1. Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita Inihanda nina: Arellano, Hazel Joy Somis, Kimberly Salud, Bernice Ileana Valeriano, Rovic Samia, James Elicio
2. Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daidig ay may mataas ng antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.
3. Abraham Lincoln Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay nang malaki sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko. Naipamalas niya ang determinasyong ito dahil sa kakulangan noon ng mga speech training schools kung kayat matamang inobserbahan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao .
4. Franklin Delano Roosevelt Hindi siya ipinanganak na mambibigkas, ngunit nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga salalayang simulain ng pagsasalita. Maingat niyang sinanay ang kanyang sarili sa mapanghikayat na pagsasalita sa harap ng publiko kung kayat naging matagumpay siya sa pulitika.
5. Demosthenes Si Demosthenes ay pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sariling magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Kalaunan, napagwagian niya ang laurel ng tagumpay sa timpalak-pagtatalumpati .
6. Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao. Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay.
7. Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.
8. Kaalaman Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa ibat ibang bagay. Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan. Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika. Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.
9. Kasanayan Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan kung kayat ito ay isang kasanayang maaaring linangin. Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinid, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal.
10. Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.
11. Tiwala sa Sarili Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.
12. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kayay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sakanya.
13. Ngunit paano nga ba maging isang mahusay na tagapagsalita? Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
14. TINIG Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita. Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig. Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.
15. Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon ding pababa. Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.
16. BIGKAS Napakahalang maging wasta ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan ito ay mataas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita. Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig. Lalo nat ang ating wika ay napakaraming Homonimo. Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.
17. Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
18. TINDIG Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig. Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siyay parang nanghihina o kung siyay mukhang sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siyay maging higit na mapanghikayat.
19. KUMPAS Ang kasasalita. Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot. Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.
20. Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas. Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas. Kailangan iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito. Hindi rin maganda tignan ang labis nito.
21. KILOS Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw. Mga mata, balikat, paa, at ulo. ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita. Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.
22. Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya. Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalit. Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.
23. Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla Lahat ng tao ay may kinatatakutan. Ang ibay takot sa dilim, ay mga takot naman sa matataas na lugar. May ibang takot sa pagsakay ng eroplano. May ga taong takot din sa insekto.
24. Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na walang dapat katakutan kundi ang takot miso. Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na XENOPHOBIA o STAGE FRIGHT . Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.
25. Manipestasyon ng Stage Fright Panginginig ng kamay. Pangangatog ng tuhod. Kawalan ng ganang kumain. Pananakit ng tiyan. Di-pagkatulog. Pananakit ng ulo. Pagkautal. Pagkalimot ng sasabihin. Paninigas ng pagkakatayo. Kawalan ng panuunan ng paningin. Biglang pagbilis ng pulso. Mataas na presyon ng dugo.
26. Ibat Ibang Dahilan ng Stage Fright Takot sa malaki at di-pailyar na madlang tagapakinig. Di kaaya ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla. Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur. Kakulangan o kawalan ng kahandaan Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.
27. Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tesnyon. Ito kasi ang magtritriger sa katawan ng lumikha ng adrenalin upang magtulak ng isang indibidwal na mag-perporm ng higit na mabuti. Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita na maging positibo ang tensyon at hindi negatibo. Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo. Samakatwid, kailangan itong kontrolin.
28. Mungkahi kung paano maaayos ang Stage Fright Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kayang mong magsalita sa harap ng madla. Isiping di ka nagiisa. Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla. Tanggapin mo ang iyong sarili, iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong mga kasalanan at hahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita. Harapin ang takot, huwag mong takasan.
29. Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla. Isiping ang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga. Magbihis ng naayon sa okasyon. Mag-imbak ng maraing kaalaman. Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga pakinig. Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at dunong sa Poong Maykapal.
30. Propayl ng Epektibong Ispiker a. Responsable b. Magiliw at kawili wiling pankinggan c. Malawak ang kaalaman d. Palabasa e. Palaisip f. Mayaman ang koleksyon ng ideya g. May interes sa paksang tinatalakay h. Obhetibo i. May sense of humor
31. j. Gumagamit ng mga angkop na salita k. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng tagapakinig l. Sapat at angkop ang lakas ng tinig m. Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salita n. Gumagamit ng angkop na kumpas at kilos 単. Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng tagapakinig ng. Maingat sa paggawa ng kongklusyon, paratang at batikos
32. o. May panuunan ng paningin sa tagapakinig p. Angkop ang kasuotan sa okasyon q. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabi r. Walang nakakadistrak na manerisms s. Mainam sng tindig t. Maayos at lohikal ang presentasyon u. Iniiwasan ang mapalabok na pananalita
33. v. Binibigyang-diin ang mahahalsgsng konsepto w. Alam kung kailan tatapusin ang pagsasalita x. Iniiwasan ang pagyayabang y. Mayaman ang bokabularyo z. Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter