2. Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong
pamilya? Kailan ang huling pagkakataon na sama-sama
kayong kumain at nagbigay ng pasasalamat dahil sa
mga biyayang inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro,
madalas walang pagkakataon, busy lahat. Maging ikaw
busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi sama-
sama, parang may kulang?
3. Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na
7 Habits of Highly Effective Families, may
mga pag-aaral na nagpapatunay na ang
pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing
pangrelihiyon ay mahalaga upang
magkaroon ng pangkaisipan at
pandamdaming kalusugan at katatagan lalo
na kung ito ay ginagawa ng tao nang may
pagkukusa o bukas puso.
4. Ngunit paano natin masasanay
ang ating sarili kasama ang
ating pamilya sa pagsasagawa
ng mga ganitong gawain?
5. Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring
makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na
makinig at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga
itinuturo tungkol sa pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng suhol.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan
6. Gawain
Pagtatasa ng Pagkatuto1: Alin-alin sa mga
nabanggit na hakbang na naisasabuhay sa
pamilya?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Batay sa iyong sariling
pananaw, alin sa pitong hakbang ang nais mong
maisakatuparan sa iyong pamilya na hindi pa ito
naobserbahan? Bakit?
7. Sanayin Natin
Magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga pagkatuto sa bawat
aralin sa EsP kung untiunting mailalapat sa buhay ang mga ito hanggang
maging bahagi na ng pang-araw-araw na pagkilos ang mga ito. Gawin ang
sumusunod.
1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo:
a. Mapapaunlad ang pansariling-gawi sa pag-aaral
b. Matitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasiya
c. Mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya
2. Pagkatapos, ilagay ito sa isang tsart upang mabantayan ang
pagsasakatuparan ng mga hakbang na ito.
3. Isulat ang dahilan ng iyong hakbang na napagpasyahan.
4. May inihandang halimbawa para sa iyo.