10. Magkatulad, dahil noong una parehas nilang
isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga
Kanluranin. Subalit magkaiba ang naging pagtugon
ng dalawang bansa sa banta ng imperyalismo.
Patuloy na naging sarado ang China na nagresulta
sa sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin sa
pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda,
tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang
hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy
noong 1853.
11. Sa panahon na ito umusbong
ang damdaming nasyonalismo ng
mga Hapones. Ipinakita ito ng
mga Hapones sa kabila ng
pananatili ng mga Kanluranin sa
kanilang teritoryo. Ito ay
pinasimulan ni Emperador
Mutsuhito na siyang namuno sa
panahon na kilala bilang Meiji
Restoration.
13. Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring
maging epekto sa Japan kung patuloy silang
magpupumilit na isara ang bansa mula sa mga
Kanluranin. Natuto siya mula sa karanasan ng China
sa pakikidigma nito sa mga kanluranin. Bagamat
handang lumaban para sa kanilang bansa, napagtanto
ng mga Hapones na magiging magastos ang digmaan
at maraming mga inosenteng mamamayan ang
madadamay. Bukod pa dito, batid nilang mahihirapan
silang manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang
pandigma ng mga Kanluranin.
14. Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga
Kanluranin sa bisa ng Kasanduang Kanagawa ay
naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito.
Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867
hanggang 1912. Siya ang naglipat ng kabisera ng
Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Bukod sa
paglilipat ng kabisera, nakilala si Mutsuhito dahil sa
kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga
Kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad
ang Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
16. Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang
kaniyang mga iskolar sa Europe at United States
upang matuto ng makabagong kaalaman at
kaisipan sapamamahala, kalakalan at
pakikipagdigma. Tinularan din ng Japan ang
pagpapaunlad ng industriya na ginawa ng United
States at mga Kanluraning bansa.
Hindi nagtagal, naging isang maunlad at
makapangyarihang bansa ang Japan.
17. Nagsimula na din siyang
manakop ng ibang lupain
upang matugunan ang
kaniyang mga
pangangailangan. Ilan sa
kaniyang mga nasakop
ay ang Korea, bahagi ng
Russia at China, at
Pilipinas.
18. Gabay na tanong:
1. Paano ipinakita ng mga Hapon ang
kanilang pagtugon sa pananakop ng mga
dayuhan sa Japan?
2. Ano ang mahalagang papel na
ginampanan ni Emperador Mutsuhito sa
Japan?
19. Gabay na tanong:
3. Isa-isahin ang mga pamamaraang
isinagawa ng mga Hapon upang
mapaunlad ang kanilang bansa?
4. Kung ikaw ang tatanungin ,sang-ayon
ka ba sa isinagawa ni Mutsuhito na buksan
ang Japan sa mga pagbabagong hatid ng
modernisasyon? Ipaliwanag