際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Pagsulat ng Sanaysay
Allan A. Ortiz
Guro sa Filipino, Elizabeth Seton School
Awtor: SIKAT 4,5,6, at Wikang Sarili 1, 3, at 7
Pagsulat ng sanaysay
Dalawa lang ang sanhi kapag
nahihirapan magsulat ng
sanaysay:
Una ay dahil wala akong
alam sa topic.
Pangalawa ay dahil
sobrang dami kong alam
sa topic.
Ito ang limang problema na
kadalasang nararanasan
kapag pamilyar tayo sa paksa
ng sanaysay:
 Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako
magsisimula o kung paano ako magtatapos.
 Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga
nalalaman ko sa paksa ang isasama ko sa sanaysa.
 Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga
ideya ko.
 Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa focus habang
sinusulat ko na ang sanaysay.
 Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang maging paulit-
ulit ang mga ideya ko sa loob ng aking sanaysay.
Pagsulat ng sanaysay
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 1) Tema
2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay
3) Talata
4) Punto
5) Balangkas o Outline
6) Panimula, Katawan at Wakas
7) Tono
8) Tamang gramatika at mga
pananda
9) Tapusin ang sanaysay .
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Tema - basahing mabuti
ang tema, pokus o topic ng
sanaysay na hinihingi ng
pagsusulit. Ito ba ay tungkol
sa iyong sarili, opinyon o
puna, , isang paglalarawan,
reaksyon sa isang nabasa,
atbp?
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Pamagat o Titulo ng
Sanaysay - dapat ay may
kinalaman ito sa tema ng
isusulat; hindi dapat
napakahaba, iwasan ang
pamagat na patanong at
kailangang nakakapukaw ng
kalooban
Ang pamagat ang pinakapangalan mo.
Pagkatapos mo kasing kumatok sa pinto
ng mambabasa, sasabihin mo ang
pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka
kilala o hindi ito interesante, malamang
ay pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi
ka ito babasahin. Minsan, maiksing
pamagat (pangalan) ay katanggap-
tanggap na. Madalas, kapag weird ang
titulo, iyon pa ang interesting basahin.
Depende sa may-ari ng bahay
(mambabasa). Kaya nga, alamin mo kung
sino ang iyong mga readers (may-ari ng
bahay).
Paano ba pumili ng pamagat?
Huwag kang obvious. Ang
title, maiksi man o mahaba,
ay dapat interesting.
Huwag ding OA. Baka hindi
mo naman kayang bigyan
ng tamang paliwanag
pagdating sa loob.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Talata - isang punto o
diwa, isang talata. Huwag
pagsama-samahin sa iisang
talata o paragraph ang mga
isusulat. Ang mga talata ay
dapat magkakaugnay.
Iwasan din ang masyadong
mahabang talata na paulit-
ulit naman ang laman.
Talata?
binubuo ng isa o lipon ng
mga pangungusap na
MAGKAKAUGNAY
binubuo rin ng
Pangunahing Paksa (PP)
at mga Pantulong na
Detalye (PD)
Pangunahing Paksa
main idea
sentro o pangunahing
tema sa talata
Kadalasan ay makikita sa
unang pangungusap
(imply) at huling
pangungusap
(konklusyon)
Kaming mag-asawa ay
nagkakaroon ng mga
problema. Ang aking asawa
ay mahilig gumasta ng pera,
samantalang ako ay matipid.
Mahilig din siyang lumabas
ng gabi kung kailan naman
tulog na ako. Gusto rin niya
ng mga sport pero ayaw ko
naman ng mga iyon.
Kaming mag-asawa ay
nagkakaroon na ng mga
problema. Ang aking asawa
ay mahilig gumasta ng pera,
samantalang ako ay matipid.
Mahilig din siyang lumabas
ng gabi kung kailan naman
tulog na ako. Gusto rin niya
ng mga sport pero ayaw ko
naman ng mga iyon.
Mga Pantulong na
Detalye
Supporting details/
information
mga mahahalagang
kaisipan o mga susing
pangungusap na may
kaugnayan sa
paksang pangungusap
Wag na wag mong
ipapasok ang kamay mo
sa kahon na yan. Baka sa
loob nyan ay may
matatalim at kalawanging
bakal. Baka may
mousetrap dyan at bigla
ka na lang maipit. O baka
makagat ka ng malaking
gagamba dyan.
Wag na wag mong
ipapasok ang kamay mo
sa kahon na yan. Baka sa
loob nyan ay may
matatalim at kalawanging
bakal. Baka may
mousetrap dyan at bigla
ka na lang maipit. O baka
makagat ka ng malaking
gagamba dyan.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Punto - Dapat malinaw
ang iyong punto o thesis
sentence. Ano ba ang gusto
mong palabasin? Iakma rito
ang iyong mga sasabihin.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Balangkas o Outline -
kung mahaba ang oras,
gumawa ng maikling outline
para alam mo ang isusulat
sa bawat talata.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Maihahalintulad ito sa plano
ng isang bahay bago gawin ito
ng mga inhinyero, sa kawayan
o sticks na nagpapatibay sa
isang sarangola, o sa
isang mapa na ginagamit ng
mga manlalayag.
Ito ang limang halimbawa kung paano
tayo matutulungan ng paggawa ng
balangkas o outline sa pagsulat ng
isang sanaysay:
Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
mas mapag-iisipan mong mabuti kung
paano mo sisimulan o tatapusin ang
iyong sanaysay.
Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
mapipili mo ang mga ideya o
konsepto na nais mong isama sa
sanaysay. Dapat lahat ng ito ay
magkaka-ugnay.
Ito ang limang halimbawa kung paano
tayo matutulungan ng paggawa ng
balangkas o outline sa pagsulat ng
isang sanaysay:
Kapag ikaw ay gumawa ng
balangkas, mas magiging madali sa
iyong ayusin ang mga ideya sa iyong
sanaysay. Mapipili mo kung ano ang
mga ideyang nais mong ilagay sa
panimula, katawan at katapusan ng
iyong sanaysay.
Ito ang limang halimbawa kung paano
tayo matutulungan ng paggawa ng
balangkas o outline sa pagsulat ng
isang sanaysay:
Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
maiiwasan mong mawala sa focus habang
nagsusulat ng sanaysay dahil para itong
mindmap. Gagabayan ka nito para maisula
ng malinaw ang iyong mga ideya.
Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga
ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa
lang ay naka-plano na kung ano ang mga
ideyang isasama mo at hindi.
Halimbawang balangkas
 PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?
 BALANGKAS:
 I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot
 Makapagtapos ng pag-aaral
 Maiahon ang pamilya sa kahirapan
 May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin
 II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
 Magbabasa ng maraming A&E Modyul
 Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
 Makikinig sa payo ng aking mga guro
 III. KONKLUSYON
 Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
 Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng
Alternative Learning System (ALS)
 Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Panimula, Katawan at
Wakas - Ang sanaysay ay
karaniwang may panimulang
talata, katawan at wakas o
konklusyon. Sa body o katawan
ng sanaysay, dito ipinahihiwatig
ang pinakapunto ng sanaysay,
ang maliliit na detalye ng punto
at ang paglalarawan o masusing
pagbusisi ng maliliit na detalye.
Pagsulat ng Simula
Una, question (patanong). Gusto niyo
po bang gamutin ko kayo? Doktor ka
kasi, di ba?!
Pangalawa, declarative (pasalaysay).
Nakarating na ako sa ibat ibang panig
ng mundo dahil lamang sa aking
panggagamot. Ang tanging hindi ko pa
nagagalugad ay ang kontinenting
Antarctica. Ito ay paasalaysay dahil
nagsaad ito ng isang pangyayari.
Pagsulat ng Simula
 Pangatlo, shocking statement (nakakagulat na
pahayag). Twenty years old pa lang ako ay
nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang
matanda. Nakakagulat talaga dahil ang doktor
ay nag-aaral ng sampung taon.
 Pang-apat, quotation (kasabihan). Para kang
makata nito. Sabihin mo, An apple a day keeps
the doctor away. May connect sa'yo as doctor.
Tapos banatan mo pa, Pero di mo na kailangan
ng apple dahil nasa harapan mo na ang doktor.
Lolz. Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung
sino ang pinagmulan ng quote. Kung ikaw
mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan ka
ng plagiarism.
Pagsulat ng Simula
 Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay
maikling salaysay na may aral sa buhay.
Halimbawa: Minsan, naglalakad ako sa isa sa
mga kalsada sa Europa nang makita ko ang
matandang babae sa may tabi ng basurahan.
Naglahad siya ng kamay. Humihingi. Hindi ko
siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero
nang maalala ko ang aking ina sa Pilipinas,
binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala na
siya. Ganun lang.
 Pang-anim, survey. Madalas ito ay patanong
like Magagaling po ba ang mga Pilipinong
doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang
gamutin ng doktor?
Pagsulat ng Simula
 Pangpito, definition (kahulugan). Magbibigay ka
ng salita at ang depinisyon. Make sure it is related
to your topic. Halimbawa, Ang narcolepsy ay
isang medikal na kalagayan ng tao na kung saan
ang pasyente ay bigla na lang makakatulog kahit
nagtratrabaho, naglalakad, nagsasalita o iba pa.
 Marami pang paraan para simulan ang sanaysay.
Pwede kang mag-discover. Paglaruan mo ang mga
salita. Ang mahalaga ay naengganyo mo ang
maybahay na manatili ka sa kanyang tahanan.
Makikita mo, may nakahain nang pagkain para
sa'yo dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo.
Ayaw ka na niyang paalisin.
Katawan
Kampante na sa'yo ang reader (house
owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa
pakay mo. Ito na ang katawan ng
sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng
iyong saloobin at kaalaman. Sabihin mo
nang lahat dahil nag-eenjoy na ang
reader. Huwag ka lamang liliko. Huwag
mong pansinin ang ayos ng kanilang
bahay baka bigla ka na lang palayasin at
pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga
usaping-doktor at medisina ang inyong
pag-usapan. Yun lang! Dapat malinaw at
direct to the point ang mga banat mo.
Katawan
 Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa
body. Ang bawat isa ay konektado. Ganito:
1. Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging
doktor. Kahit pagiging guro ang gusto ng mga
magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod.
Suwail kasi ako. Pasaway.
2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila.
Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa umaga. Sa awa ng
Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos
ako ng medisina dahil sa pagko-callboy ko. Joke
lang.
3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na
manggagamot. Laki ako sa hirap kaya tumutulong
ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang
lumilingon sa pinanggalingan ay malayo pa ang
nararatingan.
Tapos na ang katawan ng sanaysay.
Huwag kang matakot maglabas ng
mga informative at entertaining
words dahil iyon ang misyon ng
sanaysay o ng pagpunta mo sa
isang bahay. Huwag masyadong
seryoso. Magpatawa ka minsan para
di maboring ang reader.
Wakas
 At ang panghuli, ang konklusiyon. Hindi ka
makakapasok konklusiyon.
 Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan.
Isang talata na may isang pangungusap ay pwede na.
Basta ba ma-move mo ang may-ari ng bahay. Manabik
siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful.
Pwede ring mainis mo. O kaya mainvite. O mayaya
mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa, Kung
ako ikaw, magdoktor ka.
 Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring
mo ring gawin sa konklusiyon. Ang tanging kaibahan
ay nagpapaalam ka na, this time. Ang pagsulat ng
sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan.
Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong
hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay
ng may-ari.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Tono - tiyakin ang tono ng
iyong isusulat. Ito ba ay nasa
unang katauhan (ako)? Ikaw
ba ay isang magulang,
pulitiko, guro? Ito ay
mahalaga upang maipaliwanag
mo ng mahusay ang inyong
punto de vista (point of view).
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Tamang gramatika at
mga pananda - mas
malaki ang puntos kung
tama ang grammar o
gramatika ng sanaysay.
Dapat ay wasto ang mga
pananda (tuldok, kuwit,
pananong, tutuldok, atbp)
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sanaysay
 Tapusin ang sanaysay -
huwag ibitin ang
mambabasa. Dapat itong
may konklusyon o wakas.
Pagsulat
Paksa: Ano ang
pinakamahalagang aral
na natutuhan ko sa
aking buhay?
Sanggunian:
 https://alstutor.wordpress.com/2014/07/16/tips-sa-pagsulat-ng-
sanaysay-bakit-mahalaga-ang-balangkas-o/
 http://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
 http://documents.tips/self-improvement/paano-ang-tamang-
pagsulat-ng-sanaysay-para-sa-a.html
 http://alternativelearningsystem.blogspot.com/2011/10/mga-tips-
sa-pagsulat-ng-sanaysay-essay.html
 http://poroy.blogspot.com/2015/09/paano-sumulat-ng-
sanaysay.html
 http://ederic.net/tips-sa-pagsusulat-ng-sanaysay/
 http://www.slideshare.net/Tempesthorne/talata?from_action=save
 http://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-
pantulong-na-detalye

More Related Content

Pagsulat ng sanaysay

  • 1. Pagsulat ng Sanaysay Allan A. Ortiz Guro sa Filipino, Elizabeth Seton School Awtor: SIKAT 4,5,6, at Wikang Sarili 1, 3, at 7
  • 3. Dalawa lang ang sanhi kapag nahihirapan magsulat ng sanaysay: Una ay dahil wala akong alam sa topic. Pangalawa ay dahil sobrang dami kong alam sa topic.
  • 4. Ito ang limang problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa ng sanaysay: Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung paano ako magtatapos. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga nalalaman ko sa paksa ang isasama ko sa sanaysa. Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko. Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa focus habang sinusulat ko na ang sanaysay. Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang maging paulit- ulit ang mga ideya ko sa loob ng aking sanaysay.
  • 6. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay 1) Tema 2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay 3) Talata 4) Punto 5) Balangkas o Outline 6) Panimula, Katawan at Wakas 7) Tono 8) Tamang gramatika at mga pananda 9) Tapusin ang sanaysay .
  • 7. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, , isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?
  • 8. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Pamagat o Titulo ng Sanaysay - dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban
  • 9. Ang pamagat ang pinakapangalan mo. Pagkatapos mo kasing kumatok sa pinto ng mambabasa, sasabihin mo ang pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka kilala o hindi ito interesante, malamang ay pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi ka ito babasahin. Minsan, maiksing pamagat (pangalan) ay katanggap- tanggap na. Madalas, kapag weird ang titulo, iyon pa ang interesting basahin. Depende sa may-ari ng bahay (mambabasa). Kaya nga, alamin mo kung sino ang iyong mga readers (may-ari ng bahay).
  • 10. Paano ba pumili ng pamagat? Huwag kang obvious. Ang title, maiksi man o mahaba, ay dapat interesting. Huwag ding OA. Baka hindi mo naman kayang bigyan ng tamang paliwanag pagdating sa loob.
  • 11. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit- ulit naman ang laman.
  • 12. Talata? binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na MAGKAKAUGNAY binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye (PD)
  • 13. Pangunahing Paksa main idea sentro o pangunahing tema sa talata Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap (konklusyon)
  • 14. Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.
  • 15. Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.
  • 16. Mga Pantulong na Detalye Supporting details/ information mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap
  • 17. Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob nyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.
  • 18. Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob nyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.
  • 19. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.
  • 20. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat sa bawat talata.
  • 21. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Maihahalintulad ito sa plano ng isang bahay bago gawin ito ng mga inhinyero, sa kawayan o sticks na nagpapatibay sa isang sarangola, o sa isang mapa na ginagamit ng mga manlalayag.
  • 22. Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o outline sa pagsulat ng isang sanaysay: Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.
  • 23. Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o outline sa pagsulat ng isang sanaysay: Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
  • 24. Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o outline sa pagsulat ng isang sanaysay: Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa focus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisula ng malinaw ang iyong mga ideya. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay naka-plano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.
  • 25. Halimbawang balangkas PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test? BALANGKAS: I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot Makapagtapos ng pag-aaral Maiahon ang pamilya sa kahirapan May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam Magbabasa ng maraming A&E Modyul Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay Makikinig sa payo ng aking mga guro III. KONKLUSYON Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng Alternative Learning System (ALS) Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.
  • 26. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.
  • 27. Pagsulat ng Simula Una, question (patanong). Gusto niyo po bang gamutin ko kayo? Doktor ka kasi, di ba?! Pangalawa, declarative (pasalaysay). Nakarating na ako sa ibat ibang panig ng mundo dahil lamang sa aking panggagamot. Ang tanging hindi ko pa nagagalugad ay ang kontinenting Antarctica. Ito ay paasalaysay dahil nagsaad ito ng isang pangyayari.
  • 28. Pagsulat ng Simula Pangatlo, shocking statement (nakakagulat na pahayag). Twenty years old pa lang ako ay nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang matanda. Nakakagulat talaga dahil ang doktor ay nag-aaral ng sampung taon. Pang-apat, quotation (kasabihan). Para kang makata nito. Sabihin mo, An apple a day keeps the doctor away. May connect sa'yo as doctor. Tapos banatan mo pa, Pero di mo na kailangan ng apple dahil nasa harapan mo na ang doktor. Lolz. Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung sino ang pinagmulan ng quote. Kung ikaw mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan ka ng plagiarism.
  • 29. Pagsulat ng Simula Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay maikling salaysay na may aral sa buhay. Halimbawa: Minsan, naglalakad ako sa isa sa mga kalsada sa Europa nang makita ko ang matandang babae sa may tabi ng basurahan. Naglahad siya ng kamay. Humihingi. Hindi ko siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero nang maalala ko ang aking ina sa Pilipinas, binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala na siya. Ganun lang. Pang-anim, survey. Madalas ito ay patanong like Magagaling po ba ang mga Pilipinong doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang gamutin ng doktor?
  • 30. Pagsulat ng Simula Pangpito, definition (kahulugan). Magbibigay ka ng salita at ang depinisyon. Make sure it is related to your topic. Halimbawa, Ang narcolepsy ay isang medikal na kalagayan ng tao na kung saan ang pasyente ay bigla na lang makakatulog kahit nagtratrabaho, naglalakad, nagsasalita o iba pa. Marami pang paraan para simulan ang sanaysay. Pwede kang mag-discover. Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahalaga ay naengganyo mo ang maybahay na manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita mo, may nakahain nang pagkain para sa'yo dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo. Ayaw ka na niyang paalisin.
  • 31. Katawan Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa pakay mo. Ito na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong saloobin at kaalaman. Sabihin mo nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader. Huwag ka lamang liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng kanilang bahay baka bigla ka na lang palayasin at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-doktor at medisina ang inyong pag-usapan. Yun lang! Dapat malinaw at direct to the point ang mga banat mo.
  • 32. Katawan Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay konektado. Ganito: 1. Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging doktor. Kahit pagiging guro ang gusto ng mga magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako. Pasaway. 2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos ako ng medisina dahil sa pagko-callboy ko. Joke lang. 3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na manggagamot. Laki ako sa hirap kaya tumutulong ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang lumilingon sa pinanggalingan ay malayo pa ang nararatingan.
  • 33. Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag kang matakot maglabas ng mga informative at entertaining words dahil iyon ang misyon ng sanaysay o ng pagpunta mo sa isang bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka minsan para di maboring ang reader.
  • 34. Wakas At ang panghuli, ang konklusiyon. Hindi ka makakapasok konklusiyon. Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan. Isang talata na may isang pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-move mo ang may-ari ng bahay. Manabik siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful. Pwede ring mainis mo. O kaya mainvite. O mayaya mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa, Kung ako ikaw, magdoktor ka. Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring mo ring gawin sa konklusiyon. Ang tanging kaibahan ay nagpapaalam ka na, this time. Ang pagsulat ng sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-ari.
  • 35. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view).
  • 36. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)
  • 37. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.
  • 38. Pagsulat Paksa: Ano ang pinakamahalagang aral na natutuhan ko sa aking buhay?
  • 39. Sanggunian: https://alstutor.wordpress.com/2014/07/16/tips-sa-pagsulat-ng- sanaysay-bakit-mahalaga-ang-balangkas-o/ http://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag http://documents.tips/self-improvement/paano-ang-tamang- pagsulat-ng-sanaysay-para-sa-a.html http://alternativelearningsystem.blogspot.com/2011/10/mga-tips- sa-pagsulat-ng-sanaysay-essay.html http://poroy.blogspot.com/2015/09/paano-sumulat-ng- sanaysay.html http://ederic.net/tips-sa-pagsusulat-ng-sanaysay/ http://www.slideshare.net/Tempesthorne/talata?from_action=save http://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga- pantulong-na-detalye