2. Ang pandiwa ay salitang
nagpapakilos o nagbibigay buhay sa
lipon ng mga salita
3. Iba't-ibang gamit ng mga pandiwa sa
pangungusap.
A. Bilang kilos, aksyon, o galaw
Ang pandiwa ay maaring gamitin bilang aksyon,
kilos o galawa kapg may aktor o tagaganap na
gagawa o aksyon. Maaring ang tagaganap nito ay
tao o bagay.
4. Halimbawa:
Nagtungo sa kaharian ni Numitor ang kambal na
sina Remus at Romulus
(Tagaganap ng kilos: Remus at Romulus)
(Pandiwa: Nagtungo )
6. B. Bilang Pangyayari o Proseso
Ang pandiwa ay maihahanay sa mga pangyayari o isang
proseso kapg nagpapahiwatig ng naapektuhan ng
naturang proseso o pangyayari ang tatangap ng kilos.
Tatawawaging
"tagatanggap" ng proseso (o pangyayari) ang bagay na
naapektuhan.
7. Halimbawa :
Natalisod ang pastol sa paghabol ng lobo.
(Pangyayari: natalisod
(Tagatanggap ng kilos: Pastol
Nangag-unahan ang mga tao sa pag akyat sa palasyo
Pangyayari: nangag unahan
Tagatanggap ng kilos: ang mga tao.
8. May mga pandiwang naghahayagng proseso o pangyayari na hindi
tinitiyak ang tagatanggap. Halimbawa nito ang mga pandiwang
nagpapahayag ng mga penomenal o pangkalikasang kaganapan.
Halimbawa
Umuulan ng malakas
Bumabagyo
(Ang pangyayaring umuulan at bumabagyo ay walang inihahayag na
tahasang tagatanggap o apektado ng aksyon.
9. c. Bilang karanasan o damdamin
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may
damdamin o saloobing ipinakikita. Kaakibat nito ang
tagaranas ngdamdamin o saloobin inihuhudyat ng pandiwa.
Halimbawa
Naririnig ng reyna ang umiiyak na sanggol.
karanasan:umiiyak
Tagaranas: sanggol
10. Tuwang tuwa ang mag-asawang pastol nang matagpuan
ang kambal
Karanasan: Tuwang tuwa
tagaranas : mag asawang pastol
11. Sa paglalahat, tandaang mabuti ang sumusunod:
Ang pandiwa ay ginagamit bilang aksyon kung may tiyak na
tagaganap ng kilos pandiwa .
Ang pandiwa ay ginagamit bilang pangyayari kung may
tahasang (o maaring hindi tahasang ) binabanggit ng
tagatanggap ng kilos na nangyari.
Ang pandiwa ay ginagamit bilang karanasan kung may
binabanggit na tagaranas ng nasabing damdamin o
saloobin.