3. Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang-Batas
Maituturing na mamamayang Pilipino kung:
-mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
pagtitibay ng Saligang-Batas noong
Pebrero 2, 1987.
-ang ama at ina ay mamamayan ng Pilipinas
-isinilang bago mag-Enero 17,1973 at ang
ina nakapag-asawa ng dayuhan at pinili
ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng
gulang na 21 taon.
-naging mamamayan ayon sa Saligang-Batas.
5. -ipinanganak sa Pilipinas na ang ama at ina
ay mga Pilipino.
-ipinanganak bago mag-Enero 17,1973 sa
Pilipinas na ang ina/ama ay Pilipino kahit
na ang ama/ina ay dayuhan,subalit
pinili ang pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng ika-21 taong gulang.
6. HALIMBAWA:
Si Ernesto ay ipinanganak sa Quezon. Ang
kanyang mga magulang ay Pilipino. Si
Ernesto ay isang katutubo o likas na
Pilipino.
Si Henri ay ipinanganak sa Pangasinan. Ang
kanyang ama ay Pilipino ngunit ang kanyang
ina ay isang aleman. Si Henri ay
mamamayang Pilipino pa rin.
7. -sila ang mga dayuhang naging mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng
NATURALISASYON.
Ito ang hakbang o proseso na ginagawa ng
Pamahalaan upang ang isang dayuhan ay
maging Pilipino sa mga kondisyon na dapat
sundin nito sa bansa.
8. HALIMBAWA:
Si Juan Antonio ay isang Espanyol na
isinilang sa Pilipinas. Ang kanyang mga
magulang ay kawpa taga-Espanya. Dito na
sa Pilipinas lumaki at nagkaisip si Juan
hanggang makapagtapos sa pag-aaral at
makapag-asawa. Di nagtagal,nagharap siya
sa hukuman ng kahilingan para sa
naturalisasyon. Sa bisa ng batas, si Juan
ay naging isang mamamayang Pilipino.
9. A. Pagkamamamayan dahil sa Pagkasilang
JUS SANGUINIS
JUS SOLI
“dugo”
“lugar”
B. Naturalisadong Mamamayan
-ang dayuhan ay dapat nasa 21 taong
gulang.
-Sampung taon (10 years) ng
naninirahan sa bansa.
-mahusay at malinis ang pagkatao.
10. B. Naturalisadong Mamamayan
-naniniwala sa konstitusyon ng bansa.
-kinakailangang may ari-arian tulad ng
lupa at matatag na hanapbuhay.
-nakakapagsalita sa wikang ginagamit ng
bansa.
-tinatanggap ang kultura ng bansa.
-nalalaman ang kasaysayan ng bansa.
12. 1.Sa pamamagitan ng naturalisasyon sa
ibang bansa.
2.Expatriation
kusang pagtalikod ng pagkamamamayan.
3. Panunumpa ng katapatan sa saligang
batas ng mga banyaga pagsapit ng 10
hanggang 20 taon.
4. Paglilingkod sa hukbo ng ibang bansa.
5. Pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod
sa pagkamamamayan nito
14. 1. Naturalisasyon
2. Repatriation
muling panunumpa ng katapatan
sa Republika ng Pilipinas.
3. Aksiyon ng Kongreso
4. Pagpapatawad sa isang tumakas sa
Sandatahang Lakas.
16. -Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang-Batas
Anong artikulo ng Saligang-Batas
napapaloob ang pagkamamamayan ng
isang Pilipino?
17. JUS SANGUINIS
Sinusunod ng anak ang pagkamamamayan
ng kanyang magulang saan mang bansa
siya isinilang.Anong batayan ng
pagkamamamayan ang ipinapahayag ayon
sa pagkasilang?
19. Naturalisadong Pagkamamamayan
Ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayan ng bansa kung susundin niya
ang mga batas nito,yayakapin ang
kinagisnang kultura, at tuluyan ng
maninirahan dito ay anong uri ng
pagkamamamayan?
20. NATURALISASYON
Sa prosesong ito maaaring maging ganap
na mamamayan ng isang bansa ang
sinumang mamamalagi at susunod sa
kultura at pamamahala nito.