2. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa: sa
sanhi at implikasyon ng mga local at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya
tungo sa pagkamit ng pambansang
kaunlaran.
3. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
DepEd DRRM Jingle
LAGING HANDA
https://www.youtube.com/watch?v=zVF1Ua6rrw8
4. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
1. Tungkol saan ang awit?
2. Ano-anong mga paghahanda ang
ginagawa ng inyong pamilya tuwing may
kalamidad?
3. Bakit kailangang maging handa sa lahat
ng pagkakataon?
5. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: PRE-TEST
Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI
kung di-wasto. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.
6. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: PRE-TEST
____1. Ang risk ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa
tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad.
____2. Ang resilience ay tumutukoy sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
____3. Ang vulnerability ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad.
7. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: PRE-TEST
____4. Ang hazard ay tumutukoy sa mga
banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao.
____5. Ang disaster management ay
tumutukoy sa ibat ibang gawain na dinisenyo
upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
8. Ang Disaster Management
Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa
inyong lugar, alam mo ba iyong gagawin?
Kung saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas?
Kung kanino ka hihingi ng tulong?
9. Ang Disaster Management
Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi,
pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang ibat
ibang organisasyon na dapat magtulungan at
magkaisa upang maiwasan, maging handa,
makatugon, at makabangon ang isang komunidad
mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.
10. Ang Disaster Management
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang
disaster management ay tumutukoy sa ibat ibang
gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan
sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na
dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan,
makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula
sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.
11. Ang Disaster Management
Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa
Filipino mula sa Disaster Risk Management
System
Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama
(2008).
12. Ang Disaster Management
1. Hazard ito ay tumutukoy sa mga banta na
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung
hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
13. Ang Disaster Management
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard ito ay
tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
15. Ang Disaster Management
2. Disaster ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang
disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok
ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at
polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng
hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang
pamayanan na harapin ang mga hazard.
16. Ang Disaster Management
3. Vulnerability tumutukoy ang vulnerability sa
tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang
pagiging vulnerable ay kadalasang
naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal
at antas ng kabuhayan.
17. Ang Disaster Management
4. Resilience ang pagiging resilient ng isang
komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot
ng kalamidad.
18. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Google Classroom
https://docs.google.com/forms/d/1HQlvQZEP6VrJ
cscm_Bt7DRQ872EiQ390zwS77r0ufQ4/edit
20. Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing
layunin:
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay
dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng ibat ibang kalamidad;
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng ibat ibang kalamidad at
hazard.
Batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster
Risk Reduction and Management
Framework (PDRRMF)
21. Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na
ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay
hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa
pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na
produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng ibat ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector,
business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at
higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang
partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag
na Community Based-Disaster and Risk Management
(CBDRM).