2. a. Kahulugan
Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng
sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan
ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa
paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa
nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang
anyo ng panitikan. Ang talumpati ay
pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May
iba’t-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin
ang paraan ng paghahanda.
3. b. Layunin
Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala
ang kanyang mga tagapakinig sa
pamamagitan ng malinaw at maayos na
paglalahad ng pangangatwiran.
4. c. Uri ng Pagbigkas
Malumay - may diin sa ikalawang pantig mula sa
hulihan. Maaring magtapos sa patinig o katinig.
Banayad at walang antala ang pagbigkas sa
huling pantig, walang kuglit.
Malumi - may diin sa ikalawang pantig mula sa
hulihan. May impit mula sa huling pantig.
Nagtatapos sa patinig lamang. () Paiwa ang
tuldok na ginagamit.
5. Mabilis - binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin
at antala hanggang sa huling pantig. Maaring
magtapos sa patinig o katinig.
Maragsa - Binigkas ng tuloy-tuloy, may impiyt sa
huling pantig. nagtatapos sa huling pantig
lamang. Nilalagyan ng tuldok na pakopya.
6. d. Dapat isaalang-alang sa Entablado
Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng
mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng
kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng
pagbigkas ng mga salita, kanyang
pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas
ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay
nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga
tao.
7. Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang
nilalaman ng talumpati upang matukoy ang
wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas
nito at higit sa lahat dapat matukoy ang
layunin at kaisipang nais iparating ng
talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa
mga tagapakinig.
8. Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting
malaman ng isang mananalumpati ang uri at
antas ng kanyang tagapakinig upang makapagisip siya ng mabuting paraang gagamitin na
makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang
mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa
wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung
sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila
ang talumpati at maging malinaw ang
kahalagahan ng talumpati para sa kanila.
9. e. Uri ng Talumpati
Talumpating Nagbibigay-aliw– isinasagawa sa
mga handaan, pagtitipon o salu-salo
Talumpating Nagdaragdag – kaalaman –
madalas isinasagawa sa mga lektyur at paguulat.
10. Talumpating Nanghihikayat – ginagamit upang
mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig.
Talumpating Nagbibigay-galang – ginagamit
sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong
dating.
Talumpating Nagbibigay-papuri – ginagamit
sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.
11. f. Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati
Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa
halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya
sa mga nakikinig.
Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot.
Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat
laging handa.
12. Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan
nang dagdagan pa upang hindi lumabo at
maging paligoy-ligoy
Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga
pagtigil, huwag matakot at mangamba.
13. Iwasang maging stiff at huwag mahiyang
ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng
katawan
Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at
payak lang sa pakikipag-usap na tila ba ay
ginagampanan lamang ng isang kaswal na
pakikipagkomunikasyon
Iwasang mautal para malinaw na maintindihan
ng mga tagapakinig ang ninanais mong
ipabatid sa kanila.