2. Kasanayang Pampagkatuto
Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa
interes at pananaw ng nagsasalita (F8PN-IIIg-h-31),
Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema,
layon, gamit ng salita, at mga tauhan (F8PB-IIIg-h-32)
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
mundo ng pelikula (F8PT-IIIg-h-32)
3. Lights, Camera, Action!
Panuto:
Magpili ng eksenang nagustuhan sa bahagi pelikula.
Sundin ng magkapareha ang arte at diyalogo ng artista.
Ang mananalo may premyo.
5. PAG-ALIS NG MGA SAGABAL
A. Salita B. Denotasyon C.Konotasyon
1. Ang pagsasagawa ng Aksiyon Resirts ay
nagpapatalas ng ating saplotkalamnan.
2. Ang paggamit ng tamang wika ay
kailangan sa maayos na kinalabasan ng
isang pelikula.
3. Nakakaaliw ang mga palabas sa
pinilakang tabing.
Panuto: Ibigay ang literal o denotasyon at konotasyon o malalim
na kahulugan ng mga salita na may salungguhit sa hanay A.
6. Salita Denotasyon Konotasyon
1. Ang pagsasagawa ng Aksiyon Resirts ay
nagpapatalas ng ating saplotkalamnan.
Binihisan ang
kaloob-looban
Malaking
impluwensiya
sa ating
pagkatao
2. Ang paggamit ng tamang wika ay kailangan sa
maayos na kinalabasan ng isang pelikula.
pagsasalita
Isang
medyum sa
pakikipagta
-lastasan
3. Nakakaaliw ang mga palabas sa
pinilakang tabing.
Kurtinang
Pilak Sinehan
7. Pagbibigay ng Sariling Bayas o
Pagkiling
Ang bayas ay isang inklinasyon
predisposisyon o pagkakagusto na nagiging
balakid upang maging kapani-paniwala ang
isang pinagmumulan ng impormasyon.
8. Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring
Pelikula
Kailangang ipakilala sa simula ang paksa ng
pelikula. Maaaring magsimula ang may-akda sa
mga simpleng detalye tulad ng pamagat ng
pelikula, mga aktor at aktres na nagsiganap, at
pati na rin sa pook at panahon kung saan
nangyari ang kuwento.
9. Ang Pagsusuri ng Pelikula ay batay
sa:
Tauhan Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang ba ang
mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang
kontrabida (antagonista)?
Tema o paksa Mayroon bang puso ang pelikula? May taglay ba itong
kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay
ng kanilang mga karanasan sa buhay?
10. Gamit ng Salita ay ang tanyag na mga linya o
kataga na may kaugnayan sa tema o ipinapahayag
ng tauhan sa pangyayari.
Layon ay ang intensiyon ng sumulat kung ano
ang nais niyang ipahayag o ipaalam.
11. Ayon kay Thomas Caryle, itinuturing ang
wika bilang saplot ng kaisipan;
gayonpaman, mas angkop marahil sabihing
ang wika ay ang saplotkalamnan, ang
mismong katawan ng kaisipan.
12. Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula
Pinilakang Tabing (Silver Screen) o sinehan
Sine lugar panooran ng mga pelikulang naka-
anunsiyong panoorin.
Cut salitang ginagamit ng direktor kung hindi
nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi maaayos
ang pagkakagawa.
Lights, camera, action hudyat na magsisimula na ang
pag-arte o ang pagkuha ng eksena.
13. Take two tumutukoy sa kung ilang ulit
kinukuhanan ang eksena.
Derek tawag sa taong nagmamaneho sa artista,
lugar, iba pang gagalaw sa pelikula.
Bida tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
Kontrabida katunggali ng bida na nagbibigay
intense sa isang pelikula.
14. Okey, taping na! pormal na hudyat na ang
taping ay magsisimula na.
Break! Break! saglit na pamamahinga o pagtigil
sa pagkuha ng eksena.
Anggulo tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar
eksena at pag-arte.
Artista mga taong gumaganap ng bawat papel na
hinihingi ng istorya
15. Musika dapat naaangkop sa kuwento o
eksena at galaw ng bawat tauhan.
Iskrip kasaysayan ng pelikula, teksto o
nasusulat na paglalahad sa pelikula kasama ang
detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal
na kailangan sa produksyon.
16. MGA GABAY NA TANONG
Paano kaya makabuo ng isang pelikula?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Bakit tinaguriang pinilakang tabing ang pelikula?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Gaano kahalaga ang paggamit ng wika sa isang pelikula?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
17. PAGSASANAY
ARTE KO SIKAT!
Panuto: Ang pinanuod ninyo ay isang drama-pag-
ibig na The Hows of Us Siyasatin ang
Katwiran (SIKAT) Batay sa nabunot na uri ng
pahayag mula sa diyalogo ng tauhan.
18. Batayang Tanong
Paano susuri ng isang pelikula?
Makasusuri ng isang pelikula sa pamamagitan
ng________________________________________________
D. Mga Dapat Tandaan
Ang pagsusuri ng isang pelikula ay nangangailangan ng angkop na
paggamit ng wika na umaantig sa saplotkalamnan ng mga nanonood.
Dapat sundin ang mga gabay at panuntunan na kinakailangan sa
pagsusuri ng isang magandang pelikula.
19. E. Repleksiyon
Paano nakatutulong ang isang kuwentong
pampelikula sa pagpapahalaga mo sa buhay,
kagaya ng The Hows of Us.
F. Valyu Pokus:
Buuhin ang mensahe, Ang buhay ay parang
pinilakang tabing -------------------.