiyahan sa
paligid ko sa bisa ng aking mga kawang-gawa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKASIYAM NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at
tatawagin itong Emmanuel. (Mt. 1:23)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, nagpakita ka sa pook ng Banneux, sa
taguring Ina ng Mananakop, Ina ng Dios. Bilang Ina ng Mananakop,
naparito ka upang lunasan ang aming mga hirap. Tulungan mo kaming
maunawaan na si Jesus ay ang pag-ibig, at kami naman ay dapat
magmahalan. Bilang Ina ng Dios, naway tumimong mabuti sa amin
ang iyong kapangyarihan at sikap. Inang kaibig-ibig, maniwala ka sa
amin, kamiy maniniwala sa iyo.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati )
Lahat:
Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha

More Related Content

Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha

  • 1. NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGA DUKHA + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Lahat: Mahal na Birhen ng mga Dukha, purihin ka magpakailanman! At Purihin din ang nagsugo sa iyo sa amin! Dahil sa iyong pinagmulan, sa iyong ginawa ngayon sa amin at sa gagawin pa sa haharapin, kami at lahat ng susunod sa amin, ay nag-ukol sa iyo ng aming pananampalataya at panalangin. Ikaw ay aming takbuhan gaya ng ipinahayag mo sa Banneux: Tagapamagitan ng lahat biyaya, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Maawain at Makapangyarihang Ina ng nagma-mahal sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga naghihirap, nagliligtas sa mga tao at mga lipunan, Reyna at Ina ng lahat ng bansa, na naparito upang patnubayan ang mga naaampon sa iyo upang ilapit kay Hesus ang tunay at kaisa-isang bukal ng buhay na walang hanggan. Mahal na Birhen ng mga Dukha, nananalig kami sa iyo, manalig ka rin sa amin. PAGSISISI Lahat: Panginoon kong Hesukristo, Dios na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Dios ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko nang higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin ako alang-alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen. UNANG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN Ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw. Itoy magiging isang bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. ( Jn. 4:14) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati ) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGADUKHA Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami. Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin. Diyos Anak, na tumutubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin. Diyos Espititu Santo, maawa ka sa amin. Banal na Trinidad, iisang Diyos, maawa ka sa amin. Santa Maria, ipinalangin mo kami. Santang Ina ng Diyos, ipinalangin mo kami.
  • 2. Santang Birhen ng mga Birhen, ipanalangin mo kami. Ina ni Kristo, ipanalangin mo kami. Inang puspos ng biyaya ng Diyos, ipanalangin mo kami. Ina ng Mananakop, ipinalanagin mo kami. Mahal na Birhen ng mga Dukha, akayin kami kay Jesus, bukal ng biyaya. Mahal na Birhen ng mga Dukha, iligtas ang lahat ng bansa. Mahal na Birhen ng mga Dukha, lunasan ang mga maysakit. Mahal na Birhen ng mga Dukha, tulungan ang mga naghihirap. Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipagdasal ang bawat isa sa amin. Mahal na Birhen ng mga Dukha, kamiy sumasampalataya sa iyo. Mahal na Birhen ng mga Dukha, taimtim kaming nagdarasal. Mahal na Birhen ng mga Dukha, pagpalain mo kami. Mahal na Birhen ng mga Dukha, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, salamat sa iyo. Mapagpagaling sa mga maysakit, ipanalangin mo kami. Tanggulan ng mga makasalanan, ipanalangin mo kami. Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, ipanalangin mo kami. Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin mo kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. - Pakinggan mo po kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan. - Pakapakinggan mo kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit. - Kaawaan mo po kami. MANALANGIN TAYO Lahat: Mahal na birhen ng Banneux, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Birhen ng mga Dukha, yayamang ipinangako mong mananalig sa iyo. Ikaw ang aming pag-asa. Buong awa mong dinggin ang aming mga panalanging ayon sa iyong kalooban. Ito ang mga sumusunod: (Banggitin natin ang ating mga pagsamo) Ipagkaloob mo sa makasalanan ang iyong masaganang pananampalataya at sa mga dukha ang kanilang pagkain araw-araw. Lunasan mo sana ang mga maysakit, dulutan ng ginhawa ang mga naghihirap, at ipanalangin ang kaharian ni Kristong Hari ay lumaganap sa lahat ng bansa. Amen. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. IKALAWANG ARAW Namumuno. ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN Ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw. Itoy magiging isang bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. (Jn. 4:14) MAGNILAY
  • 3. Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin. IKATLONG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. (Mt. 5:3) MAGNILAY Panalangin: Ina ng Dios, minarapat mong taglayin ang pangalang Birhen ng mga Dukha sa bayan ng Banneux. Ilayo sa aking puso ang paghilig sa mga bagay na makalupa. Ipagkaloob ang lahat kong pangangai-langan at naway mabatid ko na ang lahat ay nagmumula sa Dios. Turuan mo akong tanggaping masaya ang lahat ng ipadala sa akin. Naway lumayo ako sa lahat ng makalalabag sa kanyang kalooban at dulutan ako ng lahat ng makakalapit sa Kanya, aking Mananakop at Ama. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAAPAT NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO Kayoy ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol.. (Mt. 5:14) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ang mensahe mo ay ukol sa lahat ng bansa. Inaanyayahan mo ang lahat ng bansa na magtungo sa iyong bukal na si Kristo, Mananakop at Pinuno ng Sangkatauhan. Loobin mong ang lahat ay magkaisa bilang mga kapatid sa Panginoon. Naway makita ko sa bawat isa at sa lahat ang larawan ng Dios na ating Ama. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKALIMANG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MARCOS
  • 4. At tinuruan niya ang mga tao, sinabi niya, Nasusulat, ang aking bahay ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa Ngunit ginawa niyang pugad ng mga magnanakaw. (Mk. 11:17) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo ang hangaring magkaroon ng Kapilya upang ang Eukaristia, bukal ng lahat ng biyaya ay parangalan. Tuluyan mo akong lumapit nang may pananampalataya at pag-ibig at turuan akong ialay ang sarili sa Ama na kaisa ni Jesus sa ikapagiging banal ng sanlibutan. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin. IKAANIM NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayoy pagpapahingahan ko. (Mt. 11:28) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinangako mo na lulunasan mo ang mga nagdurusa. Ipagkaloob mo sa akin ang lakas na mapagtiisan ang lahat ng hirap upang maging lalong banal at ganap. Tanglawan ang aking isip tungkol sa mahalaga at banal na bunga ng pagtitiis at turuan akong maging maligaya sa gitna ng aking mga hirap. Tulungan akong lunasan ang hirap ng kapwa sa bisa ng ating kagandahang loob at malasakit sa kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAPITONG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. (Jn. 14:1) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo: Sumampalataya ka sa akin, akoy sasampalataya sa iyo. Kung matatag ang aking pananam-palataya sa salita ni Jesus, ang Panginoong Dios ay gagawa ng mga dakilang bagay sa atin. Mahal na Ina, ipagkaloob mo sa akin gayong matibay na pananampalataya. Turuan akong laging maalala na akoy nasa harap ng Dios sa lahat ng pangyayari sa araw-araw at magdasal ng may matibay na pananalig. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.
  • 5. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAWALONG ARAW Namumuno: PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAGA-EFESO Ang lahat ng itoy gawin ninyo sa pamamagitan ng bawat uri ng panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu kayat lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos. (Eph. 6:18) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, makaitkatlo mo akong pinapayuhan ng magdasal nang matagal. Sa bayan ng Bannuex, marubdob mong itinuro na kung walang panalangin, walang pamumuhay Kristiano. Mahal na Ina, turuan mo akong magdasal, manalanging may matatag na pananampalataya upang palaga-napin ang mga aral ng Ebanghelio. Akayin mo ako na dumulog tuwina sa Eukaristia upang sa pamamagitan ng Tinapay na makalangit ay magkaroon ako ng tapang at lakas na magbalik- loob. Ako sanay maging maawain at mapagpaumanhin sa kapwa upang palaganapin ang kasiyahan sa paligid ko sa bisa ng aking mga kawang-gawa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKASIYAM NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin itong Emmanuel. (Mt. 1:23) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, nagpakita ka sa pook ng Banneux, sa taguring Ina ng Mananakop, Ina ng Dios. Bilang Ina ng Mananakop, naparito ka upang lunasan ang aming mga hirap. Tulungan mo kaming maunawaan na si Jesus ay ang pag-ibig, at kami naman ay dapat magmahalan. Bilang Ina ng Dios, naway tumimong mabuti sa amin ang iyong kapangyarihan at sikap. Inang kaibig-ibig, maniwala ka sa amin, kamiy maniniwala sa iyo. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati ) Lahat: Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan. Dasalin ang Litanya at huling panalangin