1. PADAYON: Wikang Filipino
tungo sa Globalisasyon
KKK: Kahalagahan, Katuturan, at Kakayahan ng Wikang Filipino
BRYAN R. CAPANGPANGAN, MAEd
Tagapanayam
2. May papel ba ang wikang Filipino sa
harap ng laganap na globalisasyon na
naglalayong pag-isahin ang ibat ibang
aspekto ng buhay sa buong mundo
tungo sa isang bilihan, sa isang
pamantayan, sa ibat ibang larangan,
sa isang wika?
PAG-USAPAN NATIN
3. Ang globalisasyon ay isang
pandaigdigang sistemang
naglalarawan sa pakikipag-
ugnayan at mga
pagbabagong nagbubuklod-
buklod sa mga tao,
kompanya, gobyerno, at
bansa sa buong mundo.
(Global Market, 2015)
Ano ang
GLOBALISASYON?
4. May malakas na sigaw tayong
naririnig na kinakailangang paunlarin
ang ating kaalaman sa wikang Ingles
dahil ito ang wika ng komersyo, wika
ng siyensya, wika ng makabagong
teknolohiya; samakatuwid, ang wika
ng globalisasyon.
KUNG TUTUUSIN, TAMA
NGA NAMAN.
5. Paano mapaiiral ang wikang pangkomersyo
kung ang mga gumagamit nito ay hindi
malay at kumikilala rito?
6. Ang ganitong pananaw
ay naniniwala na ang
kaalaman sa wikang
Ingles ng ating mga
manggagawa ay isa sa
mga pangunahing
batayan ng ating
pagiging kompetitibo.
Ang kaalaman sa wikang
Ingles ang dahilan ng
ating komparatibong
kalamangan sa
kalakalang
internasyonal.
8. Panahon na upang mabago ang pagtingin sa Filipino bilang
wikang pambansa, wikang panturo, at asignatura. Ang
mababang pagtingin sa sariling wika ay bunga na rin ng
kolonyal na pag-iisip na hinubog ng ilang siglong kolonisasyon.
10. Naging usapin na rin ang
dalawang integrasyong
(internal at eksternal)
pinaiiral sa konteksto ng
globalisasyon na
nangangailangang ang
wikang Filipino ay
naihulma sa pagiging
intelektwal nito.
11. INTEGRASYONG INTERNAL
AT EKSTERNAL
Ang integrasyong internal ay ang magpaparami sa mga mamamayang
makikisangkot sa mga benepisyo ng globalisasyon. Samakatuwid,
kinakailangang pasiglahin, pagyamanin at palakasin natin ang
panloob na yaman upang makipatunggali, at makinabang sa mga
benepisyo ng globalisasyon at integrasyong eksternal. Ang malakas
ng integrasyong panloob ang panlaban natin sa kultura ng eksklusyon
ng globalisasyon na pumapatid sa mga mahihina at di kompetitibo.
Sa integrasyong eksternal, ang mga tagapagtaguyod ng globalisasyon
ay sumisigaw na kinakailangan ang pag-aaral at pagsasanay sa
wikang Ingles dahil ito na ang nagiging wika ng kalakalang
internasyonal at ang wika ng globalisasyon.
12. Ang pagpapatupad ng
pananaw na walang
halagang ekonomiko
ang wikang Filipino ang
isa sa mga dahilan kung
bakit mahina ang
integrasyong panloob na
nauuwi naman sa
mabagal na pag-usad ng
ating ekonomiya.
13. Papaano naman nakasasali sa proseso ng globalisasyon ang
napakaraming mamamayang Filipino kung hindi sila marunong
at bihasa sa wikang Ingles? Sila ay magiging halimbawa na
isinasantabi ng globalisasyon dahil hindi sila nakikihalok sa
pagtanggap ng mga biyaya nito.
14. Malaki ang papel na
ginagampanan ng mga
intelektwal sa gawaing ito.
Kinakailangan maunawaan ng
mga ordinaryong mamamayan
ang mga prinsipyo at konsepto
sa wikang alam nila nang
makisangkot sila sa proseso ng
globalisasyon.
15. Dahil dito ang pagpapayaman at pagpapalawak ng
wikang Filipino bilang wikang intelekwalisado ay
magiging wika sa globalisasyon. Ang wikang Filipino ang
magiging tagapamagitang wika upang maunawaan at
makilahok ang marami nating mamamayan sa proseso
ng globalisasyon.
16. Wika ni Juan wika ng
bayan tungo sa bayanihan.
Maraming salamat sa pakikinig.
Sa Diyos ang pinakamataas na
papuri at pasasalamat.
Editor's Notes
Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga manggagawa ay isa sa mga pangunahing batayan ng ating pagiging kompetitibo.