2. Pahayag Sang-ayon o Hindi
sang-ayon
Paliwanag o Dahilan
1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa
kabataang nagmamahalan.
2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay
kailangan upang makaranas ng
kasiyahan.
3. Tama lang na maghubad kung ito ay
para sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga malalaswang
babasahin o larawan ay walang epekto
sa ikabubuti at ikasasama ng tao.
5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng
pornograpiya ay nagiging isang bagay na
may mababang pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa
tunay na esensiya ng seksuwalidad.
7. Ang paggamit ng ating katawan para sa
seksuwal na gawain ay mabuti ngunit
maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.
8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung
may mabigat na pangangailangan sa pera.
9. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay
nakaaapekto sa dignidad ng tao.
10. Wala namang nawawala sa isang babae na
nagpapakita ng kanyang hubad na sarili sa
internet. Nakikita lang naman ito at hindi
nahahawakan.
3.
Sagutin ang sumusunod na
katanungan.
1. Tama kaya ang naging kasagutan
mo? Pangatuwiranan.
2. Ano ang naging batayan mo sa
pagsang-ayon o hindi sa mga pahayag
na nabanggit?
4. Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng paksa ang bawat pangkat. Basahin ang
sanaysay, isulat sa metacard at iulat sa klase ang mahahalagang kahulugan,
paliwanag at kaisipang inyong binasa.
Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National
Secretariat for Youth Apostolate (NSYA), ang kabataang
Pilipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung
may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Kabilang sa mga
ito ay pakikipagtalik nang hindi kasal (premarital sex),
pornograpiya, pang-aabusong seksuwal at prostitusyon.
Isa-isahin nating tingnan ang mga isyung ito, ang mga
dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito at mga
nagtutunggaliang pananaw kung tama o mali ang mga ito.
5. A. Pagtatalik bago ang kasal
(Premarital sex)
B. Pornograpiya
C. Mga Pang-aabusong Seksuwal
D. Prostitusyon
6. A. Pagtatalik bago ang kasal (Premarital sex)
Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng
kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos
kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o
pagbibinata (puberty). Subalit kahit siya ay may
kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
nangangahulugang maaari na siyang makipagtalik at
magkaroon ng anak. Hanggang wala siya sa wastong gulang
at hindi pa nagpapakasal, hindi siya kailanman
magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
Ano ba ang premarital sex? Ito ay gawaing pagtatalik
ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa
edad na subalit hindi pa kasal
7. Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng
pagkain at hangin na ating hinihinga. Hindi kinakailangan ng tao ang
makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito. Ang pananaw na kailangan
ang pagtatalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao
ng tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kakayahan ng taong
ipahayag ang kanyang tunay na pagkatao. Mayroon o walang pagtatalik,
mananatiling buhay ang tao. Maraming mga taong nagpasyang mabuhay
nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre at mga kasapi ng 3rd
orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos, malusog at masaya.
Samakatuwid, ang seksuwal na pakikipagrelasyon lalot hindi pa kasal
ang lalaki at babae ay hindi kailanman pangunahing pangangailangan ng
tao. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at
nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga kasangkot
dito. Hindi nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa
kaganapan ng buhay na isa sa mga halaga ng seksuwalidad.
8. B. Pornograpiya
Ang pornograpiya ay nanggaling sa
dalawang salitang Griyego, porne na may
kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at graphos na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga
mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan o palabas) na may layuning pukawin
ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o
nagbabasa.
9. C. Mga Pang-aabusong Seksuwal
Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang
maaaring ibigay sa pang-aabusong seksuwal. Sa gitna ng
mga pang-aabusong ito, ang nangingibabaw na posisyon ay
ang pang-aabuso ay isinasagawa ng isang nakatatanda na
siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang
isang gawaing seksuwal. Ang pang-aabusong seksuwal ay
maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng
katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili
na gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng
kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga
hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kayay panonood
ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
10. Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang
pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang
pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang seksuwal. Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga
taong nasasangkot sa ganitong gawain ay iyong mga
nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral at walang muwang
kung kayat madali silang makontrol. Mayroon din namang may
maayos na pamumuhay, nakapag-aral ngunit marahil ay naabuso
noong bata pa. Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa
sarili at tamang pagkilala kung kayat minabuti na lang nilang
ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan. Dahil nasanay
na, hindi na nila magawang tumanggi kung kayat naging tuloy-
tuloy na ang kanilang pagpagamit sa masamang gawaing ito.
11. Suriin ang sumusunod na paglabag sa seksuwalidad. Isulat ang
maaaring Sanhi at Bunga nito. (Dalawang puntos bawat paglabag na
bibigyan ng sanhi at bunga.) (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Paglabag sa Seksuwalidad Sanhi Bunga
1. teenage pregnancy
2. pornograpiya
3. pang-aabusong seksuwal
4. pagkasadlak sa prostitusyon
5. premarital sex
12. Sa inyong notbuk, ipaliwanag ang
inyong pananaw sa isyu ng
pagpapakasal ng dalawang taong
may parehong kasarian