2. Angkatotohananay isang pahayag
na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi mapapasubalian kahit
sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at
maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin
at mga taong nakasaksi nito.
3. Angopinyonnaman ay isang
pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa
obserbasyon at eksperimento.
4. Sa pagpapahayag ng katotohanan at
opinyon, maaaring gumamit ng mga
sumusunod na pananda:
Katotohanan batay sa resulta,
pinatutunayan ni, mula kay, sang-
ayon sa, tinutukoy ng, mababasa
sa
5. Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of
Education, unti-unti ng nababawasan
ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng
pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo ng
ating bansa.
6. Opinyon sa aking palagay, sa tingin ko,
sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako
ang tatanungin, para sa akin, sa ganang
akin
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay
ng isang tao na may takot sa Diyos.
7. 1.Sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas.
2. Laging may pasalubong ang ama kapag
umuwi sa tahanan.
3. pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay
sa ating bansa
4. Ang maranhyang pagdiriwang ng pista ay
magastos
5. Nagdarasal muna ang mga rebeldeng
Pilipino bago lumaban sa mga Espanyol
8. Ang Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung
saan sinusunog ang isang sangkap,
pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot
ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ng usok.
Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng
paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa
may nicotine na nailalabas ito at ginagawang
madaling masipsip ng mga baga. Maaaring
ginagamit ito bilang bahagi ng rituwal, upang
hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na
kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang
kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at
pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit
maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na
tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng
kamay.
9. 1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago
patayin ang sunog.
2. May mga taong ang gawain ay magsilbi ng
kapwa.
3. Walang magsasakang yumayaman.
4. Ang basurero ang humahakot ng ating mga
basura.
5. Hindi pinapansin ng mga katulong sa
pamayanan ang hirap at pagod sa pagganap ng
kanilang tungkulin.
6. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka.
10. 7. Para sa akin, ang basurero ang
pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
8. Ang tatay ay ang lalaking magulang ng
isang bata.
9. Matigas ang bato.
10. Mas masarap na kapatid ang babae kesa
sa lalaki
11. Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo
12. Keso ang paboritong palaman sa tinapay
ni Rea sa paniniwala ko.
11. 13. Ang dugo ay kulay pula.
14. Sa Baguio raw dapat magtayo ng
bahay- bakasyunan.
15 Pinakamagandang libangan ng
isang bata ang paglalaro ng
computer games.
12. Ang Timbre ay isa sa mga
elemento ng musika. Ito ay
tumutukoy sa uri ng tunog o
tinig.
Ang tinig ng mga mang-aawit
ay nahahati sa apat: dalawa
para sa babae at dalawa para
sa lalake.
13. Ang tinig ng mga babae sa
pag-awit ay tinatawag na
soprano o alto. Ang soprano
ay tinig na mataas at may
kaliitan, samantalang ang alto
ay mababa at may kalakihan.
14. Ang dalawang uri ng tinig ng
mga lalaki ay ang tenor at
baho. Ang tenor ay mataas
at medyo matinis. Ang baho
naman ay mababa, malaki at
kung minsan ay
dumadagundong.
15. Ang uri ng tinig ay nag-iiba dahil sa
pagbabago ng mga sankap ng katawan sa
pagbibinata at pagdadalaga. Ang tinig ng
mga bata ay mataas at maaaring isama
sa soprano o alto. Kapag ang mga lalaki
ay sumapit na sa wastong gulang, ang
kaniyang tinig ay lalaki at lalalim at
magkakaroon na siya ng kakayahang
umawit ng mabababang himig para sa
baho.