2. • Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing na
nakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nang
itapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba't
malaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang
kwento. Ganito iyon.
Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi
siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang
matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang
umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan.
Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili.
Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng
taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno
ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa
kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang
sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.
"Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa
akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na
pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na.
Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.
3. • "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa
pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.
"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw
ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.
"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala
kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni
Pagong.
"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong
ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.
"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang
gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang
ito," dugtong pa ni Pagong.
"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang
tanong ni Matsing.
"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito
sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha
nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
4. • "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako
nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga
niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa
kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos
umusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit
ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala
na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal
na matsing.
Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang
paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang
nakapamamasyal.
Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at
nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may
mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na
nagmamasid-masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang
sinunggaban ni Matsing.
"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita
paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong
hindi nakakita."
5. •
"Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.
"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot
sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y
nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni
Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.
"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni
Matsing.
"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit
kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni
Pagong.
"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.
"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po
iyan," sabi ni Pagong.
"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing
at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig.
•
At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.
6. •