際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Pagpapahalaga
sa Komiks at
Pelikula
Pinatibok Mo Ang Puso
Ko
ni Robert Rosales
Buod ng Katha
Sa isang village sa Makati nakatira sina
Ruel at Lerma. Si Ruel ay isang binatang
nakatapos sa kolehiyo at may
magandang trabaho sa malaking
kompanya, samantalang si Lerma naman
ay isang babaing tinaguriang Woman of
the 90s dahil siya lang ang babaeng
naging matagumpay sa lahat ng
mapasukang trabaho. Sa kasalukuyan,
mayroon siyang sarili at simpleng
negosyo, ang pagawaan ng mga textile.
Minsan, nagkita ang dalawa habang
papalabas sila ng tahanan upang
pumasok sa trabaho. Nagkatitigan
ang dalawa at nagkakilanlan. Alam ni
Ruel na si Lerma ay parating hatid-
sundo ng kanyang boyfriend. Noong
una ay masaya si Lerma sa kanyang
boyfriend. Halos araw-araw ay
magkasama ang dalawa, lumalabas,
nanonood ng sine at kumakain sa
restaurant. Ngunit, nang natuklasan
ni Lerma na pinagtataksilan siya ng
kanyang boyfriend ay nakipagkalas
siya rito at nagsimulang lumungkot
ang takbo ng kanyang buhay.
Ang muling pagkukurus ng daan ni
Lerma at Ruel ay nagbibigay-daan sa
binata upang mapansin ang
kagandahan ni Lerma. Nang malaman
niya na nakipagkalas si Lerma sa
dating kasintahan ay nagpasimula
siyang ligawan ang dalaga. Hindi
naging madali ang panliligaw ni Ruel
sapagkat naging matigas na ang puso
ng dalaga dahil sa sinapit sa dating
kasintahan. Matagal na namintuho si
Ruel sa dalaga hanggang isang araw
ay tatlong linggong hindi nagpakita si
Ruel kay Lerma.
Napag-alaman ng dalaga na
nagkasakit ang binata dahil sa
pagkabigo sa pag-ibig. Nang una
ay nag-agam-agam si Lerma sa
pag-ibig ni Ruel ngunit ng lumaon
ay hindi na siya nakatiis at
pinuntahan niya ito. Tinimbang
niya ang kanyang sarili kung
handa na niyang tanggapin ang
binata. Sa wakas, nagtagumpay
din si Ruel at tinanggap ni Lerma
ang kanyang pag-ibig.
Kahulugan ng Pamagat :
Ang pamagat na Pinatibok Mo Ang Puso
ko ay isa sa mga pahayag na
binitawan ni Lerma. Ipinahihiwatig ng
pamagat ang muling pagbubukas ng
damdamin ni Lerma upang tumanggap
ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ni
Ruel. Sa istoryang pansamantalang
pininid ng dalaga ang kanyang puso
dahil sa malabis na sakit na ibinigay ng
kanyang dating kasintahan. Nagawa ni
Ruel na mapaibig si Lerma dahil sa
katapatan ng kanyang nadarama para sa
dalaga.
Pagsusuri :
Uring Pampanitikan
Komiks  ang komiks ay isang uri ng
babasahin na nakaaliw, nakalilibang at
halaw sa tunay na pangyayari sa buhay
ng tao. May dalawang uri ng komiks. Ang
komiks na pambata at pandrama. Itoy
masasabing magasin na may larawan na
iginuhit at may salitaan. Sa
pamamagitan ng iginuhit na larawan at
salitaan madaling mauunawaan ng
mambabasa ang kuwento.
Paglalahad
Tradisyunal ang ginamit na
paraan ng awtor upang ilahad ang
pagkakasunod-sunod ng akda.
Hindi ito gumamit ng flashback
kundi ang daloy ay mula sa
simpleng panimula hanggang sa
pakomplikadong paran.
Mga Tayutay
 Bakit may lungkot ka sa iyong mga mata?
- Pagsagusay / Pagtatanong
- Nagtatanong na di naghihintay ng kasagutan.
 Kagaya mo rin si Bien parang maamong
tupa.
-Pagtutulad / Simili
- Paghahambing ng dalawang
magkaibang tao, bagay at pangyayari sa
kinahinatnan ni Ruel. Nag-akala si Lerma na
gaya rin ni Bien ang pag-uugali ni Ruel.
 Bakit ngayon ko lang nabatid na
napatibok mo palang muli ang puso ko?
- Pagtatanong / Retorikal Kuwestiyon
- Ito ay higit na mabisa kaysa sa
pagpapahayag na karaniwan lamang. Sa ganitong
sitwasyon nasambit sa sa isipan ni Lerma na napatibok
ni Ruel ang puso ni Lermang bato.
 Hindi na magbabago ang pasya ko, kaya
nakikiusap ako na huwag mo na akong
gambalain.
- Pagtanggi / Lilotes
- Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng
pangging HINDI upang bigyang diin ang makahulugang
pagsang-ayon sa isinasaad.
Mga Pansin at Puna
Mabilis ang daloy ng istorya kahit pa
tradisyunal ang paraan ng pagkakalahad.
Mapaiibig ka nang labis kay Ruel dahil sa
malabis na pag-ibig na inukol niya kay
Lerma. Pawang nasa realidad ang
istorya na ipinakita sa mga papel na
ginampanan nina Lerma at sinumang
mambabasa ay tiyak na maaantig sa
mga palitan ng pahayag. Ang mga
tayutay ay lubhang nakapagpapakilos ng
imahinasyon, dahilan upang ang isang
mambabasa ay magpatuloy sa pagbasa
at di makadama ng pagkabagot.
Teoryang
Napapaloob sa
Akda
Romantisismo
Sa teoryang ito ay higit na
pinangingibabaw ang damdamin ng
mga tauhan kaysa isipan.
Pinangibabaw ni Ruel ang pag-ibig
niya kay Lerma na sukdang siyayy
nabigo sa pag-ibig nito ay patuloy pa
rin siyang nanuyo.
Realismo
Pinalutang dito ang totoong nangyayari
sa tunay na buhay. Hindi laging masaya ang
buhay ng isang mangingibig. May mga
panahon ding kabiguan ang nadarama. Sa
nangyari sa mga pangunahing tauhan,
ipinakita ang ginampanang papel ni Ruel na
may mga lalaking pa ring malabis magmahal,
samantalang ang katauhang ginampanan
naman ni Lerma ay nagpakita na kahit pa
matigas ang damdamin ng isang babae ay
maaari itong mapalambot ng isang matiyaga
at tunay na mangingibig.
Bisang Pampanitikan
 Bisa sa Isip
Umantig sa isipan ko ang habag at tuwa dahil sa
una, si Ruel ay labis ang pag-ibig kay Lerma at tuwa
dahil binigyan naman ng kasagutan ang pag-ibig ni
Ruel.
 Bisa sa Damdamin
Kung sa akin magaganap ang pangyayaring ito ay
kailangan kong maging matatag at nang hindi magpatalo
sa damdamin, lalot maling pag-ibig.
 Bisa sa Kaasalan
Kapag nasaktan ka huwag mong pipigilin o
kalilimutang iparamdam ang sakit sa mahal mo sa buhay.
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

More Related Content

Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

  • 2. Pinatibok Mo Ang Puso Ko ni Robert Rosales
  • 3. Buod ng Katha Sa isang village sa Makati nakatira sina Ruel at Lerma. Si Ruel ay isang binatang nakatapos sa kolehiyo at may magandang trabaho sa malaking kompanya, samantalang si Lerma naman ay isang babaing tinaguriang Woman of the 90s dahil siya lang ang babaeng naging matagumpay sa lahat ng mapasukang trabaho. Sa kasalukuyan, mayroon siyang sarili at simpleng negosyo, ang pagawaan ng mga textile.
  • 4. Minsan, nagkita ang dalawa habang papalabas sila ng tahanan upang pumasok sa trabaho. Nagkatitigan ang dalawa at nagkakilanlan. Alam ni Ruel na si Lerma ay parating hatid- sundo ng kanyang boyfriend. Noong una ay masaya si Lerma sa kanyang boyfriend. Halos araw-araw ay magkasama ang dalawa, lumalabas, nanonood ng sine at kumakain sa restaurant. Ngunit, nang natuklasan ni Lerma na pinagtataksilan siya ng kanyang boyfriend ay nakipagkalas siya rito at nagsimulang lumungkot ang takbo ng kanyang buhay.
  • 5. Ang muling pagkukurus ng daan ni Lerma at Ruel ay nagbibigay-daan sa binata upang mapansin ang kagandahan ni Lerma. Nang malaman niya na nakipagkalas si Lerma sa dating kasintahan ay nagpasimula siyang ligawan ang dalaga. Hindi naging madali ang panliligaw ni Ruel sapagkat naging matigas na ang puso ng dalaga dahil sa sinapit sa dating kasintahan. Matagal na namintuho si Ruel sa dalaga hanggang isang araw ay tatlong linggong hindi nagpakita si Ruel kay Lerma.
  • 6. Napag-alaman ng dalaga na nagkasakit ang binata dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. Nang una ay nag-agam-agam si Lerma sa pag-ibig ni Ruel ngunit ng lumaon ay hindi na siya nakatiis at pinuntahan niya ito. Tinimbang niya ang kanyang sarili kung handa na niyang tanggapin ang binata. Sa wakas, nagtagumpay din si Ruel at tinanggap ni Lerma ang kanyang pag-ibig.
  • 7. Kahulugan ng Pamagat : Ang pamagat na Pinatibok Mo Ang Puso ko ay isa sa mga pahayag na binitawan ni Lerma. Ipinahihiwatig ng pamagat ang muling pagbubukas ng damdamin ni Lerma upang tumanggap ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ni Ruel. Sa istoryang pansamantalang pininid ng dalaga ang kanyang puso dahil sa malabis na sakit na ibinigay ng kanyang dating kasintahan. Nagawa ni Ruel na mapaibig si Lerma dahil sa katapatan ng kanyang nadarama para sa dalaga.
  • 8. Pagsusuri : Uring Pampanitikan Komiks ang komiks ay isang uri ng babasahin na nakaaliw, nakalilibang at halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao. May dalawang uri ng komiks. Ang komiks na pambata at pandrama. Itoy masasabing magasin na may larawan na iginuhit at may salitaan. Sa pamamagitan ng iginuhit na larawan at salitaan madaling mauunawaan ng mambabasa ang kuwento.
  • 9. Paglalahad Tradisyunal ang ginamit na paraan ng awtor upang ilahad ang pagkakasunod-sunod ng akda. Hindi ito gumamit ng flashback kundi ang daloy ay mula sa simpleng panimula hanggang sa pakomplikadong paran.
  • 10. Mga Tayutay Bakit may lungkot ka sa iyong mga mata? - Pagsagusay / Pagtatanong - Nagtatanong na di naghihintay ng kasagutan. Kagaya mo rin si Bien parang maamong tupa. -Pagtutulad / Simili - Paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari sa kinahinatnan ni Ruel. Nag-akala si Lerma na gaya rin ni Bien ang pag-uugali ni Ruel.
  • 11. Bakit ngayon ko lang nabatid na napatibok mo palang muli ang puso ko? - Pagtatanong / Retorikal Kuwestiyon - Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagpapahayag na karaniwan lamang. Sa ganitong sitwasyon nasambit sa sa isipan ni Lerma na napatibok ni Ruel ang puso ni Lermang bato. Hindi na magbabago ang pasya ko, kaya nakikiusap ako na huwag mo na akong gambalain. - Pagtanggi / Lilotes - Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng pangging HINDI upang bigyang diin ang makahulugang pagsang-ayon sa isinasaad.
  • 12. Mga Pansin at Puna Mabilis ang daloy ng istorya kahit pa tradisyunal ang paraan ng pagkakalahad. Mapaiibig ka nang labis kay Ruel dahil sa malabis na pag-ibig na inukol niya kay Lerma. Pawang nasa realidad ang istorya na ipinakita sa mga papel na ginampanan nina Lerma at sinumang mambabasa ay tiyak na maaantig sa mga palitan ng pahayag. Ang mga tayutay ay lubhang nakapagpapakilos ng imahinasyon, dahilan upang ang isang mambabasa ay magpatuloy sa pagbasa at di makadama ng pagkabagot.
  • 14. Romantisismo Sa teoryang ito ay higit na pinangingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa isipan. Pinangibabaw ni Ruel ang pag-ibig niya kay Lerma na sukdang siyayy nabigo sa pag-ibig nito ay patuloy pa rin siyang nanuyo.
  • 15. Realismo Pinalutang dito ang totoong nangyayari sa tunay na buhay. Hindi laging masaya ang buhay ng isang mangingibig. May mga panahon ding kabiguan ang nadarama. Sa nangyari sa mga pangunahing tauhan, ipinakita ang ginampanang papel ni Ruel na may mga lalaking pa ring malabis magmahal, samantalang ang katauhang ginampanan naman ni Lerma ay nagpakita na kahit pa matigas ang damdamin ng isang babae ay maaari itong mapalambot ng isang matiyaga at tunay na mangingibig.
  • 16. Bisang Pampanitikan Bisa sa Isip Umantig sa isipan ko ang habag at tuwa dahil sa una, si Ruel ay labis ang pag-ibig kay Lerma at tuwa dahil binigyan naman ng kasagutan ang pag-ibig ni Ruel.
  • 17. Bisa sa Damdamin Kung sa akin magaganap ang pangyayaring ito ay kailangan kong maging matatag at nang hindi magpatalo sa damdamin, lalot maling pag-ibig. Bisa sa Kaasalan Kapag nasaktan ka huwag mong pipigilin o kalilimutang iparamdam ang sakit sa mahal mo sa buhay.