Likhang Maikling Kwento ng BSED III Filipino (SY 2016-2017)
Western Mindanao State University-External Studies Unit- Molave
1 of 1
Download to read offline
More Related Content
"Pagmamahal"
1. PAGMAMAHAL
May dalawang tao nagmamahalan ng wagas, itago natin sila sa pangalang Fe at
John dahil sa pagmamahal nila ay may nabuo sa pumapagitan sa kanilang dalawa.
Mag kapitbahay sina Fe at John sa isang lugar na tinatawag na ascaraga si John ay
may paghanga na sa kapatid ni Fe siya ay maganda,matalino at mabait lalo-lalo na sa
kanyang pamilya, palagi pumupunta si John sa bahay nina Fe para mang hingi ng prutas
na manga at para din mapansin siya ni Nita. Hindi gusto ni Fe si john para sa kanyang ate
dahil si John kasi ay isang babaero at hambog, marami na siyang sinasaktan na babae
pinaasa at pinaiyak, kaya nangako si Fe sa kanyang sarili na hindi siya magkakagusto ng
isang lalaki katulad sa ugali ni John na isang babaero sapagkat takot siya masaktan
maiwan.
Lumipas ang maraming taon marami na rin ang nagbago sa kanila at nawalan ng
hinahangaan babae kasi si Nita ay kinakailangan niya pumunta sa ibang lugar para mag-
aral ng koleheyo, sa subrang lungkot ni John sa pag-alis ni Nita sa kanilang nayon ay
wala siyang ibang nagawa kundi palagi nalang niya tinitignan ang larawan ni Nita sa
kanyang pitaka at minsan nag munimuni lang sa tabi na parang isang baliw.
Isang araw naita ni John si Fe sa isang tindahan para bumili ng suka nilapitan
niya ito at para magtanong sa kanya, tapos humingi ng cellphone number si John kay Fe
para daw may maka text siya. at doon nag simula ang pagiging mabuting pagkaibigan
nila. hindi nagtagal nag-iba na ang pagtingin ni John kay Fe hindi katulad ng dati ay isang
kaibigan lang ang turing niya kay Fe, sa subrang tagal na nila magkasama nag na rin si
John na mahal na mahal niya si Fe sa subrang gulat ni Fe bigla siyang umiyak at tumakbo
papalayo pauwi sa kanilang bahay at hindi naintindihan ni John na kung bakit tumakbo
at umalis si Fe, hindi pala alam ni John na may pagtingin rin pala si Fe sa kanya. lumipas
ang ilang araw nag pasya ang dalawa na magkita ulit para mapag-usapan ang kanilang
naramdaman sa isa't isa hindi nag pigil si John na sabihin niya ito na mahal na mahal
niya ito ganon din ang sinabi ni Fe sa kanya, kaya doon na nagsimula ang ang kanilang
mabuting relasyon nag tagal ang kanilang samahan at masayang masaya ang dalawa,
ddumating ang isang araw ng dumalaw si John sa bahay nina Fe at nagkataon na walang
ibang tao sa bahay kundi si Fe lamang ang mag-isa, nagtitinginan lamang ang dalawa na
walang kibo kaya dahan dahan na lumapit si John kay Fe at hinawakan ang kamay
tapos naramdaman nila ang init ng katawan sa isa't-isa at hindi nagtagal doon na
nagsimula ang pagkakaroon na may nabuo na sa pumapagitang nilang dalawa.