1. 1 Lagonera
Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.
Umalingawngaw sa akin itong paglalarawan ni Edgar Samar na makikita sa kanyang Tesis1
sapagkat tunay nga na ang lahat ng sugat ay minsan, buo. Nahihiwagaan lamang ako na nagsimula
ang sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes nang maligaya at mapayapa (batang Julia at
Tenyong), nang buo, ngunit bakit wala pa ring sugat gayong ito ay kuwento ng rebolusyon, ng
sakripisyo?
Bago ito ay sumasalamin sa rebolusyon, ang Walang Sugat ay kuwento ng pag-iibigan nina
Tenyong at Julia. Simula pa lang, pilit nang ikinakalas ang pag-ibig ng dalawa, sa ‘di-pagsang-ayon ni
Aling Juana at sa presensya ng maimpluwensyang si Miguel. Sa pagsapit ng rebolusyon, tuluyang
napaghiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa pagtatapos, mismong ang rebolusyon ang naging
instrumento upang maipakasal sila. Ayon pa kay Samar, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan,
ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Samakatuwid, balewala ang sakripisyo, ang
mga sugat sa giyera, kung sa huli, ito ang magbabalik sa dalawa. Hindi nasugatan ang pag-iibigan ng
dalawa.
Bukod riyon, ang sarsuwela ay higit na isang pagsasalamin sa mga karanasan ng Filipinas sa
kolonisasyon ng mga Kastila. Ang kuwento ay natakda sa huling dekada ng ika-19 siglo, sa isang
maliit na bayan. Ang panahong ito ang pagtatapos ng paghahari ng mga Kastila. Samakatuwid, ang
lahat ng mga sugat mula sa paghihirap at sakripisyo ay nagtapos sa pagtatagumpay ng mga Filipino sa
rebolusyon. Wala na ang mga sugat na dulot ng mga Kastila nang mamatay si Kapitan Inggo dahil sa
pagpapahirap ng mga kura paroko, nang ikulong ang mga kalalakihan dahil sa pagrerebelde, nang
ibuwis ang mga buhay ng mga Katipunero. Mahalaga na itakda ito sa isang maliit na bayan sapagkat
kumakatawan ito sa nararamdaman ng bawat bayang may kontribusyon sa pagpapalaya mula sa mga
Kastila, sa pagpapakita sa sugat na hindi na kailangang danasin ng bawat Filipino sapagkat nagtapos
na ang paghihirap sa loob mga Kastila.
2. 2 Lagonera
Ayon pa nga sa isang salawikain, kailangang masaktan upang muling maging buo. Muli,
masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan.
Bapakaraming pagsasakripisyo at sugat na pinagdaanan, ngunit kailangan ito upang sa huli, maging
buo muli.
Ngunit bakit, matapos ang giyera, walang mga sugat si Tenyong? Mahiwaga (ideyal?) Sa aking
tingin, itong literal na kawalan ng sugat ang makapagbibigay-sagot sa isa pang palaisipan ng Walang
Sugat.Sapagkat ang dula ay puno ng sugat, pagpaslang, sakripisyo, samakatuwid sa tingin ko ay
nangangailangang isaalang-alang ang isa pang kasaysayan.
Sa kontekstong maimpluwensya ang Kristiyanismo (panahon ng Kastila), ang sugat ay
nagpapaalala sa mga sugat ng paghahandog ni Kristo. Ito ay simbolo ng pag-ibig, at sa kuwento, pag-
ibig sa bayan. Hindi natin maitatanggi na may pag-ibig sa bayan, na may sugat, ang mga tauhan tulad
nina Tenyong, ang tatay nito, si Julia, mga bilanggo, at ang mga Katipunerong nag-alay ng buhay sa
giyera. Ngunit kung tatandaan, ang dulang ito ay unang inilabas nuong 1902, ang pagtatapos ng
rebolusyon laban sa Amerika, at muling pagkatalo at pagkasakop ng mga Filipino. Kung ang isang
tao ay manunuod ng dula tungkol sa pagsasakripisyo sa rebolusyon, sa isang panahon na may bagong
mananakop, ano ang mararamdaman nito?
Sa kabila ng mga sakripisyo, balewala ang mga sugat, ang mga pagsasakripisyo, sapagkat sa
huli, sa mga Amerikano rin naman sila mapupunta. Wala ring nangyari. Samakatuwid, ang dula ay
nagpapaalala sa manunuod sa mga nabalewalang sugat nuong panahon ng mga Kastila bagaman
nagsakripisyo ang mga Filipino nang lubos.
Ayon kay Samar, ang mga sugat ay paggising, paghiwa sa sarili ang pagsisikap ng ilan na maging
gising at malay sa paligid. Kailangan na magising upang maipakita ang pag-ibig sa bayan. Ang
sarsuwela, bagaman nga nakatutuwa, ay isang dulang may nakaungkit na mensahe sa anumang
panahon. Ang naglalakad ng matulin, Kung matinik ay matulin. Taglay raw natin ang sugat ng paglimot,
3. 3 Lagonera
laging nagmamadali papalayo. Mabilis nating nalilimutan ang mga sakripisyo ng nakaraan, ang mga
nag-alay ng buhay. Ang sarsuwela ay nagpapaalala sa isang mensahe sa tulad ng nangyari sa panahon
ng Kastila, sa tulad ng nabalewalang sugat sa pagsakop ng mga Amerikano, ang paggising tungo sa
tunay na kasarinlan. Samakatuwid, mahalagang magtapos ang Walang Sugat sa sigaw ng walang sugat
bilang hamon sa manunuod na alalahanin ang pag-aalay para sa bayan nuong rebolusyon mula sa
mga Kastila.
Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.
Tunay, nagsimula ang Walang Sugat nang maligaya at payapa, nang buo. Hindi maitatanggi sa
sarsuwela, may mga sugat, may pag-ibig sa bayan, may paggising. Ngunit sa pagsusugat na ito
naganap ang pagihihilom. Ang mga sugat na ito ang naging daan upang magkabalikan sina Julia at
Tenyong. Ang mga sugat ring ito ay mahalaga upang makamit ang kasarinlang mula sa mga Kastila at
tuluyang maitanggal ang mga sugat na ito mula sa lipunan. Minsan, ang pagsusugat din ay
nababalewala. Pumapasok ang Walang Sugat sa tila walang naibungang rebolusyon, sasakupin din
naman ng mga Amerikano, muli rin namang mabubulag na mga Filipino. Masusugatan, ngunit lilipas
ay makalilimutan ang dahilan sa mga sugat na ito. Ipinapaalala tayo ng mga pangyayari sa rebolusyon,
upang magising muli, sa panibagong hamon ng mga Amerikano, at ng pakikibaka sa kasalukuyan
tungo sa tunay na kasarinlan, na sa pagkamit lamang ng tunay na kasarinlan maipapakita ang tunay
na sugat, sugat na may bunga, sugat na naaalala, sugat na nararamdaman.
1
Tayong Lumalakad Nang Matulin: Talambuhay at Kalipunan ng Tula, Edgar Samar, 2004, Pagtahak
sa Talinghaga ng Sugat, pp. 104 - 132.