PAGSULAT-NG-KOMPOSISYON-RETORIKA IAKAAPAT NA LEBEL.pptx
2. KOMPOSISYON
•Pinakapayak na paraan ng pagsulat.
•Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging
karanasan, pagbibigay-interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang
akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa
pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.
3. MGA TEORYA SA PAGSULAT
•Solitari at Kolaboratibo
•Pisikal at Mental
•Konsyus at Sabkonsyus
4. ANG TALATA
•Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o
lupon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-
diwa.
•Mauuri ito ayon sa lokasyong katatagpuan nito sa
loob ng isang komposisyon.
5. ANG TALATA
A: PANIMULANG TALATA
•Una hanggang ikalawang talata ng komposisyon.
•Inilalahad ang paksa.
•Sinasabi kung ano ang ipaliliwanag, ang isasalaysay,
ang ilalarawan o bibigyang-katuwiran.
6. ANG TALATA
B: TALATANG GANAP
•Matatagpuan sa kalakhang gitnang bahagi ng
komposisyon.
•Pinauunlad ang pangunahing paksa.
•Binubuo ng paksang pangungusap at mga pantulong
na pangungusap.
7. ANG TALATA
C: TALATA NG PAGLILIPAT-DIWA
•Pinag-uugnay ang diwa ng dalawang magkasunod na
talata.
8. ANG TALATA
D: TALATANG PABUOD
•Pangwakas na talata ng komposisyon.
•Inilalagay ang mahahalagang kaisipan o pahayag na
tinalakay sa gitna ng komposisyon.
•Binibigyang-linaw ang layunin ng awtor.
9. KATANGIAN NG MABUTING TALATA
A: MAY ISANG PAKSANG-DIWA
•Nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap.
•Pangungusap sa talata na nagsasaad ng buong
nilalaman niyon.
10. B: MAY KAISAHAN NG DIWA
•May kaisahan ang isang talata kapag ang bawat
pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap
niyon.
KATANGIAN NG MABUTING TALATA
11. C: MAY WASTONG PAGLILIPAT-DIWA
•PAGDARAGDAG – at, saka, gayon din
•PASALUNGAT – ngunit, subalit, bagaman, sa kabilang dako
•PAGHAHAMBING – katulad ng, kawangis ng, animo’y
•PAGBUBUOD – sa madaling sabi, kaya nga
•PAGKOKONGKLUD – samakatuwid, kung gayon
KATANGIAN NG MABUTING TALATA
12. D: MAY KAAYUSAN
•Ayusin ang mga pangungusap sa talata bago lumipat
o gumawa ng bagong talata.
•Kronolohikal ayon sa mga pangyayari.
•Ayusin ang pananaw sa bagay o pagyayari.
•Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko.
KATANGIAN NG MABUTING TALATA
14. PROSESO NG PAGSULAT
PRE-WRITING ACTIVITIES
A. PAGSULAT NG DYORNAL. Rekord ng mga ideya.
B. BRAINSTORMING. Malayang pakikipagtalakayan hinggil
sa isang paksa.
C. QUESTIONING. Binabagsakan ng mga taong ang isang
posibleng paksa.
15. PROSESO NG PAGSULAT
PRE-WRITING ACTIVITIES
D. PAGBABASA AT PANANALIKSIK. Ginagamit sa
pagpapalawak ng paksa.
E. SOUNDING-OUT FRIENDS. Pakikipagtalakayan sa mga
kasambahay, kaibigan, kapitbahay o katrabaho.
16. PROSESO NG PAGSULAT
PRE-WRITING ACTIVITIES
F. PAG-IINTERBYU. Pakikipanayam hinggil sa isang paksa.
G. PAGSASARBEY. pangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa isang talatanungan.
17. PROSESO NG PAGSULAT
PRE-WRITING ACTIVITIES
H. OBSERBASYON. Pagmamasid sa paligid.
I. IMERSYON. Sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o
gawain upang makasulat.
J. PAG-EEKSPERIMENTO. Sinusubukan ang isang bagay
bago sumulat ng tungkol dito.
19. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSISIMULA
A. Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal.
B. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-
pansin.
C. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
D. Gumamit ng salitaan.
E. Gumamit ng isang sipi.
20. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSISIMULA
F. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa
likod ng isang paksa.
G. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipaliliwanag.
H. Gumamit ng salawikain o kawikaan.
I. Gumamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag.
J. Magsimula sa pamamagitan ng buod.
21. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSISIMULA
K. Gumamit ng tuwirang sabi.
L. Maglarawan ng tao o pook.
M. Gumamit ng analohiya.
N. Gumamit ng isang salitang makatatawag ng kuryosidad.
22. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSASAAYOS NG KATAWAN
A. Iayos ang mga datos ng pakronolohikal.
B. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o
pababa, papasok o palabas.
C. Iayos ang mga datos nang pasahol.
D. Iayos ang mga datos nang pasaklaw.
23. PROSESO NG PAGSULAT
PAGSASAAYOS NG KATAWAN
E. Paghambingin ang mga datos.
F. Isa-isahin ang mga datos.
G. Suriin ang mga datos.
24. PROSESO NG PAGSULAT
PAGWAWAKAS
A. Ibuod ang paksa.
B. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.
C. Mag-iwan ng hamon.
D. Bumuo ng kongklusyon.
E. Gumawa ng prediksyon.
25. PROSESO NG PAGSULAT
PAGWAWAKAS
F. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
G. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
H. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo.
27. PROSESO NG PAGSULAT
•Pag-eebalweyt ng nagawang draft.
•Pag-eedit ng akda.
•Proofreading. Peer editing
Pag-iwan sa akda
Professional editing